Message #58

42 1 0
                                    

Hinanap ko yung ibig sabihin ng panaginip ko. Eskwelahan, ibig sabihin ay “… may nagkakagusto din sa’yo…” Hindi ko maiwasang isipin na ikaw ‘yon. Kasi umaasa pa din ako kahit hindi dapat.

Sa tuwing ikine-kwento ko yung nararamdaman ko para sa’yo, lagi nilang sinasabi, “… malay mo, may gusto din siya sayo.” o “.. baka may gusto din ‘yon sa’yo…” at “… may spark kaya kayo.” Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila. Pinipilit kong isipin na, “Wala! Wala siyang gusto sa’yo. Pinapaasa ka lang niya. Option ka lang. Gusto lang niyang malibang.

Kay Nike ko gustong magkagusto, pinipilit kong ilipat sakanya yung nararamdaman ko para sa’yo. Pero akalain mo ‘yon? Di ko magawa. Doon ko naisip na ang hirap pala talagang mag-move on.

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon