Chapter 10

203 17 0
                                        

12:10 p.m at siomai house

-Blossom pov-

Pagkapasok ko pa lang sa siomai house ay agad napadako ang mata ko sa isang sulok nang mesa sa kaliwa. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ollah at Ma. Fe na nakaupo doon at kumakain.

Oh no! Bakit ngayon pa sila kumain dito.

Agad akong tumalikod. Wrong move dahil hindi ko akalaing nasa likod ko na pala si Jc kaya na bangga ko ito. Buti na lang at agad ako nitong nahawakan kaya hindi ako natumba. Para tuloy siyang nakayakap sa akin.

"Excuse me. Pero nakaharang kayo sa dadaanan." sabi nang babaeng waitress doon. Agad kong itinulak si Jc. Nakita ko pa ang mukha nang babaeng waitress na parang naeskandalo sa nakita. Agad namang uminit ang mukha ko.

Nang tingnan ko ang paligid ay wala namang may nakapansin except sa mesa ni Ollah at Ma. Fe. Nakataas ang kilay nang mga ito habang nakatingin sa amin.

Patay!

Mabuti na lang at walang masyadong estudyante ang kumakain sa mga oras na iyon kaya madami kaming pagpipilian kung saan umupo.

Pinili kong umupo sa isang sulok sa unahan. Mga dalawang mesa ang agwat kung saan nakaupo si Ollah at Ma. Fe sa pinakadulo. Pinili kong umupo na nakatalikod sa dalawa. Umupo naman si Jc paharap sa akin.

"May problema ba?" takang tanong nito pagkaupo.

"Wala  naman. Akala ko kasi hindi ka sumunod." pagsisinungaling ko.

"Ah ok!" sabi nito. Ngunit bakas sa mukha na hindi ito naniniwala. Napakagat labi tuloy ako.

Lumapit  naman sa amin ang babaeng waitress na sumita sa amin kanina. Tumingin ito sa akin na para bang nasusuya. Pagkatapos ay matamis itong ngumiti kay Jc.

Gaga na to. Ang landi.  Hindi ko mapigilang murahin ito sa isip.

Bakit ba pagkasama ko ang Jc na ito ay masama ang tingin nang lahat sa akin. Nagiging kreminal ba ako kapag katabi ko ang lalaking ito?

"Ano po yong oorderin niyo sir?" parang sinisilihan na tanong nang babae. Pinupungay pa nito ang mata.

Tumingin naman agad si Jc sa menu. Hinihintay kong tanungin ako nang lukaret ngunit mukhang wala itong balak.

Isumbong ko kaya ito sa manager nito upang mawalan ito nang trabaho.

Tumingin sa akin si Jc. Hindi ko na hinintay pang magsalita ito.

"Isang japanese at saka shrimp siomai." sabi ko. Kahit hindi ko na tingnan ang menu ay alam ko na ang oorderin ko. Noong hindi ko pa nadesisyunang magapapayat ay palagi akong kumakain dito. Kasama ang dalawa kong kaibigan. At siyempre si James.

Tumingin naman ang lukaret. Halatang plastic ang pagngiti nito. "Yon lang po ba ma'am?"

Pinagtaasan ko ito nang kilay saka hindi pinansin. Bahala ang lukaret  na isiping mataray ako. Tutal ito naman ang nauna.

Tumingin ako kay Jc. Napapangiti ito. "Yon na rin sa akin." sabi nito.

"Dalawang japanese and shrimp na siomai." sabi ng lukaret habang inililista nito ang inorder namin. "Drinks sir?"

Aba't talagang si Jc lang ang pinapansin nang bruha.

"Ikaw na babe ang magdesisyon." sabi nito habang nakangiti.

Nganga ang waitress. Tiningnan ko ito nang masama. Sisitahin ko sana ito pero hindi ko na itinuloy.

Napahiyang tumingin sa akin ang bruha. "Ma'am yong drinks po?" naging magalang na ito.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon