Chapter 9

184 16 0
                                    

-Blossom pov-

Magkasalubong ang kilay ni Jc na nakatingin sa akin. Hindi naman ako makadaan sapagkat hinaharangan ako nito. Hindi ko akalaing nakita pala ako nitong nagtatago.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.  Mga ilang minuto siguro bago ito unang nagsalita. Umiwas ako nang tingin dito.

"So kailangan mo pa talagang magtago. Mukhang madami kang nadinig ah! Ugali mo ba talaga yan?" sarkastikong sabi nito.

Aba't mukhang ito pa ang may ganang mang-insulto sa akin. Mukhang naniwala ata ito sa mga sinasabi ng higad na babaeng iyon.

Matalim ko itong tiningnan.

"Kaya mo ba ako pinapunta dito upang ipadinig ang pag-uusap niyo nang malanding Elmaine na iyon. Hindi ko akalaing magkakilala pala kayo. Kunsabagay wala naman akong pakialam kung sinisiraan ako ng babaeng iyon sayo."

Nagsisimula na akong mainis.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nagtaka ako sapagakat biglang naging malumanay ang boses nito.

"Ano pa ba ang ginagawa natin? Hindi pa ba tayo nag-uusap sa lagay na yan?" hindi ko mapigilang magtaas nang boses. Galit na ako sa mga oras na iyon.

Huh! Pagsampalin ko kayong dalawa nang malanding babaeng iyon eh! 

"Please, huwag dito." mahinang wika nito.

Magsasalita pa sana ako ngunit tinikom ko na lamang ang bibig. Sumenyas kasi ito sa dulo kung saan pwedeng magbasa o mag-aral ang mga estudyante.

Agad naman akong napahiya. Alam ko ang ibig sabihin nito. Nang tingnan ko ang mga estyudanteng nagbabasa sa di kalayuan ay nakatingin sa amin. Tiyak akong naistorbo ko sila sa kanilang mga ginagawa.

"Kung ganoon ay bakit dito mo pa naisipang makipagkita at makipag-usap? Huwag mo na lang akong sagutin wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin mo. Umalis ka na lang sa harapan ko dahil dadaan ako."

Hindi ito nagsalita.  Akala ko ay bibigyan ako nito nang space upang makadaan ngunit sa halip kinuha nito ang kamay ko at bigla akong hinila na siyang ikinabigla ko. Saka ito lumakad. Para tuloy akong kinaladkad nito.

Pilit kong tinatanggal ang kamay ko ngunit ayaw nitong bitawan.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ang kamay ko." inis na sigaw ko dito. Bahala na kung tingnan man kami nang ibang estyudante.

"Wow! Ang taray naman niya. Palagay ko gumagawa yan nang eksena para tingnan siya nang mga tao dito. Para ipaalam na napakagwapo nang boyfriend niya. Mantakin mo girl siya na nga itong hinahawakan, siya pa itong umaarte. Kala mo naman napakaganda. Mataba naman." narinig kong wika nang babae sa gilid ko lamang.

"Oo nga naman. Napakaswerte naman niya. Palagay ko ginayuma niya yong guy." wika naman nang kausap nito.

Kung hindi ako nagkakamali ay HRM ang kurso nang mga ito. Basi na rin sa kanilang mga suot.

Biglang umusok ang ilong ko sa narinig. Hindi ko alam kung pinariringgan ako nang mga ito. Napakalapit lang kaya nang distansya ng mga ito  mula sa kinatatayuan ko.

Ang mga gaga. Lakas mang-asar. Pag-umpugin ko kaya yong mga ulo nito.

Tiningnan ko ang mga ito nang matalim. Ngunit malakas ata ang apog nang mga ito. Pinagtaasan lang ako nang mga kilay.

"Never mind them. Sumunod ka na lang kaya sa akin." biglang sabi ni Jc.

Binalik ko ang matalim na tingin ko dito. Mukha wala talaga itong balak bitawan ang kamay ko. Kasalanan nito kung bakit pinag-uusapan ako nang mga tao doon. Hindi ba nito alam na pinapahiya na ako nito?

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon