Chapter 5

166 18 0
                                    

-Blossom pov-

Dear diary

Wala namang masamang nangyari sa akin sa araw na ito although napahiya lang naman ako. Una, napahiya ako sa lahat nang kaklase ko. Pangalawa, napahiya ako sa kaibigan ko. At pangatlo, napahiya ako mismo kay James. Kagagawan ito lahat nang hambog na lalaking iyon.

May gosh! Iniisip ko pa lang na araw-araw kaming magkikita nang Jc na iyon ay mapapahiya ako. Bakit kailangan pa niyang magtransfer sa school namin? Bakit kailangang-

Inis na nilukumot ko ang isinulat ko sa papel. Marami pa sanang katanungan na bumabagabag sa isipan ko ngunit alam kong walang sagot kahit isa man sa mga iyon.

Sa dami ba naman nangyari sa buhay ko, ay ngayon ko pa naisipang sumulat nang diary. At talagang pinag-aksayahan ko pa nang papel ang hambog na iyon. Gusto ko lang naman sana mawala ang nararamdaman kong inis. Wala kasi akong pwede pagsabihan kaya isinulat ko na lang.

"Hay! Bakit kailangan ko pang problemahin ang Jc na iyon." inis na wika ko. Napahiga ako sa kama. Bigla kong naalala ang nangyari kanina.

"What? pinsan mo pala yong transferee namin. I didn't expect this." Sabi ni Ollah.

"Why? mukha bang hindi kami magpinsan?" biro ni James.

"Of course not. No, I think it's on the blood na talagang lahi kayo nang mga gwapo papa James, right Blossom?"

Hindi ako sumagot. Matalim ko itong tiningnan. Talagang harapang tinutudyo ako nito.

"Why? may ginawa ba ang pinsan ko?" sabi agad ni James. Napansin kasi nito ang reaksiyon ko.

"Yup papa James. Ininsulto kasi niya si Blossom kaya---"

"What? ininsulto ka niya?" galit na mukha na tanong ni James sa akin.

Umiling agad ako. "No, huwag kang maniwala kay Ollah, masyado lang exaggerated ang baklang iyan."

" I know may cousin. Talagang wala iyong pakialam sa kahit na sino. I'm sorry  for what he did. Kahit nagawa na kitang ipakilala sa kanya ay nagawa ka pa rin niyang insultuhin. He did not change after all."

Hindi ko alam ang sasabihin.

"Ako na ang humihingi nang paumanhin sa ginawa niya. Don't worry kakausapin ko iyon." May galit pa rin sa tinig nito. Iyon lang at tumalikod ito na hindi man lang nagpaalam.

Mabilis ko itong tinawag pero hindi ako pinakinggan ni James. Sinaway pa ako nang grupo nang nagpaprayer meeting. Tumahimik na lamang ako.

Siniko ni Ma. Fe si Ollah. "Oh my gosh! Me and my big mouth." maarteng wika pa ni Ollah.

Tiningnan ko na lamang ito nang matalim.

Bigla akong bumalik sa realidad nang biglang may kumatok sa pinto nang kwarto ko.

"Anak huwag ka nang magpuyat. Nakabukas pa yong ilaw mo." sigaw nang aking ina.

"Yes ma." sagot ko dito. Pinatay ko agad ang ilaw. Hindi ko mapigilang kiligin habang niyayakap ang paborito kong unan. Naalala ko pa lang na nagagalit si James sa ginawa nang pinsan nito ay talagang kinikilig ako.

"Hay, kailan pa kaya magtatapat sa akin si James."

Napabuntong hininga na lamang ako. Mamaya pa'y hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

~~~~~~

Kanina pa masakit ang mata ko sa liwanag na sumasayaw sa gitna nang bulwagan. Nakakairita pa dahil medyo nakakaistorbo pa ang maskara na nakapalibot sa mata ko. Isa iyong kulay silver na hugis paru-paru. Nasa isang aquantance party kami sa mga oras na iyon at hindi ako nasisiyahan. Naiinis ako sa aming council dahil mask charade pa ang napili nilang tema sa aming aquantance party. Lahat nang dumalo sa  party na iyon ay puro engeneering. Magmula first year hanggang fifth year.  Nas sulok lamang ako at nakaupo. Hinihintay na matapos ang party na iyon  at nang makauwi na. Sayang lang ang suot kong white gown na pinatahi pa mismo nang aking ina. Sayang din ang make-up ko dahil hindi rin makikita nang buo ang mukha ko. Halos hindi ko nga makilala ang mga tao sa party na iyon. Stupid mask!

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon