-James pov-
Inabangan ko talagang lumabas si Jc sa kanilang bahay. Nasa loob ako nang kotse at kanina pa naghihintay. Alam kong anytime ay lalabas na ito. Mga 30 minutes na akong naghihintay bago ko nakitang bumukas ang gate at iniluwa ang kotse ni Jc. Agad kong itong hinarangan. Bumusina naman agad ito. Lumabas ako sa kotse at lumapit dito.
Binuksan naman agad nito ang bintana nang kotse.
"Sisiguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo, at kailangan mo pang harangan ako."
"Anong ginawa mo kay Blossom?" diretsahang tanong ko.
He smirked. "Ginawa? Bakit sa palagay mo, ano ba ang ginawa ko?"
"Huwag ka nang magmamaang-maangan pa. Alam kung ininsulto mo siya. Talaga bang malaki ang galit mo sa akin at nagawa mo pang insultuhin maging kaibigan ko?"
Napaismid ito. "Kaibigan? Talaga bang kaibigan ang turing mo sa kanya? Bakit napaka big deal naman sayo kung ininsulto ko nga ang KAIBIGAN mo." binigyan diin nito ang pagsabi nang kaibigan.
Napakuyom ko ang kamao ko sa galit. Alam kung galit pa rin ito sa akin. Nakakainis pa dahil alam nito ang secreto ko. Laking pagsisisi ko kung bakit pinakilala ko pa si Blossom dito noon.
" So, galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Akala ko ba ay parang wala lang sayo noong niligawan ko si Cheska. At nang sagutin niya ako ay parang wala lang sayo iyon. Di ba nga't laking pasalamat mo pa sa akin sapagkat nalaman mo kung anong klaseng babae siya?"
"Hah! Talaga bang hanggang ngayon ay iniisip mo paring galit ako sayo dahil doon. Don't flatter yourself, ikaw na rin nagsabi na laking pasasalamat ko dahil nalaman ko kung anong klaseng babae iyon."
"So, bakit mo ito ginagawa?"
"I like her. I want to court her. Nakuha niya ang pansin ko."
"Hindi ako papayag na ligawan mo si Blossom." mariin kong sabi.
Tumawa ito. "See? tama nga ako nang hinala. Ba't kailangan ko pa nang permiso mula sa iyo na ligawan ang kaibigan mo. Di ba nga't kaibigan mo lang siya. Wala namang mali doon eh! Single kaming pareho."
"Ito ba ang dahilan mo kung bakit kailangan mo pang magtransfer nang university kung saan mismo ako nag-aaral? Ang gumanti sa ginawa ko noon?" panghuhuli ko.
Pumalatak ito. "Bakit ba kailangan mo pang balik-balikan ang issue na iyan? Bakit hindi mo na lang tanggapin na gusto ko si Blossom. Mahirap bang intindihin iyon? At the first place hindi naman kayo magkasintahan para sabihing hihigantehan kita upang maging patas na tayo."
Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi ako maniniwala. Alam kong nalaman nitong may gusto ako kay Blossom kaya gumagawa ito nang paraan para maagaw niya iyon sa akin. Knowing my cousin's preference to a woman ay napakalayo ni Blossom na magustuhan nito.
Kahit hindi man niya sabihin sa akin ay alam kung napakalaki nang galit niya sa ginawa kung pag-aagaw noon sa gf nito.
"Kung talagang gusto mo siya, bakit kinailangan mo pa siyang insultuhin? At saka napaka imposibleng magkagusto ka kay Blossom. Wala siyang katititing sa mga naging past relationship mo. At paano na lang ang current girlfriend mong modelo? Kaya huwag ka nang magdeny pa."
"Hindi ko obligadong sagutin ang mga tanong mo. Walang katiting sa mga naging past relationship ko? What do you mean by that? Eh! Bakit ka nagkagusto sa isang tulad niya kung wala rin palang katiting iyon sa mga nakarelasyon ko. Don't tell me na hindi tayo magkapareho nang preference sa isang babae. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit magkaibigan pa rin kayong dalawa hanggang ngayon. Shame on you cousin. Mukhang laos ka na atang manligaw. O baka naman natatakot kag may pag-asa ako kay Blossom kaya ganoon na lamang ang galit mo nang malaman mong interesado ako sa kanya?"

BINABASA MO ANG
Secretly fall in love
RomanceMeet Blossom, Simpleng babae na patay na patay sa mismong bestfriend nitong si James. Isa lang naman ang pangarap nito, ang mapansin ito mismo ni James. Problema nga lang dahil lahat nang nalilink sa bestfriend nito ay puro sexy at mayayaman. Which...