-James pov-
Laking pasalamat ko at naabutan ko pa si Cheska sa entrance nang campus namin. Masyado na itong nakakakuha nang pansin lalo pa't naka cocktail dress pa ito. Halos lahat nang madadaanan nito ay nakatingin rito. Agad ko itong hinawakan sa braso nang maabutan ko.
"Hindi ka makakapasok sa campus nang ganyan yong suot mo. At saka ano na lang ang sasabihin ni Jc kapag nakita ka niya dito? Tiyak na mangagalaiti iyon sa galit." malumanay na sabi ko. Kapag kasi tataasan ko ito nang boses ay baka mag iskandalo ito. Alam ko pa naman kung gaano ito ka spoiled.
"Bitiwan mo nga ako." pumiksi ito. Agad ko namang binitiwan ang braso niya.
"Wala akong pakialam kung magagalit siya. Kailangang malaman niyang nandito ako ngayon."
"Look pwede mo naman puntahan si Jc sa bahay nila. Saka sino ba nagsabi sayo nandito nag-aaral si Jc?" takang tanong ko.
"Si mommy Vilma mismo nagsabi sa akin. Sabi niya, dito sa school mo mismo nagtransfer si Jc."
Talagang nagulat ako sa narinig. "Si tita mismo nagsabi sa iyo?" Yong mommy Vilma na sinasabi nito ay mismong mama ni Jc.
Napataas ang isang kilay nito. "Bakit mukhang nagulat ka na si mommy mismo ang nagsabi sa akin na dito ngayon nag-aaral si Jc?"
Hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ni tita. Nakalimutan na ba nito ang ginawa ko para sa anak nito. Ano ba ang pinaplano niya ngayon? Bakit nagkaroon sila nang komunikasyon ni Cheska? Biglang dumami ang tanong sa isip ko.
"Kelan pa kayo nag-usap ni tita?"
"One week ago. Siya mismo ang tumawag sa akin nang malaman niyang nasa pilipinas na ako. Bakit iniisip mo bang kinamuhian ako ni mommy pagkatapos nang lahat nang iyon?" malademonyita itong ngumiti.
Hindi ako makapagsalita. Paanong si tita pa mismo ang tumawag rito. Totoo ba lahat nang sinasabi nito? Mukhang napakaimposible naman ata.
Ang ganda naman niya pre. Artistahin ang dating.
Picturan mo dali.
Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa likod ko lamang. Hindi ko na hinintay pang magkaroon nang gulo sa oras na iyon. Agad kong hinawakan ang braso ni Cheska at kinaladkad ito sa isang eskenita kung saan walang masyadong dumadaan na mga estudyante. Gusto sana nitong pumiksi pero mahigpit ko itong hinawakan.
"Ano ba. Aray. Ano ba James sinasaktan mo ako."
Binitiwan ko ito. "Alam mo bang nakakakuha ka na nang atensiyon dito ha. Hilig mo ba talagang maging center of attraction sa lahat." pinagtaasan ko ito nang boses.
"Kasalanan ko bang tingnan nila ako. Saka ano ba problema mo ha!" mataas din ang boses nito. Pinagcross pa nito ang dalawang braso.
Inis na napabuga ako sa hangin. Tinanong pa ako kung ano ang problema. Hindi ba nito alam na isa itong malaking problema.
"Umuwi ka na lang ngayon pwede? Kung gusto mong makita si Jc pumunta ka na lang sa bahay nila. Huwag kang gumawa nang gulo dito."
"Hah! Gulo ba talaga lagi ang dala ko sa paningin mo. Alam mo pasalamat ka at sampal lang ang inabot mo matapos nang lahat na kasalanang ginawa mo sa akin."
Okay, hindi ko nga ito masisisi kung galit ito sa akin. Humingi ako nang kapatawaran noon sa kanya nang napagdesisyunan ko nang huminto sa aming relasyon. At mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nito pinapatawad. Kung hindi lang dahil sa mama ni Jc. Shit! Mukhang meron na naman siyang binabalak.
"Look hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Please, tulad nang sabi ko---"
"Stop it! Stop it! Ayaw ko nang marinig pa ang sasabihin mo. Kahit isa man sa sasabihin mo ay hindi na ako maniniwala. Wala ka nang pakialam kung sakali mang gusto kong makita Jc ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/25597740-288-k589530.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly fall in love
RomanceMeet Blossom, Simpleng babae na patay na patay sa mismong bestfriend nitong si James. Isa lang naman ang pangarap nito, ang mapansin ito mismo ni James. Problema nga lang dahil lahat nang nalilink sa bestfriend nito ay puro sexy at mayayaman. Which...