Chapter 39: Promises

212 25 39
                                    

Xander's Point of View


AFTER what happened yesterday, I canceled my plans. Gusto ko sanang magpropose kay Klay but I decided  to give this ring to her now, ikakasal rin naman kami balang araw.

"Hey," I muttered. Tumabi ako sa kaniya, nakaupo kami ngayon sa buhangin. Unti-unti nang lumubog ang araw.

Sinuri ko ang labi niya pati ang mukha niya, buti naman at hindi na namaga. "How's your feeling? Masakit pa ba?" I asked her, she took a deep breath sabay iling.

"Xander, feeling ko habang palalim nang palalim ang relasyon nating dalawa nagsusulputan ang mga problema. And that Yuna, ni hindi man lang natin alam kung ba't alam niyang nandito tayo? What if..may kasabwat pa siya na naiwan dito? Na pinagmamasdan tayo? Natatakot ako." She stated, halata nga ang takot sa boses niya. I held her hand and intertwined it sa'kin.

"I'm sorry," Kumunot ang noo niya, "I'm sorry dahil hindi kita naprotektahan kahapon. Klay, pinapangako kong hindi na ako aalis sa tabi mo, okay? Now listen to me, after our marriage aalis tayo rito sa Pinas. We have to live somewhere where no one can hurt you. That fucking Yuna will get her karma soon. Don't be scared, nandito lang ako." I added.

"P-Pero hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Malakas talaga ang loob ko na may malaking problema pa tayong kailangang harapi, hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko." aniya, I slowy cupped her small face. "While I'm with you, I promise..I'll risk my life for you just not to suffer you in pain and fear." I said, hinalikan ko naman ang noo niya.

"By the way, I have something important to give you.." I said while smiling, "Ano na naman ba 'yan?" aniya at nagsalubong ang mga kilay. 

Kinuha ko mula sa bulsa ng short ko ang isang mini red box, "Close your eyes." Utos ko sa kaniya, tumango naman siya at ipinikit ang mga mata.

"Klay," 

"Oh? Problema mo? Habang buhay na lang ba akong nakapikit dito?" Reklamo niya dahilan para mapatawa ako ng mahina. Ang init talaga ng ulo niya.

I held her hands and kissed it, "I love you." saad ko, "Xander! Ang oa mo ngayon!" aniya. "Open your eyes." I said, "Sa'kin ba 'yan?" aniya habang nakatingin sa pulang box, I gave it to her. Napanganga naman siya, "Magpo-propose ka ba? Engot ka talaga, ikakasal na nga tayo. No need to propose—"

"I know. Just open it," Wika ko habang nakatingin sa mga mata niya, "Fine!" aniya.

Klay, if something bad happens in the future. I'll do everything to stay by your side. No matter what happens, I will not leave you. Sasamahan kita sa lahat ng problema at mamahalin kita ng walang hanggan.

"Wow, kuwintas at singsing?" Namamanghang tanong niya at kinuha ang silver necklace with diamond pendant. "Ang ganda.." she muttered, "Ang ganda rin nito.." aniya at kinuha rin ang diamond ring.

"Do you like it—"

"Thank you, Xander! Thank you!" Masayang sabi niya habang nakayakap sa'kin nang mahigpit, "Oo, I like it. Nagustuhan ko ang regalo mo..unfortunately wala akong maibigay—"

"No need. Malaking regalo ka na para sa'kin. At ang makita kang masaya ay sapat na sa'kin. My pleasure baby..hindi ako magsasawang pasayahin ka araw-araw." I whispered to her ear, bumitaw naman siya.

"Let me put this to you," usal ko at kinuha ang kuwintas at dahan-dahang isinuot sa leeg niya. "Para balang araw hindi mo ako makakalimutan." saad ko pagkatapos kong isinuot sa kaniya ang kuwintas.

Bigla niya namang hinampas ang braso ko, " Ano ba'ng pinagsasabi mo? Alam mo ang weird mo ngayon. Nakakainis ka!" aniya, "Kidding aside—" HInampas na naman niya ako.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon