Chapter 30: Find Her

324 95 14
                                    

***

"WHERE are you going?" Biglang sulpot ni Xander nang makababa ako  sa hagdan.

I didn't answer him.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad, he held my left arm, "We have to talk about what happened last night especially about Xero. And after that, pupunta tayo kay lola Hilda." He simply said at bumitaw sa braso ko.

Nilingon ko agad siya, "Ano ba'ng sasabihin mo?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Follow me," aniya at nauna nang lumabas sa main door. Frustrated naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa napunta kami sa playground.

Ba't may playground dito? I suddenly remember noong first day ng trabaho ko..parang tanga si Xander..siguro isip-bata nga siya.

Kita kong umupo siya sa swing, nakatayo lang ako at nakaharap sa kaniya. He cleared his throat before he speak, "Umupo ka sa kabila." Aba!

Napairap naman ako ng patago at umupo sa kabilang swing. Ang lamig   ngayon, alas-otso na kasi ng gabi kakatapos palang naming maghapunan.

"So what?"  I asked him.

"Bakit ikinulong ka ni Xero?" aniya gamit ang seryosong boses niya. There his serious face again, naninibago ako.

"One time, pumasok ako sa kuwarto niya kasi parang may bumubulong sa'kin  na pumasok ako. And then pagpasok ko, ang daming painted art works  niya..bigla akong nacurious," wika ko at nagsimulang igalaw ang swing na parang bata. Napaangat ang tingin ko sa madilim na ulap ngunit sinakop ito ng mga kumikislap na bituin.

He's listening to me.

"Hinawakan ko ang iilan sa mga art works niya which is si Aya ang pininta niya. Suddenly bigla na lang siyang dumating. He was so mad at me,  kinulong  niya ako sa kuwarto ko." Dugtong ko.

"Why do you think he did that?" he asked.

Teka, sasabihin ko ba kay Xander ang tungkol sa past ko? na ako si Aya? I'm sure hindi siya maniniwala sa'kin. Okay. 'Wag na lang muna as long as hindi ko pa makakausap si lola.

"Hindi ko alam." sagot ko.

Ayon sa sinabi sa'kin ni Xander noon na bestfriend daw niya si Aya.  Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung malaman niyang ako si Aya, ang bestfriend niya?

"There's something wrong about him." Seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Yes, meron talaga.

"Ngayong wala ka na sa puder niya alam kong gagawin niya ang lahat para hanapin ka." aniya ulit.

Huminga ako nang malalim. Ayokong makita si Xero, masama siyang tao. Masama ang binabalak niya.

"Alam kong masama ang binabalak ngayon ng kapatid ko." Xander said, pareho pala kami ng iniisip.

"Hindi ka ba galit sa'kin?"

Bigla na lang tumahimik ang buong paligid, mas mabuti pang hindi ko na lang siya tinanong.Mukhang wala siya sa mood  ngayon.

"Nevermind—"

"Galit ako pero hindi sa'yo kundi galit ako sa sarili ko." Mahinang sambit  niya at huminga  nang malalim.

"So what about your marriage?" He asked me,  napatawa naman ako ng  mahina at dinama ang bawat pagdampi ng hangin sa aking mga balat.

"What about your ex-girlfriend then?" I asked him too while raising my right brow.

"I regret my decision before, yep. Nagsisisi ako." Panimula ko, hindi ako nakatingin sa kaniya. Medyo kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin ko.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon