Nasa labas na ako ng starbucks. Sabi niya, nasa dulo siya at naka navy blue polo shirt.
Pumasok na ako at luminga-linga. May nakita akong lalaking naka-navy blue'ng damit. Ahh! Baka si Mr. Kokoro na 'yon! Naka-short siya na hanggang tuhod. Ang puti niya gahd. Yung buhok niya na medyo makapal at kulay kape ay bagay sa kanya kahit nakatalikod siya.
Habang papalapit ako sakanya, nakakaramdam ako ng kaba. Ewan ko ba! May something dito sa puso ko. Pakiramdam ko nga kilala ko siya eh.
Tatlong hakbang na lang siguro at nasa likod na niya ako. Tumigil muna ako at huminga ng malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
Lumapit na ako at tinapik ang balikat niya, "Mr. Kokoro?"
Napatigil siya sa paglalaro ng phone niya at unti-unting lumingon sa'kin.
"Krizelle." nakangiti niyang sinabi.
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang itsura niya, "I-Ikaw?"
"I-Ikaw si Mr. K-Kokoro?" mautal-utal kong sinabi.
Tumawa siya na dahilan upang mawala ang kanyang mga mata, "Ken Fujiyoshi a.k.a Christian." tumayo siya at nag-bow sa'kin.
"Upo ka." sabi niya habang nakaturo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.
Nagulat pa din ako sa nangyayari. Hindi ko naman kasi in-expect na si Ken pala yung abnormal na nagtetext sa'kin eh.
Umupo na ako sa bakanteng upuan at napansin kong may frappuccino na agad sa harap ko, at gano'n din sakanya.
May biglang nagpop out sa utak ko ng bigla ko siyang tinignan, "Kailan ba flight mo?"
Bigla siyang nag-pout, "Pinapaalis mo na ako?" malungkot niyang sinabi.
Okay, ang cute talaga ni Ken kahit kailan. Oh, walang malisya or something yan ha.
Natawa ako sa inasal niya, "Hindi ko alam kung bakit ako nakipag-break sa cute na katulad mo." pagbibiro ko.
"Muling ibalik~~~" kanta niya.
"Eww. Wala sa tono!" sabi ko habang tumatawa.
Tumaas ang kaliwang kilay niya, "Wow ha, Krizelle! Sa'yo pa talaga nang galing yan!"
Natawa ako sa naging reaksyon niya, "Anyway, saan mo ba nakuha yung kokoro na yun?" pagi-iba ko.
"Japanese word 'yon, ano ka ba. Parang 'di ko tinuro sa'yo 'yon ah!" sabi niya.
Nasapo ko ang aking noo, "Alam mo namang medyo makakalimutin ako kapag ibang langguage na ang inaaral ko diba?" eksplenasyon ko.
Hindi ko na siya tatanungin tungkol sa mga sinulat ko kanina sa papel. Para saan pa? Kilala niya naman sina Nike at Jacob 'no.
"Bakit hindi ka kaagad nagpakilala sa'kin?" tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya, "Wala lang."
Kumunot ang noo ko at nagulat sa sinabi niya, "Wala lang?!" medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin ang ibang costumers sa'min.
Tumawa siya ng mahina at itinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na simbolo ng quiet.
"Kaya ko lang ginawa 'yon kasi ito na ang last na magkikita tayo at makukulit kita. Atsaka para may memorable naman akong ginawa bago ako umalis dito sa Pilipinas." at ngumiti siya ng peke.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, "So, you will live there for good na? D-Di ka na babalik?" nauutal kong tugon.
Ngumiti siya pero hindi umabot sa kanyang mga mata. Kahit kailan talaga, hindi siya marunong magtago na nalulungkot siya.
Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinalulugaran ko. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatayo din siya. Hindi ako nagpakita ng emosyon sa kanya na lalo pa niyang ikinalungkot.
Lumapit ako ng bahagya sa kanya at bigla siyang niyakap.
"Ken, mag-iingat ka palagi dun ha. Wag mong papabayaan ang sarili mo." malungkot ko sinabi.
Nag-respond naman siya sa yakap ko, "Ano ba yan Krizelle. Parang ayoko na tuloy umalis. At lalo tuloy akong umasa sa'yo sa mga sinabi mo." at hinigpitan niya yung yakap niya sa'kin.
Pinalo ko siya ng mahina sa likod, "Baliw ka talaga." bulong ko.
Ibinaon niya ang kanyang ulo sa balikat at sinabing, "I love you, Krizelle.. Mamimiss kita."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, "Makakahanap ka din ng mas higit pa sa'kin do'n. Hahaha! Ano ka ba, madadaming magkakandarapa sa'yo don kaya pwede kang mamili!" biro ko.
Humiwalay na kami sa pagkakayakap at napansin kong may nangilid na luha sa mga mata niya. Pinunasan ko ito gamit ang aking mga kamay at sinabing, "Piliin mo yung alam mong mahal ka ng sobra at syempre mahal mo."
Ngumiti siya sinabi ko at ginulo ang buhok ko. Napa-pout naman ako sa ginawa niya. Ang hirap kayang mag-ayos ng buhok ng 15 minuetes!
Kinurot niya ng mahina ang pisngi ko pero tinapik ko naman agad yung kamay niya. Kaya nagulat naman siya ginawa ko.
Hinawakan ko yung muka niya at hinalikan siya sa kaliwang pisngi niya.
Sa totoo lang, nakakalungkot din na aalis na si Ken tapos hindi na siya babalik dito.
Naalala ko tuloy 'yong mga pinupuntahan namin noong kami pa. Hahaha! Lagi kami sa isaw-an, fishball-an at kung saan-saan pa na may streetfoods. Every monthsary namin, laging sa starbucks at krispy kreme kami nagce-celebrate. Kaya alam niya kung ano 'yong favorite kong order-in sa starbucks at krispy kreme.
Dati, tuwing may libreng oras kami, pumupunta kami sa timezone para mag-dance revo. Parati siyang panalo, syempre sabi niya kapag nanalo, may kiss. Kaya ayun, lagi siyang may kiss sa cheeks galing sa'kin, Pero one time, nanalo ako. Tuwang-tuwa ako no'n kasi nga first time yon! Kaya ang reward ko, may kiss na, lahat ng gusto ko ay libre niya.
Ilan lang yan sa mga masasayang nangyari noong kami pa na hindi namin makakalimutan. Kaya nga siguro hindi kami awkward sa isa't-isa eh kasi medyo compatible kami. Hahaha!
Ken... Mamimiss din kita kahit kailan lang ulit tayo nagkita. Ingatan mo ang sarili mo ha, at sana maging masaya ka sa bagong buhay na naghihintay sa'yo sa Japan. =)
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Ficțiune adolescenți"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle