-Blossom pov-
"Isa lang namanang sulosyon para mapansin ka nang pinsan ko. Be my girl." seryosong sabi ni Jc.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Niloloko ba ako nito? Mukhang hindi eh, mukhang pinaglalaruan lang ako nito.
"Hahaha hindi ko alam na joker ka rin pala maliban sa mayabang ka." natatawa pa kunwari na sabi ko. Wala akong pakialam kung mapansin nitong peke yong tawa ko. Ngunit huminto din ako nang makita kong seryoso itong nakatingin sa akin. "Okay! siguro nga seryoso ka, pero pwede ko bang malaman kung bakit mo ito naisipang gawin?"
"Gusto kitang tulungan. Kung talagang gusto mong mapansin ka ni James ay sumunod ka na lang okay! Kunwarian lang naman lahat nang ito eh!"
Sumunod na lang? Anong gusto nito maging sunod-sunuran ako dito. Hah! Iniisip ko pa lang na maging boyfriend ko ito kunwari ay parang--- nevermind. Ayoko kong maging nobya nito kahit kunwarian lang. At isa pa ano na lang ang iisipin ni James sa akin? Naalala ko pa namang sinabi nito na huwag akong masyadong maniwala sa pinsan nito.
"No, wala akong balak na maging kunwariang girlfriend mo. Kung hindi ako mapansin ni James, eh ano naman. Tutal okay na sa akin na maging bestfriend ko siya."
Okay lang nga ba?
Lintek na isip to. Mukhang hindi pa sasang-ayon.
"Kung ganoon ay hindi happy ending yong kwento. Kung ako sayo ay mag-isip isip kana. Pwede kang mapansin ni James kung sakaling malaman niyang mag-on tayo. Saka hintayin mo pa bang may ibang makikilalang babae si James na talagang mamahalin niya. Kung sakaling mangyari iyon, palagay mo ba ay hindi masisira ang pagkakaibigan niyo. Siyempre priority na niya yong mahal niya."
"Hah! Ilang babae na ang nagdaan kay James pero magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Bakit ko kailangang isipin yong sinasabi mo."
"Tsk. Tsk. Naisip mo bang lahat nang babae ni James ay mahal niya? Hindi kaya laruan lang ang tingin niya sa mga iyon? Kilala ko si James. Trust me."
Natahimik ako. Paano nga kung totoo ang sinasabi nito? Ilang babae na ba ang dumaan kay James simula noong freshmen pa kami? Nasanay na nga lang ako na dalawang buwan lang ang tagal nang mga naging karelasyon niya. Kaya kahit magkanobya pa ito ulit ay pupustuhan kong hindi magtatagal sa lalaking iyon.
"Make sense? If you want you can set rules ----"
"Teka nga lang muna, bakit kailangan maging kunwariang boyfriend pa kita? Bakit hindi mo na lang ako itulay sa kanya kung talagang gusto mo kaming maging magkatuluyan ni James? Saka pano ko malalaman na kapag naging tayo kunwari ay mapapansin din ako ni James?" putol ko rito.
"No, hindi kita itutulay sa kanya. Hindi ko style iyon. Saka kung itutulay kita di ikaw lang yong makikinabang. Saka sa tanong mo na kung mapapansin ka ni James kung sakaling malaman niyang tayo na ay bakit hindi mo subukan?"
Mukhang magaling na salesman ang kaharap ko. Alam na alam ang sasabihin eh.
"Pano kung malaman niyang tayo ay hindi na ako pansinin ni James?"
"Di totoohanin natin ang pagpapanggap. Hindi naman siguro masamang maging boyfriend ako right?" ngumisi ito sabay kindat.
"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" Nagsisimula na naman akong mainis. Kapag ito ang kaharap ko ay palagi akong naiinis.
"Oh! galit agad. Alam mo limitahan mo yong pagsusungit mo kasi baka hindi ka na nga pansinin ng pinsan ko."
"Kung ganoon limitahan mo ring pang-iinis mo sa akin."
"Bakit kasi hindi ka na lang sumang-ayon? Hindi sa nagmamayabang pero madaming babae ang gustong maging boyfriend ako kahit kunwarian lang."
Pinagtaasan ko ito nang kilay. Kunsabagay bakit hindi ko subukan? Mukha kasing magaling na artista ang kaharap ko. Saka kilala nito ang pinsan niya so alam niya kung ano ang ugali ni James. "Okay, sabihin mo muna sa akin kung ano ang mapapala mo kung sakaling maging tayo?"
BINABASA MO ANG
Secretly fall in love
RomanceMeet Blossom, Simpleng babae na patay na patay sa mismong bestfriend nitong si James. Isa lang naman ang pangarap nito, ang mapansin ito mismo ni James. Problema nga lang dahil lahat nang nalilink sa bestfriend nito ay puro sexy at mayayaman. Which...