Message #138

32 1 0
                                    

Ang dami naming ini-try kanina! Yung jetski na muntik na kaming makabangga ni Zheng ng lumalangoy na lalaki. Yung banana boat na muntik na kaming tumaob sa sobrang kakulitan ni kuya Yixing at kalikutan ni Zheng. Tapos nag-bangka pa kami! Buti nga hindi malikot 'yong dalawa, nagse-selfie kasi. Nakakita nga ako ng madaming isda at pagi. Nakakatawa nga eh, muntik ng mahulog sa monopad 'yong iPhone ni Zheng dahil gusto niyang mag-groupie kami.

Ang saya talaga!

Kahit sandali, nakalimutan kita at in-enjoy ko 'yong bawat oras ko dito at ni minsan hindi kita inisip.

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon