Chapter 8

171 16 3
                                    

-Blossom pov-

Pagkatapos akong iwan nang wala hiyang bakulaw na si James ay napagdesisyunan ko na lamang pumunta sa library.

Para kasing hinahatak talaga akong pumunta doon.

Nang tingnan ko ang wrist watch ko ay mag aalas onse na. So mag-iisang oras na pala akong nakatambay doon.

Hindi ko alam kung naghihintay pa si Jc sa akin.

Yan kasi, ang dami mo pang arte. Pupunta ka rin naman pala.

Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi lang ako curious sa sinabi nito tungkol kay James ay hindi ako mag-aabalang pumanta ngayon rito.

Pagkapasok ko pa lang sa library ay agad akong pumunta sa Fiction book kung saan kami unang nagkita.

Nakaramdam ako nang saya nang makita ko si Jc. Nakatalikod ito kaya hindi nito ako nakita. Talagang hinintay ako nito. Lalapit na sana ako nang mapansin kong hindi ito nag-iisa. May kinakausap itong babae. Talagang nagulat ako nang makita ko ang babaeng kausap nito. Walang  iba kundi si Elmaine.

Mabilis akong nagtago sa gilid nang shelves. Mabuti na lang at nakatalikod si Jc kaya hindi ako nila napansin.

Paanong nagkausap ang dalawa? Magkakilala ba ang mga ito?

"Totoo ba ang sinasabi mo?" narinig kong sabi ni Jc.

"Yup, and mind you Jc, napakaplastic niyang babae." maarte naman wika ni Elmaine.

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Ako ba ang tinutukoy nito? Sinisiraan ba ako ng malanding babaeng ito kay Jc. Baka sarili nito ang sinasabihan nitong plastic. Pinipigilan ko ang sariling puntahan ang malanding Elmaine at sabunutan ito.

"Mukhang hindi naman siya ganoon sa palagay ko eh!" si josh

"Siyempre ngayon mo pa lang kasi siya nakasalamuha. At saka magaling talaga ang babaeng iyon magpapanggap." si Elmaine.

Napakuyom ko ang kamao. Hindi man nito sinabi nang direkta kung sino ang pinagsasabihan nito pero obvious naman na ako yon. Sino ba naman ang sisiraan nito kay Jc?

"I don't think so. Sapalagay ko sinasabi mo lang yan dahil galit ka sa kanya." si Jc

"No! I tell you. Kaya kami naghiwalay ni James ay dahil gumagawa siya nang paraan. May gusto kasi siya kay James." si Elmaine

Nagtagis na ang bagang ko. So klaro na talaga na ako ang pinatatamaan nito.

"Kung ganoon nga, Tama---"

*beep* *beep*

Napahinto si Jc sa sasabihin nito. Bigla akong nainis dahil hindi natapos ni Jc ang sasabihin nito. Mukhang ringtone ata iyong tumunog. Saan nanggaling iyon?

*beep* *beep*

Shit! galing pala iyon sa bulsa ko. Dahil buhos ang atensiyon ko sa pakikinig ay hindi ko namalayang tumunog pala ang phone ko.

"Sino yan?" boses ni Jc.

Shit! Shit!

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa at ini-off iyon.

"Sino sabi iyan eh!?"

Napakagat labi ako. Tumingin ako sa kanan. Kung sa kanan ako pupunta ay tiyak na makikita ako nang dalawa.Pasimple akong tumakbo sa kaliwa. Meron pa akong nakasalubong na isang babae na nagtataka sa akin. Nagtago ako sa ikalawang shelves.

Sakto namang lumabas si Jc at nakita nito ang babaeng nakasalubong ko. Mula sa kinalalagyan ko ay merong mga nakahilirang mga libro kung saan pwede akong makasilip nang hindi nito napapansin.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon