Chapter 3

163 16 1
                                        

-Jc pov-

   Gustong kong patayin ang cp kong kanina pa nag-aalburuto. Kasakulukuyan akong nagmamaneho at mukhang matatagalan pa akong makakauwi sapagkat napakabagal nang pag-usad nang mga sasakyan lalo pa't merong under constraction road sa unahan banda  kasabay pa na ganitong mga oras nagsisi-uwian ang mga ibang istyudante. Kung ganito palagi ang mangyayari ay tiyak mawawalan ako nang oras na pumunta sa aming kompanya. Which is not good lalo pa't iyon ang ikinagagalit nang aking ina. No, hindi ko ito bibigyan nang dahilan para sisihin ako nito sa pagtransfer.

   Nang tumunog ulit ang cp ko ay kinuha ko na iyon. Ate Thelma ang nakaregister sa screen. Kaya wala akong balak sagutin iyon ay dahil alam kong ito ang tumatawag. At alam ko na kung bakit ito napatawag. But knowing my sister, alam kung hindi ako titigilan nito hangga't meron itong gusto. Napilitan akong sagutin iyon.

  "Where are you? Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo ngunit parang wala kang balak sagutin. Anong oras ka ba pupunta dito. Hindi pa ako nakagawa ang power point na ipepresenta ko bukas. I need you. Ano oras ka ba pupunta dito?" there is a panic in her voice.

   Pakiramdam ko ay may biglang pumitik na ugat sa aking sentido at biglang sumakit iyon. Nagpapasalamat ako at nakalampas na ako sa under constraction road sa lugar na iyon at medyo mabilis na ang daloy nang mga sasakyan. Nang tingnan ko ang wrist watch ko ay quarter to six na.

   "I'll be at around seven, so wait for me there."

   "Please! I think my head is about to explode. I'll wait you here." iyon lang at pinatay na nito ang cp.

   Napabuntong hininga ako at binilisan ang takbo ng kotse.

-Blossom pov-

   MGA ILANG minuto na akong naghihintay nang masasakyan pero mukhang matatagalan pa akong makasakay. Nauna na si Ollah at si Ma. Fe. Nang tingnan ko ang wrist watch ko ay mag-aalas siete na pasado. Kung bakit kasi napakahirap sumakay sa kanilang campus. Puro taxi ang nakaparada at hindi niya afford iyon.

   Nakakainis pa dahil madami ring kapwa estyudante ko ang nag-aabang nang masasakyan. Kung hindi ako nagkakamali sigurado akong gagabihin pa ako nito.

   Ma-iisang oras na akong naghihintay nang biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Walang paglalagyan ang tuwa ko sapagkat kilalang-kilala ko ang may-ari nang kotse. Walang iba kundi si James.

   Binuksan nito ang pinto. "Tara na." sabi nito. Walang pagdadalawang isip na pumasok agad ako sa kotse nito. Inistart naman agad nito iyon.

   "So kumusta naman ang first day of school?" tanong agad ni James.

   "Okay lang. Hindi sumipot yong titser namin kanina. So wala kaming klase."

   "Ah! yong second class ninyo?"

   "Nope. Bukas pa yong overload na araw ko. Isa lang naman ang klase ko pag Monday."  paliwanag ko.

   "Bakit ka ginabi nang umuwi kong wala ka naman palang klase?"

   "Alam mo naman na miss ko din yong kaibigan ko so nag-usap usap pa kami."

   "So ako di mo na miss? May kasalanan ka sa akin kanina. Umalis ka nang walang paalam, ni hindi ka man lang nagpasalamat."

   Umirap agad ako. "At bakit kita mamimiss? Wala lang naiinis lang ako minsan kapag kasama ka."

   Napailing ito. "Hay naku! mga babae nga naman minsan hindi ko sila maintindihan. Hanggang ngayon ba naman ay nagtatampo ka pa rin sa akin?"

   Paano mo ako maintindihan kung napakamanhid mo naman. Kung meron lang sana akong lakas nang loob na sabihin ito dito. Hindi ko sinagot iyon.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon