Chapter 26: At last

283 99 16
                                    

Third Person Point of View

NAGTATAGIS ang bagang nitong lalaki habang nakatitig sa litrato ni Solita Ubaldez, nanlilisik ang kaniyang mga mata. Naalala na naman niya kung ano ang nangyari sa nakaraan.

***Flashback***

PABILIS nang pabilis ang paglakad ng isang batang lalaki patungo sa room 214, walang bakas ng emosyon ang kaniyang mga mata. Walang takot o sindak ang makikita nito. Kung baga matatawag itong emotionless, blangko rin ang expression ng kaniyang buong mukha.

Nakasuot siya ng surgical mask at itim na sombrero. Nang makarating siya sa tapat ng pintoan ng room 214 ay hinawakan niya agad ang door knob, dahan-dahan naman niya itong pinihit.

Unti-unting bumungad sa mga mata niya ang nakahigang batang babae, maraming nakakabit na apparatus sa ibang parte ng katawan nito at nasa critical ang kondisyon ang batang 'to.

"Mahal kita...Aya." Bulalas nito sa sarili at lumapit kay Aya. "Hindi ba't sabi ko sa'yo na mahal na mahal kita..." Dagdag ng lalaki at biglang naiyak, hinahalik-halikan nito ang malambot na kamay ni Aya.

"Pero sinaktan mo ako!" Malakas na sigaw nito.

Biglang nagbago ang templa nitong lalaki at malakas na tinabig ang kamay ni Aya, nanlilisik na naman ang mga mata nito at unti-unting gumuhit ang malademonyong ngisi sa kaniyang mga labi.

"Kaya ngayon," Putol na saad nito at hinawakan ang tubo ng oxygen, "Dapat mamatay ka na." Dagdag nito at tinanggal ang oxygen sa bibig ni Aya dahilan para bumaba ang oxygen at nagbago ang heart beat nito.

Dahil sa ginawa niya ay nahihirapan nang huminga si Aya, walang emosyon naman siyang lumabas sa room 214. Iniwan niyang nag-agaw buhay si Aya, iniwan niyang nahihirapan. Nakapamulsa siyang lumabas sabay bulong ng "Hindi na ako magdudusa." Mas lumawak ang malademonyong ngisi nito sa kaniyang mga labi.

"Pasensya na hijo!" Paumanhin ng isang ginang nang mabunggo niya ito, bakas sa mukha ang gulat ng ginang dahil nakita niya ang ginawa ng batang ito kay Aya.

Solita Ubaldez

Sambit ng batang lalaki, kilala siya nito kaya hindi niya magawang sagutin ang ginang.

"Pasensya na!" Ulit ng ginang at tumalikod habang bitbit ang mop, mas lalong nanlilisik ang mga mata nitong lalaki.

Nakikilala niya ako. Nakikilala niya ako. Kailangan ko siyang patayin. Nakikilala niya ako.

'Yan ang mga salitang paulit-ulit na bumaon sa utak ng lalaki at kumuyom ang dalawang kamao nito.

***End of Flashback***

NAPAHAMPAS na lang sa mesa ang lalaki dahil sa galit. Mayamaya lang ay biglang tumunog ang selpon niya, mabilis niya itong kinuha sa loob ng bulsa niya at hindi na tiningnan kung sino ang tumawag. Agad na niya itong sinagot.

"What?" anito sa nakakatakot na boses.

"I found her.." sagot sa kabilang linya.

Napahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang selpon.

"Where?" Tipid na sagot niya, "Sapphire Vista Hospital, she was diagnosed with severe depression." Dagdag nito.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon