Chapter 22: ?

294 104 31
                                    

Klay's Point of View


“A-Apo?”

Bungad sa'kin ni lola nang mabuksan ko ang pinto. Nakita kong nakahiga siya sa hospital bed, unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang nagulat pa nga siya nang makita niya ako.

“Lola...” Mahinaong tawag ko sa kaniya at naiiyak na lumapit sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.

“Apo ko...kumusta ka na ba?” aniya sabay hagod sa likuran ko. I can't let myself but to cry. Miss na miss ko na si lola. Ilang buwan na kaming hindi nagkikita.

“O-Okay lang ho ako. 'E ikaw? Kumusta ka na ba rito? Kumusta na ang pakiramdam mo?” Humihikbing tanong ko sa kaniya at bumitaw sa yakap.

Nakangiti niyang pinunasan ang tumutulong luha sa mga mata ko. “Hija, maayos naman ang pakiramdam ko. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa kalagayan mo.” aniya pa habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Ano ka ba lola? 'Wag kang mag-alala. Lahat gagawin ko para sa'yo, okay lang ako. Miss na miss na talaga kita lola.” Mahinaong wika ko sa kaniya. Sasagutin na sana niya ako nang mapalingon siya sa pinto.

“Sino siya?” Biglang nagbago ang tono ng boses ni lola. Pero nginitian ko lang siya, “Lola, siya ho ang amo ko. Si Xander—”

“Makinig ka sa'kin..” Pagpuputol niya sa sasabihin ko, kumunot naman ang noo ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko, “Kailangan na nating umuwi. Maayos na ang pakiramdam ko. At saka,” aniya at tiningnan ulit si Xander na ngayo'y papalapit sa'min, “Mano ho,” Mahinang sambit ni Xander.

Tinititigan lang siya ni lola, sinenyasan ko naman si Xander na lumabas muna sa kwarto. Tinanguan niya naman ako.

“Ho? Ano'ng ibig niyong sabihin?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. “'Wag kang magtitiwala sa mga taong hindi mo kilala.” aniya dahilan para mas kumunot ang noo ko. “Lola, si Xander po ang amo ko.” saad ko at kinuha sa loob ng bag ang sobre.

“Ito ho..para sa'yo ito.” Wika ko at inabot sa kaniya ang sobre ngunit hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan itong itinulak papalayo, “Apo, sapat na sa'kin ang makitang ligtas ka. Kahit sabihin mo mang siya ang amo mo...isa lang ang masasabi ko.” Seryosong sambit niya, “Ano ho?”

Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasabi ni lola ngayon. Naninibago ako sa galaw at pananalita niya. Epekto ba ito ng gamot sa kaniya?

“Lumayo ka sa mga Fortesque. Sumama ka sa'kin sa probinsya. Naintindihan mo ba?” aniya kaya napatayo ako.

“Lola? Ano ba'ng pinagsasabi ko? Kailangan kong kumayod para sa gamot mo. Kailangan kong magtrabaho—”

“Makinig ka sa'kin ng mabuti.” May pagbabanta sa boses niya. Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya. “Lola, ipapangako mo sa'king magpapagaling ka. Paparating na ngayon si Saira—”

“Saan ka pupunta? Hindi ka puwedeng umalis dito...'wag mo'kong iwan. Kailangan mong lumayo sa pamilya nila...lumayo ka!”

Nagulat ako nang biglang sumigaw si lola. Umalingawngaw ang boses niya hindi lang sa loob ng kwarto kundi pati na rin sa labas.  I tried to comfort her pero tinulak niya lang ako, nagsisigaw na siya.

“What happened?” Biglang sulpot ng nurse. “Hindi ko alam.” Naguguluhang sagot ko, “I'm sorry ma'am but she's in panic again.” Mahinang tugon ng nurse at may itinurok sa braso ni lola, “Lumayo ka sa pamilya nila...” Naputol ang sasabihin ni lola nang unti-unting pumikit ang mga mata niya.

“It's just a sleeping pills. Don't worry she is in a good situation. Are you her grand daughter? Hm. Klay?” aniya, tinanguan ko naman siya. Hinawakan ko ang mga kamay ni lola. Lola, hindi ko alam kung ano'ng pinagsasabi mo pero kailangan ko talagang kumayod para sa'yo.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon