Chapter 4

162 15 0
                                    

-Blossom pov-

   GUSTO KONG mainis sa aking ina dahil hindi niya ako papayagang makaalis hangga't hindi ako kumain nang almusal na hinanda nito. Fried rice na may kasamang scramble egg ang hinanda nito. Masarap sana ang hinanda nito pero natatakot akong masira ang diet ko. Baka kasi kapag sinimulan ko nang kainin ang hinanda nito ay sisiguradong hindi ako hihinto hangga't hindi maubos. Napakasarap pa namang magluto ang aking ina. Kaya nga't tumaba ako dahil dito.

   "Ma! kahit kape lang at tinapay ay okay na ako. Kumakain din naman ako sa school eh!" reklamo ko.

   "Anong kumakain. Tingnan mo nga ang katawan mong bata ka. Aba'y nabawasan ka nang ilang timbang. Paano na lang kung magkasakit ka? Yong iba gusto yong healthy ang katawan samantalang ikaw gusto mong pumayat ka. Tapos sa akala mo ba ay bigla ka na lang papayat sakaling hindi ka kumain. Sakit ang makukuha mo sa ganyang estilo. Kung talagang gusto mong pumayat ay dapat may disiplena ka sa sarili. Tamang pagkain at paghehersisyo. Narinig mo ba ako?"

   Talagang narinig ko ang sinabi nitong nabawasan kahit papano ang timbang ko at natuwa ako sa narinig. So talagang nabawasan kahit papano ang katawan ko. Akala ko binibiro lang ako ni Ollah at Ma. Fe. nang sabihin nang mga ito na medyo nabawasan yong taba ko. Kunting tiis na lang at talagang papayat na ako.

   "Oo ma narinig kita. Promise bukas na bukas ay kakain na ako nang almusal, pero huwag ngayon dahil nagmamadali ako. Hindi ako susunduin ni James so baka malalate ako sa biyahe." sabi ko saka mabilis ko itong hinalikan sa pisngi at saka umalis.

   "Hoy Blossom kumain ka kahit kunti lang." sigaw nito.

   Bahala na ito. Sakto namang paglabas ko nang bahay ay may dumaang jeep. Agad akong sumakay.

~~~~~~

   HINDI sa ineexpect ko siyang makita. Pero alam kong makikita ko agad ang hambog na lalaki sa first subject pa lang namin. At hindi nga ako nagkamali. Pagpasok ko pa lang sa room namin ay napansin ko agad ito. As usual nakaupo pa rin ito sa dulo. Walang pakialam na nagbabasa nang kung anu mang binabasa nito.

   Nainis ako nang makita ko sina Ollah at Ma. Fe na nasa likod nang hambog lalaki. Sumenyas ang dalawa na pumunta ako sa mga ito. Meron kasing vacant seat sa gilid ni Ollah.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero siyempre wala din akong magawa dahil halos wala wala na ring vacant na upuan. Ayoko namang tumabi sa grupo nina Elmaine kung saan meron sanang tatlong bakante na upuan.

   Pumunta na lamang ako kay Ollah at Ma. Fe. Hindi ko na lamang pinansin ang hambog na lalaking walang pakialam na nagbabasa. Dahil sa ayaw ko itong tingnan ay hindi ko nakita na nakalampas pala ang braso nito sa arm chair kaya nang dumaan na ako rito ay nasagi ko iyon. Nahulog naman agad nito ang librong binabasa.

   ”I’m sorry.” bigla kong sabi.

   Dahil sa pagpanic ko ay bigla akong yumoko upang pulutin sana ang libro nito. Pero yumuko rin pala ito kaya biglang nagkauntugan ang ulo namin.

   “Aw!.” Sabay pa naming wika. Napupo pa ako sa lakas nang impact nang pagkauntog namin. Pakiramdam ko ay parang pinukpok nang bato ang ulo ko. Narinig ko pa ang mga tawa nang mga kaklase namin. Alam kung namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.

   Pinapanalangin kong kainin ako nang lupa sa mga oras na iyon. Hinihintay kong sigawan ako nang lalaki upang ipahaya sa mga kaklase naming. Sabihan ako na tanga o di kaya ay nagpapansin ako dito. Wala na akong magawa, naging tanga nga ako eh!

   “Are you okay miss? Masakit ba ang ulo mo?” biglang tanong nito. Naka sense ako nang concern sa boses nito.

   Napatingin ako dito. “Ha?” ang naging reaksiyon ko sa sinabi nito. Hindi iyon ang iniexpect kong sabihin nito. Tama ba ang pagkakarinig ko. Mukhang meron atang na damage sa utak ko.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon