Chapter 17: Solita Ubaldez

336 108 37
                                    

Klay's Point of View

KUMUNOT ang noo ko nang mahagilap ng mga mata ko ang nakapatong sa bedside table ko. Isang puting sobre at gift box. Kakagising ko palang ngayon, kinusot ko muna ang mga mata ko bago lumapit sa table.



Kinuha ko ang puting sobre at binuksan ito, napanganga ako nang makita ko ang laman nito. Libo-libo. Ang kapal ng perang nasa loob nito. Teka, ano 'to? Ito na ba ang suweldong sinasabi ni Xander para sa'kin? Napalunok naman ako ng laway, totoo nga ang pinangako niya.



Kinuha ko rin ang gift, napangiti nang makita ko kung ano'ng laman nito, mabilis kong dinampot ang teddy bear. Tumalon ako sa kama at hinawakan ko ang dalawang maliliit nito na kamay at saka hinila ito sa magka-ibang direksyon.


“From now on, your name is Leche.” Nakangising sambit ko at kinagat ang ulo nito.






Napahinto ako nang biglang sumagi sa isipan ko nang maalala ko ang panaginip ko nakaraang gabi. Nakakadiri si Xander, napanaginipan ko lang naman siya na hinalikan niya ako buti naman at hindi ako pumatol. Why would i? Hindi naman talaga ako pumapatol sa lalaking tulad niya. Kakadiri kaya.





But thanks to him, no'ng nawala pala ako ng malay ay hinatid niya ako dito sa mansyon. Nakakahiya sa parents nina Xander at Xero ang nangyari sa'kin, lalo na sa pamilya ni Yuna. Ba't ba kasi palagi na lang akong nananaginip ng gising?





Matagal ko na 'tong nararanasan. Pabalik-balik sa utak ko ang nakaraan. When i was in twenty, palagi na lang akong dinadalaw ng masasamang alaala, hindi ko nga alam kung bakit nangyayari sa'kin 'to. Siguro kulang ako sa dasal.




Napangiwi na lang ako sa iniisip ko at nilapag ang teddy bear sa unan ko, “Take your time, Leche!” sabi ko bago lumabas sa kwarto ko.




“Xander Pheile Fortesque!”





Gulat na gulat na sigaw ko nang bumungad siya harapan ko. Walang suot pang-itaas. Basang-basa ang buhok . Nakasablay pa ang puting tuwalya sa balikat niya at tanging boxer lang ang suot-suot niya ngayon.




Sa sobrang gulat ko ay muntik ko na siyang maitulak. Huli na nang tumalikod ako dahil kitang-kita ko na ang basang abs niya.





“You're awake.” aniya na para bang  wala lang, i heard him chuckled. “Nagulat ba kita?” aniya pa, “Takpan mo nga 'yang katawan mo, nakakadiring tingnan.” Nakangiwing sambit ko, “So, nakita mo?” Nang-aasar na tanong niya sa'kin, kumulo naman ang dugo sa ulo ko.





“Umalis ka na nga!” Utos ko sa kaniya, mas lalo siyang napatawa.





“All right. Klay, puwede ba tayong mag-usap mamaya?” Mahinang tanong niya sa'kin, “Oo na basta umalis ka na!” Tumatango-tangong sambit ko sa kaniya, “Okay. Gusto lang kitang ipasyal.” Papalayong sabi niya at narinig ko na lang na pumasok na siya sa kaniyang kwarto.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon