Chapter 7

144 17 1
                                    

-Blossom pov-

Shit!

Hindi ko na mapigilang magmura nang makita ko si Jc na nakaupo na naman sa pinakadulo pagkapasok ko sa classroom.

Napapansin kong mahilig itong umupo sa pinakadulo.

Hindi ko iniexpect na meron pa palang nakaunang pumasok sa akin. At sa dinami-dami nang classmate namin ay siya pa.

Nagdadalawang isip pa sana akong pumasok nang tuluyan nang magtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas nang tingin. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa pinakaunahan.

Relax ka lang Blossom. Huwag mong ipakita na naapektuhan ka sa kanya.

Ang ginawa ko ay kinuha ko na lamang ang libro sa bag ko at magkukunwaring magbasa upang mawala ang presensiya nang lalaki sa likod ko.

Hindi ko pa man nakukuha ang libro sa bag nang bigla na lamang may nagsalita.

"Sana mapatawad mo ako sa pagiging rude ko noong una tayong magkita."

"Ay dyusko." gulat talagang sabi ko at napahawak pa ako sa dibdib. Hindi ko iniexpect na bigla na lamang may magsasalita sa tabi ko. At kahit hindi ko pa tingnan ang nasa tabi ko ay alam kung si Jc iyon.

"Hey! I'm sorry. I did'nt mean to scare you." agad naman nitong sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin. Lumakas kasi bigla ang tibok nang dibdib. Imagine tumabi ito sa akin. At kami lang dalawa sa room nang mga oras na iyon.

Eh! Ano naman ngayon ? Bakit iniisip mo bang may gagawin sayo si Jc.

Shit! Tinutuya pa ata ako nang isip ko. Nagtataka ako kung bakit sa tuwing mapapalapit ako sa lalaking ito ay gumugulo ang isip ko. Talaga bang malaki ang epekto nito sa akin?

Huwag mo kasing isipin masyado ang halik na iyon. Heller! Masyado mo kasing pinalalaki  ang issue, eh panaginip lang naman iyon!

Ramdam ko ang pag-init bigla nang pisngi ko.

"Look, I know baka sabihin mong defensive ako kung sasabihin kong ginawa ko iyon upang mapansin mo ako. But it is true. Stupid of me pero ganyan kasi ang style ko kapag gusto akong mapansin nang babae. Kaya please, sana mapatawad mo ako sa ginawa kong magpapansin sayo."

Ano daw? Tama ba ang naririnig ko dito. Hindi ko mapigilang ibaling dito ang tingin. Para lang magsisi dahil hindi ko akalaing malapit na pala ang mukha nito sa akin.

Omaygad! Tama bang ilapit talaga ang mukha nito sa akin.

Hindi ako makakilos. Pakiramdam ko kapag isang maling kilos ko lang ay baka biglang magkadikit ang mga labi namin. Hindi ako papayag na ibigay dito ang first kiss. Para lamang kay James ang first kiss ko.

Pero hindi ko mapigilang tingnan ang mapulang labi nito.

Gaga! Nabigay mo na kaya sa kanya ang first kiss mo. Di ba nga't sarap na sarap ka doon.

"No! Sa panaginip lang iyon." hindi ko na napigilang isigaw.

"Huh!?"

Bigla kong inilayo ang mukha ko dito. This time alam kung pulang pula na ako.

"Wala sa akin iyon kaya kung pwede umalis ka na." sabi ko dito. Nakayuko.

"No, alam kung galit ka sa ginawa ko. And I know na sinabi mo kay James ang ginawa kong pang-iinsulto sayo pero talagang hindi ko intensiyong maging ganoon."

Sinabi ko kay James? Nagtaka ako sa sinabi nito. Ngunit agad kung naisip ang sinabi ni James na pagsasabihan nito ang pinsan nang malaman nito  sa malaking bunganga ni Ollah ang ginawang pang-iinsulto nito sa akin. Ay hindi pala, ang ginawang pagpapansin nito sa akin.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon