Revealed Message

41 1 0
                                    

"Oh my gosh! Last day na ngayon!" biglang sigaw ni Marielle.

Tumahimik ang lahat, "Alam namin!" sabay-sabay nilang sigaw kay Marielle.

Nag-pout si Marielle sabay walk-out. Palabas na siya ng room pero tumingin ulit siya sa'min, umaasa atang may pipigil sakanya pero wala. Ayun, medyo pahiya si ateng, biglang umiyak. Haays.

Biglang sumulpot si Nike sa harap ko, "Here's your gift!" ani niya.

Isang medium size na box ang nakita ko. Nakabalot ng wrapper. Kulay pearl aqua na wrapper. Ang cute nga eh. Pero mas cute tong si Nike. :''>

Mabilis akong ngumiti, kasabay no'n ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko, biglang nagwala tong puso ko! Kasabay pa no'n ang kakaibang pakiramdam sa may tyan ko.

"Wag mo akong titigan. Matutunaw ako." sambit ni Nike.

Nagulat ako sakanya kaya napayuko ako, "Baliw." sabi ko.

Nagulat na naman ako ng biglang hawakan ni Nike yung chin ko at itiningala ito para makita ko siya.

Nakita ko yung muka niyang sobrang amo. Suot niya ang mga matatamis niyang ngiti at kitang-kita sa mga mata niya ang tuwa.

"N-Nike.."

Papalapit ng papalapit yung muka niya sakin. Hindi ako makagalaw sa kinalulugaran ko. Biglang uminit yung muka ko, yung tipong lahat ng dugo ko napunta sa muka ko.

"Aray!" sigaw ko.

"Ayan! Para magising ka sa katotohanan!"

Pitikin daw ba yung noo ko?! Ang galing talaga nitong taong sapatos na to! Ang chakit! Huhuz.

Ngumiti siya ng matamis sakin at iniabot na naman ang regalo niya, "In-effortan ko yan!"

"Buksan mo na! Bilis!" dagdag pa niya.

"Ikaw na magbukas! Tutal mas mukang excited ka pa sakin!"

Baliw talaga tong sapatos na to.

Binuksan ko yung box, nagulat ako ng box din ang laman nito. Napansin kong napahagikhik si Nike, "Nike, ihahampas ko sayo tong regalo mo. Wag mo akong pinagt-tripan sapatos ka."

Halata namang nagpigil siya ng tawa, "Buksan mo yung isa pang box." utos niya.

Alam ko na to eh! Hanggang sa lumiit yung box tapos yung laman langaw, "Paking tape ka sapatos." bulong ko.

Bubuksan ko na sana Yung box ng may Napansin ako sa peripheral vision ko.

Ang galing! Lahat sila vini-videohan kami! Magaling talaga tong mga classmates namin. Tsk. Tsk.

Ibinalik ko na lang ulit yung atensyon ko sa box. Binuksan ko ito, nakita kong may nakatuping papel. Color dandelion na papel. Kinuha ko to. Nagulat ulit ako ng may box pa pala. Natakpan lang ng papel na nakatupi.

"Hawakan mo muna, mamaya ko na babasahin." sabi ko kay Nike sabay abot nung papel at tumango naman siya.

Maliit na lang na box ang nasa likod ng papel na yon. Tignan ko na lang talaga kung may kasunod pa talaga tong box na to na kasinglaki na lang ng palad ko. Tss.

"Oh my."

Nagulat ako pagkabukas ko ng box, isang silver necklace na may tatlong maliliit na heart at yung nasa gitnang heart, may kulay sky blue na bato na maliit.

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon