-Blossom pov-
[Asan ka na ba taba? Kanina pa ako naghihintay sayo sa labas nang campus.] 5:34 p.m
[Pinasahan na kita nang load. Akala ko ba 5:00 p.m yong last subject mo?]
5:48 p.m
[Lowbat ka ba? O ayaw mo lang akong makasama. ;(]
5:58 p.m
Napabuntong hininga ako habang binabasa ang text ni James sa akin. Nasa bahay na ako ngayon at kasalukuyang nakahiga sa kama.
Kanina habang papalabas ako nang campus ay nakita ko ang kotse ni James sa di-kalayuan. Talagang naghintay ito sa akin. Pagkatapos kasi nang klase namin ay napagdesisyunan kong umuwi na. Ayaw kong makipag-usap dito. Ayaw ko muna itong harapin.
Swerte naman at merong pumarada na jeep sa harapan ko. Kahit nagsisiksikan ang mga kapwa ko estudyante ay nagawa ko pa ring makasingit. Hindi talaga ako nagdalawang isip na sumakay agad. Bahala na ang bakulaw na maghintay doon. Habang nasa biyahe ako ay nagvavibrate yong cp ko sa bulsa. Alam kung ito ang nagtetext sa akin. Talagang hindi ko iyon pinansin. Mahirap na at baka bigla na lamang akong pumara at pumunta doon sa park.
Kaya heto ako ngayon, blanko ang isip habang nakatingin sa cp. Gusto ko sanang magreply sa text niya ngunit pinigilan ko ang sarili. Ano naman ang itetext ko sa kanya?
"Hay ayoko nito. Pabayaan mo na kasi ang bakulaw na iyan Blossom." hindi ko na mapigilang isigaw saka inihagis ang phone ko sa tabi ko lang.
Minuto lamang ang nakalipas nang biglang tumunog ang cp ko. Mabilis ko iyong kinuha. Nakita ko ang pangalan na Iloveyou sa screen. Si James iyon. Natigilan ako. Sasagutin ko ba o hindi? Ngunit hindi ko pa napagdesisyunan kung sasagutin ko ba ito nang biglang napindot nang daliri ko ang accept button. Traidor na daliri. Sinagot ko na lamang iyon.
"Hello."
"Bakit hindi mo sinagot yong text ko kanina. Alam mo bang mahigit isang oras akong naghintay sa iyo sa labas nang campus? Asan ka ba ngayon?" bungad agad ni James sa kabilang linya. Ramdam ko ang inis niya.
At ito pa talaga ang may ganang mainis. Ganon ba talaga kahalaga yong babaeng pinasakay niya sa sariling kotse nito.
"Pasensiya ka na meron kasing emergency dito sa bahay." pagsisinungaling ko.
"Ba't hindi ka man lang nagtext sa akin na may emergency pala sa bahay ninyo. Eh! Di sana hindi ako naghintay sa iyo nang matagal doon." sabi nito.
Nagpanting ang teynga ko sa narinig. "Kasalanan ko bang maghintay ka doon ha! Sana umuwi ka na lang. Alam mo naman palang hindi ako sisipot." napataas na boses na sabi ko.
"May problema ba sa ating dalawa Blossom?" seryosong sabi nito sa kabilang linya. Madiin pang binigkas ang pangalan ko.
Natigilan ako sa narinig. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin.
"May ginawa ba akong mali sayo at mukhang galit ka sa akin. Tell me. May sinabi ba si Jc tungkol sa akin o may ginawa na naman siyang hindi maganda sa iyo?"
BINABASA MO ANG
Secretly fall in love
RomanceMeet Blossom, Simpleng babae na patay na patay sa mismong bestfriend nitong si James. Isa lang naman ang pangarap nito, ang mapansin ito mismo ni James. Problema nga lang dahil lahat nang nalilink sa bestfriend nito ay puro sexy at mayayaman. Which...