Ang ganda ng beach dito sa Subic. Hindi nakakasawang titigan, languyin at kung ano-ano pa. Mabuti na lang libre lang kaming tatlo dito. Anyway, kasama namin si kuya Yixing, yung kuya ni Zheng, para daw may guard at protector kami.
"Excuse me, miss?" may biglang kumalabit sa'kin.
"Ye---" naputol yung sasabihin ko dahil nagsalita agad siya.
"Oh! Krizelle? Is that you?" gulat at mangha niyang sinabi.
Huh? Sino 'to?
Lumingon ako.
OH. MY. GOSH. "Ken?" gulat kong sinabi.
"It's nice to see you again. Hahaha!"
"Me too..." nakangiti kong sinabi.
"Upo ka." anyaya ko sakanya na umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
Nakangiti siyang umiiling, "One year and a half.."
"Bilang na bilang ha." tapos tumawa ako.
Tumawa din siya, "Syempre, isa ka sa sobrang nagpatibok ng puso ko."
Ken Fujiyoshi ... my ex-boyfriend ... Ang gwapo niya din. Hahaha!
Mabuti nga hindi kami awkward ngayon eh. Hahaha!
"Hmm.. Mas lalo kang gumwapo? May girlfriend ka na 'no?" mala-detective kong tanong.
Ngumiti siya at nag-sip sa juice niya, "Wala..."
"Sa gwapo mong 'yan?"
Ang gwapo na talaga niya ngayon! Lalo na ngayong nae-expose yung six pack abs niya at naka-swimming trunks lang?! Ang puti pa niya, at bagay yung kapeng kulay ng buhok niya.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Bigla akong kinabahan.
"... hinihintay kasi kita."
Napalunok ako.
"Hahaha! Joke lang! May pagnanasa ka pa din sa'kin 'no? Hahaha! Kidding!"
Napailing na lang ako habang tumatawa, "Wala ka pa ding pinagbago."
"Anyway, may boyfriend ka na? Siguro kayo na ni Nike."
Whuuuuut?!
Hanggang dito ba naman? Si Nike pa din ang naririnig ko?
Nasapo ko ang aking noo, "No way."
"That's impossible. Imposibleng wala ni isa sa inyong magkakaroon ng feelings sa isa't-isa."
Napatingin ako sakanya ng confuse, "Kailan ka pa naging love expert?" taas kilay kong tanong.
"Hahaha. Kanina lang, 'nong nakita kita."
Natawa na lang ako at nag-sip sa melon juice ko.
"You look nice." nakangiti niyang sinabi habang nakatingin sa suot ko.
Kahit naka-robe ako, nakikita pa din yung suot kong swimsuit.
Flattered me. Hahaha!
"Ikaw yata 'tong may pagnanasa sa'kin eh. Hahaha! "
"Loko! Baka may magalit. Hahaha!"
Nagkita kami ni Ken kanina sa restaurant dito sa resort. Napag-alaman kong nasa iisang hotel lang kami naka-check in. Tapos babalik na daw siya ng Japan next next week, kaya ine-enjoy na niya yung 2 weeks dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle