Message #165

21 1 0
                                    

Ito na ang pinaka-last kong isusulat sa papel na 'to after how many days, weeks, months and years kong nagsulat dito.

Hanggang ngayon may aftershock pa ako sa mga nangyari noong isang araw. Parang panaginip lang? Hindi ko ine-expect na magiging kami ni Nike sa huli. Puro unexpected talaga ang buhay.

Pumunta si Nike sa bahay kahapon para ipaalam sa parents ko na kami na. Sabi naman nila, okay lang daw basta huwag na huwag papabayaan ang pag-aaral. Si daddy nga eh, botong-boto talaga kay Nike. Nakakatuwa lang, kasi tanggap na siya agad ng pamilya ko. Bukas, pupunta naman ako sa bahay nina Nike para kausapin sina Tita Emma at Tito George. 

Noong naging kami ni Nike, naging sweet siya ng sobra sa'kin pero ganun pa rin naman. Mahangin siya, ako naman kumokontra. Kukulitin niya ako, susungitan ko. Magpapa-cute ako sakanya, tumatalab naman. Hahaha! Ganun pa rin pero syempre sweet na at may kasama nang "kiss" at PDA sa school, sa mall at kung saan-saan pa.

Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko!

Wala nang ilangan sa pagitan namin, yung parang pinapakita na namin o tanggap na namin yung mga attitudes ng bawat isa. Yung imperfections ng isa, tanggap ng isa. Ganun. Kaya wala nang kailangan pang itago sa pagitan namin kasi kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.

Madami naman akong natutunan sakanya. Natuto akong tumanggap ng mali, ng katotohanan at ng reyalidad. Syempre, sa una mahirap matanggap lahat yon lalo na't sarado ang puso at isip sa mga bagay na ganon.

Nagpapasalamat ako ng sobra kay Nike dahil sa mga ginawa niya para sa'kin, yung mga times na down na down ako sa sarili na nadyan siya, yung kailangan ko ng taga-advice at karamay sa buhay ko.

Nike, maraming salamat sa'yo. Simula ngayon, ako naman ang magtuturo ng mga bagay na tinuro mo sa'kin at magiging karamay at sandalan mo sa lahat ng oras.

Mahal na mahal kita Nike. =)        

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon