Chapter 16

129 10 2
                                    

-Blossom pov-

[Blossom punta ka sa gym mamaya. Nasa gym kami nang mga 8 a.m. May mahalaga akong ipapakita sa iyo. Tiyak na magugulat ka kapag nakita mo ito.]
                                            6:29 a.m

Napakunot-noo ako nang mabasa ko ang mensahe na yon galing kay Ma. Fe. Talagang maaga pa ito nagtext sa akin. Nang tingnan ko ang alarm clock ay mag-aalas siete pa lang nang umaga. Mamayang 1 p.m pa kaya ang first subject namin.

Nagtipa ako sa aking cp.

[Ano ba iyang mahalagang ipapakita mo sa akin? Sabihin mo na lang kaya sa akin. Mamayang 10 pa ako pupunta nang skul.]

Pagkatapos kong mai-send iyon ay agad akong nagligpit nang higaan. Iniisip ko kung ano ba ang mahalagang ipapakita sa akin ni Ma. Fe. Hindi kaya bagong gadget niya? Ipinilig ko ang ulo. Hindi naman hambog si Ma. Fe para ipakita ang mga bagong gadget niya. Hindi ko pa man natatapos ang pagliligpit nang magvibrate yong cp ko. Agad ko iyong kinuha. Alam kong si Ma. Fe na iyon. Pagkabukas ko nang mensahe ay napakunot-noo ako.

[Goodmorning my big fat best. Start your morning right by making a cup of coffee. Have a great day! Ummwuahh.]

Halos abot ang ngiti ko sa tenga nang mabasa ko ang mensaheng iyon.  Siyempre pa galing sa pinakamamahal kong si James. Akala ko pa naman kay Ma. Fe.

Magrereply sana ako kay James ngunit hindi ko na lamang itinuloy. Sa halip inilapag ko na lamang ang cp ko sa table at tinapos na ang pagliligpit. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Alam kong si mama iyon. Lumapit naman kaagad ako sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko kaagad ang seryosong mukha ng aking ina.

"May bisita ka sa baba. Klasmeyt mo raw." sabi niya.

Huh? Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Sinong klasmeyt ko ang pupunta nang ganito kaaga sa bahay namin? Alam kong hindi si James iyon dahil hindi nakangiti ang aking ina.

"Sino ba iyon ma?" nagtatakang tanong ko.

"Jc raw ang pangalan." nakataas ang isang kilay nitong sabi.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ano ang ginagawa nang lalaking iyon sa bahay namin? At bakit alam nito kung saan ako nakatira?

"Mukhang gulat na gulat ka sa narinig ah! Puntahan mo siya sa sala dahil hinihintay ka niya. At please mag-ayos ka nang mabuti. Nakakahiya sa bisita. Aasikasuhin ko muna yong klasmeyt mo." sabi nito saka umalis.

Napatanga ako habang sinusundan ito nang tingin.

~~~~~~

"Talaga bang magpinsan kayo ni James? Aba'y talagang lahi kayo nang mga gwapo." nakangiting sabi ni mama habang hindi magkamayaw sa paghahanda nang pagkain sa mesa.

Parang ako ang nahihiya rito. Halata kasing masyado itong interesado kay Jc. Nagtaka rin ako kung bakit madami itong hinanda sa mesa. Scramble egg na sinamahan nang tinapa. Ginisang talong saka bagoong. Meron ring fried rice at nilutong kanin.

Naitanong ko tuloy sa sarili kung kumakain nang ganitong pagkain si Jc.

"Yes ma'am. And thank you po sa mainit na pagtanggap sa akin." magalang naman sabi nito sa aking ina.

"Naku! Wala iyon. Alam mo bang bestfriend ni Blossom iyang si James matagal na. Simula pa atang noong highschool sila. Ngayon ay ikaw na naman yong klasmeyt niya." tumawa ito kahit sapalagay ko wala namang nakakatawa sa sinabi nito. "Talagang sineswerte yong anak ko." dugtong pa nito na ikina-init nang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni mama.

"Ma, almusal pa lang po ngayon. Mamaya pa yong agahan." kunwari ay reklamo ko upang pagtakpan ang huling sinabi nito. Baka kasi ano yong isipin ni Jc sa sinabi nito. Nang tingnan ko si Jc ay nakangiti lang ito habang nakatingin sa kanyang ina. Ayaw ko mang aminin ay gwapo ito sa suot nitong polo shirt. Saka napakapresko nitong tingnan. Nang tumingin ito sa akin at kumindat ay iniwas ko ang tingin rito. Ano na lang kaya ang iisipin ni mama kung bakit ito nandito. Nahihiya naman akong magtanong kong ano ang sadya nito sa bahay namin. Pala-isipan sa akin kung bakit nandito ito sa bahay at kung paano nito alam kung saan ako nakatira.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon