Chapter 25: Who am I?

278 97 10
                                    

Klay's Point of View


HINDI ako mapakali ngayon. Apat na araw ang lumipas pero hindi pa rin nagpapakita si Xander. Hindi ko siya makontak. Naibaling ko ang aking tingin  sa teddy bear kong si Leche, regalo niya sa'kin. Inis  ko namang pinisil ang dalawang pisngi nito.


"Nasaan na ba si Xander?" Pabulong na saad ko at nilalaro ang mga kamay nito.


Next week, kasal na naming dalawa ni Xero. Parang ang bilis naman ng panahon. Ang bilis ng desisyon ko, tama kaya itong plano ko? Napabuga na lang ako ng hangin, wala si Xero rito sa bahay may pupuntahan lang daw siya. Naiwan naman ako rito.

Gumagabi na rin, gusto kong magmuni-muni dahil hindi talaga ako mapakali. Lumabas na lang ako sa kuwarto ko, nga pala wala na rito sina Cici at Siri, pinagawan kasi ni Xero ng tahanan at may bantay din sila. Buti naman, katakot kaya ang ahas.

Imbes na bumaba ako sa hagdan ay dinala ako ng mga paa ko sa kuwarto ni Xero, curious lang ako at hindi ko alam kung bakit. Parang may bumubulong kasi sa'kin na pumunta doon. Hindi ko rin naman mabuksan dahil for sure nakalock naman talaga 'to. Plain grey ang pinto sa kuwarto ni Xero, maigi ko lang itong tinitigan.

Ilang minuto ang lumipas ay aalis na sana ako nang mapansin kong nakaawang pala ng kaunti ang pintoan dito kaya dahan-dahan ko naman itong pinihit.  Dati, bawal bpasukan  ang kuwartong 'to dahil para lang daw kay Xero 'to.  Hindi naman siguro magagalit si Xero?

Nang  tuluyan na akong makapasok, napatakip ako sa ilong ko dahil ang baho ng amoy ng pintora. Naalala ko tuloy dati 'yung kuwarto ni Xander pero mas malala pa rito. Ang baho rin ng old papers at iba pang gamit. May master's bedroom sa kanan, merong couches, tables, at mga aparador. Napadpad ang tingin ko sa mga painting, halatang luma na ang mga art works na'to dahil may alikabok at halata rin naman sa pintura.


Kumunot ang noo ko nang mapansin kong puro mukha lang ni Aya ang pini-paint ni Xero. Teka,  ang iilang  painting na nakikita ko ay ito 'yung galing sa kuwarto ni Xander noon. Akala ko nga siya ang nagpaint nito hindi pala si Xero pala. Okay, talented nga si Xero. 


2012..2011..2013


'Yan ang mga taong nakaukit sa canvas. Isa-isa ko naman itong tiningnan. Aya... Pabulong na wika ko sa sarili ko until napagtanto kong pamilyar pala siya sa'kin. Parang...ay ewan.


"Tula?" Bulalas ko nang mapansin kong may nakasulat na tula sa likod ng painted picture ni Aya. Naka-paint kasi sa canvas na nasa loob ng classroom si Aya habang nakatuon sa libro. 


Binasa ko naman ang tula.


January 15, 2012

Sana isa ako sa mga salitang binabasa mo

Kay tagal ko nang pinangarap na makapiling ka

Kahit pagbulong ng hangin'y hindi ramdam ng 

iyong pusong iba ang gusto,

Sapat na sa'kin ang makita ka

Aya.


Napakunot ang noo ko. Ano raw? Akala ko ba first love ni Xero si Aya? Ba't parang ang ibig-sabihin ng tula na'to ay...saglit akong napatigil.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon