Chapter 4: Cousin

668 169 21
                                    

Tracy's Point of View




“Tita? Sigurado ka bang magpapakasal ang babaeng 'yon kay Xander?” Nakangiwing tanong ko kay tita Wine, my goodness. Halos atakihin na ako sa puso ko dahil sa mga planong ito.



I'm sure, hindi papayag 'yong Klay na 'yon. At sigurado rin ako na magagalit siya kay kuya Xander. Hays! So sad naman para sa cousin ko.



Malawak ang ngiti ni tita Wine na para bang abot langit ang kasiyahan. Nilingon niya ako habang tumango-tango. “Oo naman hija, sa guwapo ng anak ko hindi siya magkakagusto? Nagkakamali siya. Hindi ba honey ko?” Nakangiting sabi niya kay tito Max.





Tumango naman si tito Max, “Syempre, guwapo ng anak natin, manang-mana sa 'kin.” Mahanging sagot naman ni tito Max.




I just rolled my eyes. Ews. Kahit nandidiri ako ay nagseselos  ako sa kanila kasi wala pa akong boyfriend! Si mommy kasi wala pa raw ako sa tamang edad, for her information, I'm already eighteen na kaya hmp!





“Kuya...hoy!” Sundot ko kay kuya, mahimbing kasing natutulog.





Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa limousine, kasi ngayong araw susunduin namin si kuya Xero sa airport, ang pinakaguwapong pinsan ko sa lahat ng balat ng lupa 'di joke lang. Magka-iba man ang mukha nina kuya Xander at Xero pero ang ga-guwapo nilang dalawa.





“Goy? Ano ba? Natutulog 'yung tao, ang ingay mo!” Reklamo ni kuya, hinampas ko naman siya sa kaniyang balikat.


He used to call me goy from the word 'unggoy'. Oh diba? Ang bait ng kuya ko ang sarap ilibing ng buhay. Sa totoo naman mas nagmukhapa siyang unggoy kaysa sa'kin ew.  Sa ganda kong 'to? Unggoy? Hustisya please.




Sana pala isinama ko sina Twinkle at Shining dito, kakaalis palang namin pero miss ko na agad ang mga kutiting na 'yon. I just put my hands around my chest at bumusangot.  Naboboring na tuloy ako ngayon.


***

HALOS DALAWANG oras na kaming naghihintay kay kuya Xero pero wala pa rin siya. Hays. Saang planeta ba kasi siya hinatid ng eroplano? 





“Ano'ng oras na ba? Ba't ang tagal ng halimaw na 'yon?” Reklamo ni kuya habang humihikab.


Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito, of course. Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ang pamilyang Fortesque Haka-haka lang 'yong sabi ng iba na kinatatakutan ang buong pamilya namin. Nagkamali sila dahil ang Fortesque ay ipinagpala sa yaman at magagandang mukha. Duh!







“Tss! Kahit kailan naman talaga wala kang pasenya, tumihimik ka na lang d'yan. Ba't hindi mo kasi sinama 'yong girlfriend mong
talo pa ang kampana sa laki ng bunganga. Kaya ngayon, manunuod  ka na lang sa love birds na 'yan!” Satsat ko sa kaniya habang tinutukoy sina tito Max at tita Wine na nagyayakapan sa isa't isa. How sweet, mukhang teenagers lang. Ews.







“Shut up goy! 'Wag mong isama si Clarit dito, nonsense!” Inis na sagot niya at tumayo at bumalik sa sasakyan namin.







“Kuya, pwede papicture?”




“Ang guwapo niyo kuya!”




Napangiwi na lang ako nang makita kong nagsisitilian 'yung ibang kababaihan. Si kuya guwapo? 'E, mukha namang kaldero.






“Namimiss ko na ang anak natin, honey. Kumusta na kaya siya?” Mangiyak-ngiyak na sambit ni tita Wine. Napanguso na lang ako, kahit kailan ang drama talaga ni tita. Mukhang artistang hindi nakapasa sa audition.






“Sir, ma'am paparating na ho ang anak niyo.” Narinig kong wika ng isa sa mga body guards namin kaya nanlaki ang mga mata ko at nilapitan sina tito at tita.





“I'm excited to see him. Sasalubungin ko siya bye!” Nakangising sabi ko sa kanilang dalawa. May sinabi pa naman sila pero hindi ko na narinig kasi dali-dali akong umalis sa harapan nila.





“Kuya Xero...”Bulong ko habang hinahanap siya ng mga mata ko. Sa dami ba naman ng mga tao dito, nahihirapan talaga akong hanapin siya. Nagpalinga-linga ako, tingin sa right, wala. Tingin sa left , wala rin. Tingin sa likod, wa pa rin.







“Kuya!” Masayang tawag ko nang makita ko ang isang lalaking nakatalikod habang may kausap sa kaniyang phone. Ang laki na ng ipinagbago ng postura ni kuya, mas lalo siyang tumangkad.





Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at nang makalapit na ako ay agad akong tumalon at kumapit sa likuran niya.






“Surprise kuya Xero! I missed you a lot! Muah!” Masayang sigaw ko, sa lakas ng boses ko ay napatakip sa dalawang tenga si kuya Xero. I pouted.








“Tangina!” Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ng lalaki, wait  he's not my kuya.






“Bumaba ka nga! Ang bigat-bigat mo! Sino ka ba?” Reklamo ng lalaki at tinanggal ang pagkakapit ng mga kamay ko sa batok niya nakangiwi naman akong bumaba.







“Magkakilala ba tayo? Feeling close ka ah.” aniya sabay lingon. Ano'ng sinasabi niya? Ako feeling close?  Biglang dumilim ang paningin ko sa sinabi niya. Ang guwapo pa naman sana  niya  pero deserve niya 'to.





“Mas tangina ka!” Malditang sagot ko sa kaniya at mabilis na sinuntok ang tiyan niya.






“T-Tangina! Bumalik ka dito! Magsorry ka sa 'kin! Hoy!” Singhal niya pa sa 'kin pero huli na ang lahat dahil mabilis akong tumakbo papalayo sa kaniya.






“Aray!” Reklamo ko nang mabundol ako sa likuran ng isang lalaki. Familiar ang perfume niya, wait.






“Xero Kysler? Wah! Nandito ka lang pala!” Masayang sigaw ko kaya napaharap siya sa 'kin. Nakasuot siya  ng itim na sombrero. Itim na eyeglasses. Black tuxedo at black slacks. Kahit kailan ang formal talaga ng pinsan kong 'to.







“You're here.” aniya at tinapik ang balikat ko. Sabay naman kaming naglakad, sa di kalayuan naman ay kitang-kita na namin ang mangiyak-ngiyak na mukha ni tita. Kita ko ring sinenyasan ni tita ang mga body guards niya na salubungin kami.






“Ang laki na ng ipinagbago mo ngayon couz. Ang guwapo mo na at ang tangkad. Grr! Ideal man ng mga kababaihan ay ang pinsan ko.” Satsat ko, naghalf-smiled lang siya. Kainis talaga ang lalaking 'to, minsan lang talaga siyang nagsasalita.







I think, tatanda si kuya Xero na walang asawa. Siguro bakla siya? 'di joke lang. Base  sa nalaman ko ay hindi pa rin nakapag-move on si kuya kay ate Aya, my brother told me about their love story. Talagang mapanakit ang tadhana, naaawa tuloy ako kay kuya Xero.




Ito namang si kuya Xander  babaero pero sa isang iglap nagbago na siya. Bakit kaya?  He told us including his feelings tungkol kay Klay no'ng first day palang sa trabaho. Sabi niya kasi sa 'min nalove at first sight daw siya kay  Klay.





Oh, speaking of that girl. Hindi ko aakalaing sobrang ganda niya. Ang sexy ng katawan niya, kahit nakasuot lang ng pajama at shirt halata pa rin ang kurba sa katawan niya. Most of all, ang liit din ng mukha niya. Malaanghel ang mukha't boses niya. Sana naman at magbagong buhay na si kuya.



Sabi nga ng iba, kung mahal mo ang isang tao hindi mo na kailangan pang sabihan kang magbago dahil kusa mo na lang babaguhin ang sarili mo para sa taong mahal mo. oh diba? Expert na ako sa mga ganiyan, expert kahit walang boyfriend.





Napaisip ako, pero what if magbago si kuya Xander para kay  Klay?  Everything is possible kaya. Let's wait and see. Nga pala, ayokong tawaging ate si Klay dahil mas mukha pa siyang bata kaysa sa'kin.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon