Chapter 2

190 16 0
                                    

-Blossom pov-

   Madami ka nang kasalanan sa akin bakulaw ka.

  Kung pwede lang sanang sumigaw ay ginawa ko na. Paano naman sa sobrang panic ko kanina nang malaman na naghihintay ang bakulaw na si James ay nakalimutan kong mamayang hapon pa pala ang first subject ko. Nakalimutan ko ring magtxt sa kaibigan kung si Ma. Fe at at si Ollah. Tapos nagpaalarm pa ako nang maaga, wala rin palang kwenta. Matalino nga ako pero pagdating sa pagmamahal ay nagiging bobo. Aaminin ko iyon. Wala na akong magawa kundi pumunta nang Library, doon alam kung makapagrelax ako. Nagtxt na lang ako sa dalawa kong kaibigan na magkikita na lang sa cafeteria mamaya.

   Hindi ko akalaing madami nang kapwa estudyante ko sa Library sa unang pasukan pa lamang. Lalo pa't ganito ka aga. Pumunta agad ako sa Fiction book section kung saan ang paboritong kung lugar sa Library. Hindi ko alam kung saan ang una kung babasahin sa dami nang libro. Dahil amaze na amaze ako sa paghahanap nang babasahin ay di ko namalayang nabangga na ako sa pader. Magrerekalamo na sana ako nang bigla na lamang may nagsalita.

   "Gawain ba talaga ninyong mga babae na magpapansin?"

   Napatingala ako sa may ari nang baritonong boses na iyon. Hindi ko akalaing tao pala ang nakabangga ko hindi pader. Talagang napatingala ako dahil matangkad ito. Ngayon ko lang nakita ito sa campus. Naglalaro ang mga height nito sa 5'9" kung hindi ako nagkakamali. At saka oh my! hindi lang ito matangkad kundi ulam pa. Chinito ang mata nito. alon-alon ang buhok tsaka manipis ang labi. Makinis ang mukha. At tsaka maputi pa. But there is something in his eyes that familiar to her. Parang nakita ko na iyon minsan. Hindi ko lang alam kung saan.

   "Miss. hindi ako ulam na basta mo na  lang tingnan" inis na wika nito.

   Paano nito nalaman ang iniisip ko? Nakakahiya. Pero siyempre hindi ko iyon aaminin dito. "Alam ko. Tiningnan ko lang nang maigi kung sinong ang taong paharang harang sa harapan ko." inis ko ring wika.

   Napailing ito. "Style mo bulok miss. Kung gusto mo akong makilala  ay magtanong ka. Hindi ako maramot magbigay nang pangalan. Hindi mo na kailangan pang maghirap." sabi pa nito.

   Aba't napakahambog nito. Madami pang mas gwapo kaysa sayo. Gusto ko sanang isigaw dito pero naisip kung mas lalo lamang lalaki ang ulo nito kapag sinabi kong gwapo ito. Actually hindi na ako nagagwapuhan dito. Ang hambog

   "Ang lakas naman nang hangin dito ano? Hoy whatsoever, wala akong pakialam kung sino ka man. Ang kapal mo namang sabihin na ginawa ko iyon upang makilala ka. For your information sir, hindi ko alam na humaharang ka pala diyan kaya kita nabangga. Sa susunod pumunta ka doon sa table kung saan pwede kang magbasa. Huwag kang paharang-harang dito.

   Tumawa ito. Nakita ko ang maputi at pantay na pantay nitong ngipin.

   No ang pangit nitong tumawa. Akala siguto nito ay nagagwapuhan ako sa kanya.

  "Ganun ba. Sa taas  kung ito ay hindi mo ako nakita? Advice ko sa iyo miss. Huwag kang unang lumapit sa lalaki. Hintayin mong sila ang unang lalapit sa iyo. maliwanag ba?" sabi pa nito at saka umalis.

   Mga ilang minuto akong nakatayo lamang. Nahihirapan ang utak kong magprocess. My gosh! ang lakas nang apog nang lalaking iyon. Iniisip ba nitong cheap akong babae. Anong akala nito sa sarili isang adonis? Huwag lang sana magtagpo ang landas nila nang lalaking iyon dahil tiyak na makakatikim ito nang maanghang na salita mula sa kanya. Malaki-laki nga ang campus nila pero hindi maaring makatagpo sila nito. Iisa lang ang paaralan na kanilang pinapasukan. At saka pakiramdam ko ay transferee ito. Bago lang ko lang kasi ito nakita.

   Napalinga-linga ako at baka may nakakita o nakarinig sa amin nang hambog na lalaking iyon. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao sa kinatatayuan ko. Nawalan na ako nang ganang magbasa. Sirang-sira na ang araw ko. Una ay dahil kay James, pangalawa ay dahil sa hambog na iyon. Panalangin ko sana na wala nang susunod pa.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon