Chapter 17

134 8 1
                                    

-Blossom pov-

Wala kaming imik ni Jc habang nagmamaneho siya. Papunta na kami sa campus. Ni hindi man lang ito kumain kanina. Nadis-appoint tuloy si mama nang makitang walang bawas ang hinanda nito. Gusto ko tuloy mainis sa katabi. Kahit pakitang tao lang naman sana ay ginawa nito. Hindi ba nito nakita ang effort na ginawa nang mama para maihanda iyon para rito.

Nang makita kong malapit na kami sa campus ay pinahinto ko ito. Agad naman itong nagtaka.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Dito mo nalang ako ibaba. Mahirap na at baka may makakita sa atin. Baka ano yong isipin nila." sabi ko naman rito.

Nakita kong napailing ito. Baba sana ito sa kotse nang pigilan ko na naman ito.

"Huwag mo na akong pagbuksan. Kaya kong buksan yong pinto nang kotse mo."

Napabuga naman kaagad ito. Tinanggal nito ang seatbelt na nakakabit sa akin. Habang tinatanggal nito iyon ay hindi mapigilang mailapit nito ang mukha sa dibdib ko. Napakagat-labi tuloy ako. Para akong na-estatwa. Hindi ako kumikilos. Bigla ring lumakas ang tibok nang dibdib ko. Hindi ko alam kung narinig nito ang tibok nang puso ko. Nang tuluyan na nitong maitanggal iyon ay nakahinga ako nang maluwag. Dali-dali kong binuksan ang kotse. Bababa na sana ako nang magsalita ito.

"Please isipin mo nang maigi ang sinabi ko kanina sa iyo." seryoso ang boses nito.

Hindi ako tumango. Ni hindi ako nagsalita sa sinabi nito. Itinuloy ko na ang pagbaba sa kotse nito. Bago ko sinarhan ang kotse nito ay nakita ko pa ang mata nitong nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naglalakad papasok sa campus.

~~~~~~

"Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sa iyo? Bakit ngayon ka lang?" nakacross arm agad na sabi ni Ma. Fe sa akin pagkalapit ko sa kanya. Masesense sa boses nito ang pagkairita. Nasa gym kami nang mga oras na iyon.

"Pasensiya na kayo. May mahalagang bagay lang kasi akong ginawa kanina sa bahay kaya ngayon lang ako nakadating." hinging paumanhin ko naman rito.

"Okay lang sanay naman kami sa iyo eh! Mabuti pa kami nagshashare sa kung ano mang nalalaman namin. Eh! Ikaw sinesekreto mo lang ang lahat." pagpaparinig ni Ollah. Nakaupo lang ito habang nakadekwatro ang paa.

Napakunot-noo naman agad ako sa sinabi nito. Magsasalita sana ako ngunit inunahan na ako ni Ma. Fe.

"Girl may ipapakita kami sa iyo na tiyak ikakagulat mo. Trending ito sa campus natin ngayon. At kahapon lang daw iyan nangyari." sabi ni Ma. Fe. Ibinigay nito sa akin ang cellphone nito. Siyempre pa na corious agad ako.

"Sana huwag sumakit ang dibdib mo sa nakita. Well sabagay hindi ka naman siguro masasaktan aba'y ang bilis mong makahanap eh." pagpaparinig nang bakla. Tiningnan ko ito nang matalim ngunit mukhang wala naman itong balak tingnan ako. Sumipol-sipol pa ito. Parang ipinapaalam nitong wala itong pakialam kung tingnan ko man ito nang masama. Kinuha ko naman tingin nito. Napagpasyahan kong huwag na lamang itong pansinin. Pag ganito kasi ang bakla ay siguradong meron itong hindi nagustuhan sa kanya.

"Huwag mo na lang siyang pansinin okay?" bulong sa akin ni Ma. Fe.

Tumango na lamang ako. May ipinakita itong video sa akin. Agad ko iyong iniplay. Habang tinitingan ko ang video na iyon ay nagsasalubong ang mga kilay ko.

Nakita ko ang mukha ni James. Nakaupo ito sa may bench habang may babaeng nakaharap rito. Nakatalikod ang babae kaya hindi ko makita ang mukha nito. Pero hindi makakaila ang tindig nang babaeng iyon. May class. Pamilyar din sa akin ang lugar na nakikita ko sa video. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa labas lamang iyon nang campus nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon