Medyo kinabahan ako konti sa nagtetext sa'kin kanina. Pero feeling ko ikaw 'yon... hangin eh. Pero, 'yon ay imposible. Imposible na nakikita mo ako ngayon. Imposibleng alam mong nandito ako sa resort ng Auntie nina Zheng. Lalo na't pinagbawalan ko lahat ng maids namin na sabihin sa'yo na nandito ako.
Last day na namin bukas dito, at sa hapon ang uwi namin. Iniisip ko pa lang na kokomprontahin kita bukas, kinakabahan na ako.
But anyway, ie-enjoy na namin bukas ang last day dito. Isasantabi ko muna ang problema at pag-iisip tungkol sa mangyayari sa'tin bukas.
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle