Chapter 14

188 14 1
                                        

-Blossom pov-

Masarap sana ang pagkain sa aking harapan ngunit parang wala akong ganang kainin ang mga iyon. Kahit nga yong crispy pata na napaborito ko ay hindi ko halos magalaw.

"Gusto mo bang sa iba na lang tayo kumain?" tanong ni James.

Nagbibiro ba ito? Pagkatapos nitong umorder nang ganitong karaming pagkain ay basta na lang silang aalis sa lugar na iyon.

"Bakit naman tayo aalis? Okay naman rito ah." sabi ko.

"Para kasing wala kang ganang kumain."

Ako lang ba ang walang gana? O baka ito rin. Kanina ko pa kasi napapansin ang panakaw na titig niya sa kabilang table kung saan nakaupo si Jc at ang mesteryosang babae sa di kalayuan nang table namin. Ngali-ngaling tanungin ko ito kung sino ang babaeng iyon at kung bakit nagdadate sila ni Jc. Speaking of Jc kaya siguro ito hindi pumasok sa klase nila kanina ay dahil siguro sa babeng iyon. Pero ang nakapagtataka sa lahat ay kung bakit kasama ito kanina ni James. Teka lang hindi kaya pinsan nila ito?

Mukhang malabo naman ata. May pinsan bang ganoon ka sweet humawak sa braso. Gusto kong tingnan ang table nang dalawa ngunit pinigilan ko ang sarili. Ayokong mahuli ako nang tingin ni Jc. Baka kung ano ang isipin nito at isa pa, mukhang ginogood time lang ako nito kanina. May kunwarian pa itong nalalaman na magdyowa sila. Iyon pala ay may ibang kasama na ito.

Gagi! Eh bakit parang naiinis ka? ito na naman ang traidor kung isip. Pinigilan ko ang sarili na mag-isip nang kung anu-ano. Kailangan ko munang nalaman kung bakit kasama nang babaeng iyon si James kanina. At ano ang connection nito kay Jc.

"Hey! natulala ka diyan?" pukaw sa akin ni James.

Napatingin ako sa kanya. "Sino ang babaeng kasama nang pinsan mo?" tanong ko. Bahala na kung ano ang isipin ni James. Corious talaga akong malaman kung sino ang babaeng kasama ngayon ni Jc.

"Ah! Iyon ba. Dating girlfried ng pinsan ko." walang ganang sagot nito.

Napakunot-noo ako sa sagot niya. "Dating girlfriend? Eh! bakit magkasama sila ngayon? nagkabalikan ba sila?"

Nagsalubong naman ang kilay niya. "Bakit mukhang interesado kang malaman?" parang inis na sabi nito.

Bakit kasama mo ang babaeng iyan kanina?  wika nang isip ko. Ngunit hindi ko magawang sabihin iyon. Nagtaka ako sa reaksiyon nito. Kaya siguro biglang nag-iba ang mood nito ay dahil nakita nitong magkasama ang babaeng iyon at si Jc. Mukhang nagseselos ata ito.

Naconfuse bigla ako sa eksena. Kasama ngayon ni Jc ang dating gf nito. Tapos kasama kanina ni James ang babaeng iyon. Tapos nagdedate ang dalawa. Tapos mag ex na lang sila ba't nagdedate pa?

"Nagseselos ka ba sa pinsan mo?" hindi ko mapigilang itanong.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Mukhang ikaw ata ang nagseselos."

Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita.

"Hindi ko akalaing nandito rin pala kayo. Pwede kayong umupo sa mesa namin. Pang-apat na tao rin naman ang table namin eh!." nakangiting sabi ni Jc.

Napatingin ako rito. Nang tingnan ko ang table nila ay wala doon ang babae. Sa hinagap ko ay nagretouch siguro ito sa comfort room.

"Okay na kami rito. Saka nakapwesto na kami. Nakakahiya namang ilipat pa namin yong inorder namin sa table niyo." walang emosyong sabi ni James.

Nagtaka ako sa pakikitungo ni James kay Jc. First time kung makita na magkasama ang dalawa. At hindi ko pa alam kung ano ang pakikitungo nang mga ito sa isa't-isa.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon