-Jc pov-
Kanina pa nangangati ang mga paa kong umalis sa lugar na iyon. Nakakawalang gana lalo na kapag kasama mo ang taong ayaw mo na sanang makita pa. Kung hindi lang sana sa aking ama ay nunca akong papayag na kasamang kumain si Cheska. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawawala sa isip ko ang ginawa nitong pagtapak sa pagkalalaki ko. Akala ko hindi ko na ito makikita pa pagkatapos kong malamang nagpunta ito sa america. Tinawagan ako ni papa upang umuwi. Akala ko urgent iyon pero nagulat ako nang makita ko ito sa bahay. Hindi ko inaasahan iyon. Nakaramdam ako nang galit nang pinipilit ni papa na lumabas kami. Kaya ito kami ngayon. Pinipilit ang sariling makasama ito. Kinuha ko ang root beer at inisang tungga iyon.
"Alam kung hindi mo pa rin ako napapatawad sa aking ginawa kahit matagal na iyon. Sana lang mawala yong kinimkim mong galit sa akin." malumanay na sabi ni Cheska.
Binaba ko ang root beer nang maubos ko iyon. Tinawag ko ang waiter. Nag-order ako nang dalawa pang root beer.
"Ano ang kailangan kong gawin upang mapatawad mo ako sa aking ginawa Jc. Please! Gagawin ko ang lahat upang mapatawad mo lang ako." garalgal na sabi nito.
Sa halip na maawa ako rito ay lalo lamang kumulo ang dugo ko. "Kung gusto mo talagang patawarin kita ay huwag ka nang lumapit sa akin, ni huwag mo na akong kausapin pa." walang emosyon na sabi ko.
Napahikbi na ito nang tuluyan.
Damn! Hindi ko gusto ang ganitong drama.
"Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin? Matagal na iyon Jc. Bata pa ako non. Hindi pa ako mature para isipin kung tama ba talaga ang mga pinanggagawa ko. Hindi ako perpekto. Tinukso lamang ako ni James."
Gusto kong mapaismid ngunit pinigilan ko. Tinukso? Hindi pa mature? Sino ang niloloko nito?
Dumating yong inorder kong root beer. Agad kung binuksan iyon at uminom. Gusto kong magpakalasing. Mawala man lang galit na namumuo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ko nang makita si James at Blossom na magkasama kanina. Niluluko ba ako nang dalawa para sabihing magkaibigan lang ang mga ito? Tinatago ba nang mga ito ang relasyon nila?
"Jc please." nagmamakaawang sabi ni Cheska.
Isa pa ito sa dahilan nang pagbigat ng dibdib na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip king bakit minahal ko nang ganoon ang ganitong klase babae. Pilit kong sinusuri ang aking sarili kung mahal ko pa rin hanggang ngayon ang babaeng dumurog sa aking puso.
Mero akong nararamdaman rito. Galit at pagkamuhi. Yes! Iyon ang tamang term sa nararamdaman ko para rito. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako tumatagal nang ilang buwan sa mga babaeng nakarelasyon ko. Ilang babae na ba ang dumaan sa mga kamay ko pagkatapos naming maghiwalay? Hindi na ko na siguro mabilang. Nagagalit ako sa sarili dahil parang bangungot sa akin ang ginawa nito noon. Naiisip ko minsan na mawawala lang ang bangungot na iyon kung makapaghigante ako sa pinsan kong si James.
Tinungga ko ang beer. Hindi ko pinansin ang pagmamakaawa nito. Tama ngang iparamdam ko ang pait na ginawa nito sa akin. Magmakaawa man ito ay hindi na maibabalik ang nasira niyang pagkatao ko. Kahit lumuhod pa ito ay hindi ko na ito tatanggapin pa.
"Alam mong ginawa iyon ni James upang sirain tayo. Mahal kita Jc alam mo iyan."
Biglang napahigpit ang kapit ko sa hawak kong beer. Ito ang pinakakaayaw kong marinig mula rito. Ang pagmamalinis nito. Pinapasa nito ang kasalanan kay James. Na kasalanan lahat ni James ang nangyari. Sino ba ang gumawa nang lahat nang iyon? Si James lang ba? Saka saan ang pagmamahal na sinasabi nito? Hindi pa nito naisip na tinapakan niya ang pagkatao ko. Pumatol na sa isang lalaki, sa pinsan ko pa mismo.
BINABASA MO ANG
Secretly fall in love
RomanceMeet Blossom, Simpleng babae na patay na patay sa mismong bestfriend nitong si James. Isa lang naman ang pangarap nito, ang mapansin ito mismo ni James. Problema nga lang dahil lahat nang nalilink sa bestfriend nito ay puro sexy at mayayaman. Which...