Chapter 33: England

338 99 20
                                    

Klay's Point of View

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, masyadong malabo pa ang paningin ko hanggang sa napagtanto kong nasa kama ako. Nakahiga't nakatali ang dalawang kamay ko gayundin ang mga paa ko. 

"Argh!" Daing ko habang nagpupumiglas pero ang higpit ng pagkakatali nito sa mga paa't kamay ko. 

"L-Lola.." Bulong ko sa sarili ko. Nagsimula na akong kinabahan, "X-Xander..." Mahinang tawag ko at ramdam kong namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Nakita ba ni Xander si lola Hilda? Nakabalik na ba si Xander? Okay lang ba siya? Teka..'yong phone ko..nasaan? Gagalaw na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang apat na lalaki. Malalaki ang kanilang katawan, mga armado sila. May bitbit silang mga baril. Sino ba sila?

"Ano'ng gagawin niyo sa'kin?" Nababalot ng takot ang sarili kong sigaw sa kanila pero tiningnan lang ila ako, "S-Sino kayo?" Tarantang sambit ko nang hinawakan nila ang magkabilang braso ko at kinaladkad papalabas sa kuwarto.

Sa bawat paghakbang ng mga paa ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Nagpupumiglas ako pero hindi sila natinag. Iniisip ko ngayon ang kapakanan ni lola at saka ni Xander. Alam kong nag-alala na rin ngayon si Saira.

"Bitiwan niyo nga ako! Ano ba? Sino ba kayo?" Sunod-sunod na singhal ko sa kanila pero patuloy pa rin  nila akong kinaladkad pababa sa hagdanan.

Bakit  may gusto akong paslangin? Ano ba'ng kasalanan ko?

"The last kiss tasted like tobacco a bitter and sad smell tomorrow, at this time where will you be? Who will you be thinking about?"

Natuod ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ni Xero. Ang kantang 'yan...ang palagi kong kinakanta noon sa..sa taong una kong minahal. Hindi ko gusto noon si Xero, kung ganoon sino ba ang lalaking 'yon? Ang first love ko? That was our theme song entitled first love.

"Boss, nandito na siya." Wika ng isang armadong lalaki kaya natauhan ako. Boss? Si Xero ang nagpakidnap sa'kin? 

Nakatalikod ngayon si Xero habang abala sa pagpinta, hindi ko alam kung ano ang pinipinta niya.

"Leave us alone." Tanging saad ni Xero, umalis naman 'yong apat na lalaki. Naiwan kaming dalawa, nasa salas kami at hindi ko alam kung kaninong bahay 'to. Nakatayo lang ako.

"You are always gonna be my love even if I fall in love with someone once again I'll remember to hold on you taught me how.." Patuloy na pagkanta niya.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumayo at humarap sa'kin.

Malawak niya akong nginitian, "She's Aya, my first love," Putol na salaysay niya habang nakatingin sa painting niya. It was just a simple painting and it was me. "I've been inlove with her until now." aniya at tiningnan ako. 

Hindi ako makagalaw. Biglang nanuyo ang buong lalamunan ako. Gusto ko siyang suntukin gusto ko siyang sigawan pero wala akong lakas. He's definitely obsessed with me. I've realized, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa'kin ay sinasaktan na niya ako physically.

"That's why..I'm inlove with you, Klay." aniya ulit, mukhang nawawala na siya sa sarili niya.

Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa'kin. Nagpupumiglas pa rin ako hanggang sa tuluyan na nga akong natumba sa sahig. "Are you scared of me? Klay, 'wag kang mag-alala..hindi kita sasaktan." saad niya at marahang kinuha ang tali sa mga kamay at paa ko.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon