“Nike… Bakit hindi na lang ikaw?” – Ako
“Ha? Anong ako? Naaaning ka na naman.” – Nike
“ Loko ‘to! Umiiyak ka na naman?!” - Nike
“Nakakainis!! Naiinis na ako sakanya! Naiinis na din ako sa sarili ko!” - Ako
“Sige mamaya, ipapa-salvage ko siya, kung sino man siya. Tahan na.” - Nike
“Kadiri ka talaga! May sipon na yung uniform ko! Tahan na! Muka kang gusgusing bata na uhugin na nakaupo sa tabi ng poste!” - Nike
“Dami mong arte! Ako naman maglalaba niyan eh!” - Ako
“Hehe. Joke lang! Pinapatawa lang kita. Hahaha!” - Nike
“Okay lang yan. Matututunan mo din siyang makalimutan. Basta tandaan mo, nandito lang ako parati sa tabi mo.” - Nike
“T-Thank you. I l-love you, N-Nike.” - Ako
“Wag ka nang umiyak! Ang lapot ng sipon mo!” – Nike
Bakit kasi hindi na lang talaga si Nike?
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle