Mahal na mahal kita, Nike.
Tinitigan ko yung papel. Napangiti ako ng bahagya, so eto pala yung mga sinulat ko tungkol sa lablyp ko noon? Hahaha. Kinikilig pa din ako. Hehehe. Ang sarap ulit-ulitin basahin yung mga papers.
Hindi ko akalain na maitatabi ko pa talaga 'tong mga papel na 'to makalipas ang maraming taon. Kumbaga sa isang museum, parang na-preserve ko na ewan 'to. Masyadong iningatan sa pagtatago.
Grabe pala yung pagkaka-brokenhearted ko kay Jacob noon? Tapos kahit na hiwalay na kami ni Ken noon, friends pa din kami at walang awkward feelings. Ahh! Si kuya Jino! Crush ko pa din naman siya hanggang ngayon. Cool na nga niya ngayon eh!
"Mom? What's that?"
Kinarga ko siya para makaupo siya sa tabi ko sa kama, "Mga memories ni mommy noong teenager pa siya, baby."
I pinched her cheeks. Ang taba-taba eh! Nakakagigil! "Mommy, pwede pong basahin?"
"Baby, you already know that." tapos tumawa siya, "Lagi mong pinapa-kwento sa'min yan ng mommy mo eh."
Tumango siya, "Hmm.. 'Yon po pala 'yon?" tumingin siya sa'kin ng curious, "Bakit nga po pala sa papers kayo nagwri-write ng feelings niyo sakanila?"
Oo nga noh? Bakit nga pala ako nagsusulat sa papel ng feelings ko? Ano ba naman 'tong batang 'to, di ko tuloy alam ang isasagot ko.
"Ahh.. Baby, para unique diba? Hehehe~" sabi ko na lang.
Biglang bumukas ng bahagya yung pintuan ng kwarto, "Dad! Nasan na yung clover chips ko! Tas yung mogu-mogu ko! Nawawala!!"
"Ahh.. Eh. Hindi ako kumain non! Baka si Klerizz!" depensa naman ng daddy niya.. mag-ama ba 'to? Magkabarkada ata eh?
Tinignan ni Klerizz yung daddy niya, "Dad...? I saw you kanina doon sa garage, kumakain ng chips with mogu-mogu na grapes pa nga eh." tapos tumawa siya.
"Pa naman eh!!" sigaw ni Klarenz.
Lumapit si Nike kay Klarenz, "Papalitan ko yun, nukaba. Don't ya worreh~" tapos ginulo niya yung buhok ni Klarenz.
Haay. Minsan nga naisip ko, magkakabarkada yata kami dito? Parang nasa iisang dorm kami at magkakaibigan. Hahaha!
"Ma, ano yang mga kalat na yan?" tanong ni Klarenz sakin tapos umupo siya sa tabi ni Klerizz.
Pinalo ni Klerizz si Klarenz, "Kuya, that's not a trash! Mga memories ni mommy yan nung teenager siya."
"Aba! Unique si inay ah!" sabi na eh, magkabarkada lang kami dito eh! 'Di ko talaga anak 'to!
Tumingin ako sakanya, "Syempre ah! Buti nga naitago ko pa 'to eh."
"Anyway, paano ka napadpad dito Klerizz?" tanong ko. Wala eh, tropa ko anak ko eh!
Tumingin siya sakin ng nakangiti, "Jackson asked me if pwede daw po pumunta yung parents niya dito sa bahay."
Lumapit sa'kin si Nike mukang may ibubulong ata, "Six years old pa lang anak natin ah? Mamamanhikan na agad? Aba ayos 'yon."
Bumuntong hininga ako at binatukan ko siya ng mahina, "Utak mo Nike, lumalayo na sa katawan mo."
"Bakit naman sila pupunta dito? Anong meron? Kailan daw ba?" sunud-sunod na tanong ni Klarenz.
"I don't know po kuya. Gusto po nilang pumunta eh. And next week daw po wednesday." sagot naman ni Klerizz.
Biglang nag-beep ang cellphone ni Nike. Mukang may nagtext yata? Pabayaan ko na nga siya kung sino nagtext sakanya. May tiwala naman ako sa cuppuccino baby na asawa ko eh.
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Novela Juvenil"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle