Message #148

26 1 0
                                    

Grabe! Ano bang pinaggagawa ko sa dare kanina?!! Jusko! Ngayon ko lang na-realize na nakaka--- nakaka--- harujusko..

"Anong nabunot mo?" tanong ni Henry

Tinignan ko ng maigi at binasa ng malakas, "Dilaan yung white board."

Okay! Game ako jan!

"Yung may sulat!" dagdag pa nila.

Tumingin ako sakanila, "Papatayin niyo ba ako?" tapos dinilaan ko na 'yong white board.

Sumunod si Jacob, 'yong sakanya naman ay i-untog ang ulo sa cabinet. "Oooooohhh~" medyo abno, napalakas niya eh mabilis namang masara yung cabinet.

At sumunod si Kirsten, ang dare sakanya ay mag-lap dance kay Henry. Walang malisya, it's only a dare.

Next naman si Yex, "Kiss Krizelle on her cheeks." sabi niya.

Walang malisya, parang kapatid na turing ko sakanya.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Twerk in front of Nike? Hahaha!" sigaw ni Henry habang hawak-hawak ang papel.

"Okay, I'll do it!" at lumapit na nga siya kay Nike, tumalikod at, "HAHAHA!"

"Nakakasuka!" sigaw ni Nike.

Natatawa ako sa itsura ni Nike! Hahahaha! Yung muka niya!! Mukang diring-diri! Hahahaha! Napamura pa nga! Hahaha!

"Smash your head on the floor?" pagbasa ni John.

"Yung malakas ha!" dagdag ni Henry.

*TUG

Nayanig 'yong buong sangkatauhan.

"Ooooohhh~~"

Kumuha na ako ng papel sa gitna at binuksan ito...

"Holding hands kayo ng katabi mo sa right buong game?" tumingin ako sa right ko.

Okay. Kalokohan 'to.

"Oh, holding hands na kayo ni Jacob."

Naka-buklat na yung kamay niya na sign na hininhintay niya yung kamay ko. Pinatong ko na 'yong kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya.

"Yiiieeeeeeee!!!!" sigaw nilang lahat.

Ngumiti lang ako at nag-poker face agad.

Wala akong nararamdamang kilig. Nakakaramdam lang ako ng kaba sa dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tinignan ko si Nike, nakatingin lang 'to sa cellphone niya. Alam kong naglalaro siya ng clash of clans, at alam niyang magka-holding hands kami ni Jacob.

Madaming nangyari sa dare na ito. Merong dinilaan yung muka, yung ilong, yung tenga, yung floor, yung kurtina, yung talampakan ng sapatos, yung chin ng katabi, halikan sa cheeks, kumain ng papel, kumain ng buhok, sisipain yung edge ng table.

2nd round na ng Dare to Dare namin. Medyo nakakaba 'to. 

Masyadong grabe daw ang isusulat na dare. Katabi ko na naman si Jacob, nasa left ko siya at sa right ko naman si Yex.

Kumuha na si Yex ng papel sa gitna at binasa ito, "Ano 'to? Dilaan yung leeg ng katabi?" tumingin siya sa'kin.

"Sa'kin na lang." volunteer ni Henry na katabi din ni Yex.

At nagawa naman niya 'to.

It's my turn.

Shoot! Kinakabahan ako! 'Di ko alam kung bakit. Shocks! 

Kumuha na ako ng isa. Lahat sila nakaabang. Lahat sila naghihintay kung anong gagawin ko na naman.

Sana 'di mapunta sa'kin 'yon...

Binuksan ko...

"Huy! Bakit napunta sa'kin 'to? What the fudge naman." reklamo ko.

"Ano ba yan?" tanong nila.

Tumingin ulit ako sa papel at binasa ng malakas, "Kiss mo sa lips yung katabi mo sa left." tinignan ko si Jacob, "Guys, 'di ko kaya."

Ang dami kong pangamba. Hindi ko talaga kaya. Bakit ganon? Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko oh. Lalabas na ata siya sa ribcage ko?

"Kaya mo yan! Ano pa't dinilaan mo yung curtina, white board, yung talampakan ng sapatos mo, tapos dinilaan mo yung chin ni Reecks?! Kaya mo yan!" sabi ni Henry.

"Smack lang. 'Di ka mabubuntis." dagdag pa ni Henry.

Shocks. Nakatingin lang si Jacob sa'kin. Wala siyang sinasabing kahit ano. Nakangiti lang. At parang hinihintay niya ako.

"Sige." matapang kong sinabi.

Humarap na ako sakanya.

Dahan-dahan akong lumapit sa muka niya.

Leche! Ito na ba 'yon?! Ano ba 'tong pinapasok ko?! Bakit sa'kin pa napunta yung dare na 'yon?!

I cupped his face. Fork!! Wala na atang atrasan 'to.

Tumingin ako sa mga mata niya, at nakatingin siya. Tinignan ko yung labi niya, matipid yung mga ngiti niya. 

At pumikit ako...

... kinakabahan ako...

lumapit na ako ng bahagya at kasabay no'n ang paglapat ng mga labi ko sa labi niya.

Yung first kiss ko...

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon