Chapter 31: The Truth: Kimura

342 98 17
                                    

Hilda's Point of View



NAGISING ako sa isang hindi pamilyar  na lugar. Napagtanto kong nakatali pala papatalikod ang mga kamay ko gayundin ang mga paa ko. Gabi na rin kaya mas lalong lumabo ang paningin ko.


Arthur, ginawa ko ang lahat upang itago ang  nakaraan ni Klay pero ito na siguro ang tamang oras para ibunyag ang katotohanan sa pagkatao  niya.


"Solita Ubaldez to Hilda Montano?"



Napaangat ang tingin ko sa lalaking  nagsalita. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang tawag ko sa kaniya na demonyo. Pinatay niya si Arthur dahil sa pagkakaalam niya'y alam naming dalawa ni Arthur ang pagpatay niya kay Aya at Xander.



"I-Isa kang demonyo!" Buong lakas na sigaw ko sa kaniya. Demonyo ang isa sa mga anak ng Fortesque.




Ngumisi lang siya, "Hm, Montano? Sounds interesting, kahit palitan mo pa ang buong mukha mo..makikilala pa rin kita Solita!"



Ang totoo ay hindi niya alam ang ukol sa pagkatao ni Klay. Hindi niya alam na si Aya ay niligtas ng asawa ko. Hindi niya alam na buhay na buhay ang taong inaakala nilang lahat ay matagal ng patay. Maliban sa'kin, walang ni isa sa kanilang lahat ang  nakakaalam na si Aya ang nag-iisang anak ng pamilyang Kimura.



"Solita, mabuti naman akong tao kaso pakialamera ka." Malademonyong sabi niya sa'kin at hinugot ang baril sa tagiliran  niya.



"Demonyo ka talaga! Hindi ako natatakot sa'yo..pinatay mo ng walang awa ang asawa ko. Demonyo ka!" Malakas na sigaw ko sa kaniya at nagpupumiglas ngunit sobrang higpit ng pagkakatali ng mga kamay at paa ko. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon.



Tama nga ako,  nasa loob ako ng bodega.



"Tumahimik ka! Wala ka nang takas ngayon  dahil ngayong araw na ang huling hininga mo." Matigas na sabi niya habang pinaikot-ikot ang baril sa kamay niya.


Hindi. Bago ako mamatay  ngayon kailangan ko munang sabihin kay Klay ang katotohanan sa buong pagkatao niya.



"Alam kong pagsisisihan mo ang lahat ng 'to. Alam kong papatayin ka rin nila tulad  ng pagpatay mo sa asawa ko. Magdusa ka!" Kinakabahang sigaw ko sa kaniya.



Bigla na lang siyang napahalakhak na parang demonyo. Alam kong makasarili akong tao, itinuring ko na parang totoong apo, totoong anak si Klay. Napamahal na ako sa bata kaya hindi ko magawang ibalik sa pamilyang Kimura ang kanilang anak.


Alam ko, alam kong kasalanan ko rin ang lahat.



Ang pamilyang Kimura, ang nangunguna sa sikat at yaman sa bansang Japan, si Klay ang  matagal ng   nawawalang anak  nila. Noong nakaraang taon, matalik na magkaibigan ang pamilyang Kimura at Hayashi ngunit dahil sa inggit ay  nasira ang pagkakaibigan nila.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon