Chapter 41: I'm Back

253 23 12
                                    

Xander's Point of View

AFTER i took a bath, dumiretso agad ako sa kuwarto. And there I saw Klay hugging her pillow, nakaupo siya ngayon sa couch habang nanunuod ng TV.

It's eight O'clock in the evening, and tonight will be our last vacation. Tomorrow morning, uuwi na kami ni Klay.

"Hey, kumain ka na ba?" I asked her and sat down beside her.

Hindi siya kumibo. Galit ba siya sa'kin dahil hinalikan ko siya kanina?

Nakahalumbaba lang siya, nakapulupot sa ulo niya ang tuwalya kaya tinanggal ko ito. "Ano ba?" aniya at tinaasan ako ng kilay.

"Papatuyuin ko ang buhok mo. Ba't ang sungit ng baby ko ngayon?" Nakangising tanong ko sa kaniya, hindi pa rin siya kumibo. Hinayaan niya lang akong galawin ang buhok niya para matuyo.

"Baby.." Malambing na tawag ko sa kaniya nang binulungan ko siya, naibaling niya ang tingin sa'kin, masama niya akong tiningnan, "Nakainom ka ba?" aniya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, nginisihan ko lang siya sabay turo sa mesa.

Sinundan niya naman ang hintuturo ko, nalaglag ang kaniyang panga. "N-Naubos mo ang dalawang bote? Xander! Nababaliw ka na ba?" aniya at napatayo, napakamot na lang ako sa batok ko.

"But you told me earlier that I would drink that later." Ngumisi ulit ako, ang init-init ng katawan ko ngayon kahit kakaligo ko pa lang.

Napahilamos naman siya sa kaniyang mukha, "Sa labas ka matutulog." Iritadong sambit niya at tinalikuran ako. Kahit nahihilo ako at sumasakit na ang ulo ko ay mabilis akong tumayo at niyakap siya papatalikod. 

Napahinto naman siya, "Nabitin ka ba kanina? Puwede naman nating ipagpatuloy ngayon." Bulong ko sa tenga niya pero malakas niyang inapakan  ang paa ko.

I bit my lower lip.

"Lasing ka na. At saka, ano'ng nabitin? Ako? Matulog na nga tayo ang dami mo pang satsat." aniya pero humigpit ang pagkakapulupot ko sa baywang niya.

"I like your smell.." I whispered to her ear again, "Baby..can I kiss you again?" aniko, inamoy ko ang basang buhok niya, maging sa leeg at batok niya. "Ang bango mo.." I added, tinabig niya ang kamay ko at masama akong tiningnan. 

"Xander, matulog na tayo. I'm sleepy." aniya at tinungo ang kama, "But you're wet." I said making her eyes widen, "I mean, your hair is wet." She didn't answer me.

Nakangisi ko namang tinungo ang kama, "Ang pula-pula na ng buong mukha mo, ano ba? Ang pangit ng mga titig mo ngayon." Reklamo niya at humiga at nagtalukbong ng kumot.

Hinubad ko ang suot-suot kong itim na sando, hinubad ko rin ang shorts ko kaya boxer na lang ang suot ko ngayon. "Baby..yakapin mo naman ako oh," Pagmamaktol ko sa kaniya at dahan-dahan siyang niyakap per tinabig niya lang ang kamay ko.

I smirked, "Okay, let's sleep." I said at tumihaya, ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang palad ko at pumikit.

Mayamaya lang ay naramdaman kong gumalaw ang kama, "Tulog na ba siya? Baliw talaga, ba't hinubad niya ang sando niya?" She murmured, rinig na rinig ko naman.

Patago kong iminulat ang kaliwang mata ko, kita kong nakaupo siya ngayon sa kama habang nakaharap sa'kin. Why so cute, Klay? 

I smiled secretly when she slowly pinched my abs, "Totoo kaya 'to?" aniya, napatawa ako ng patago. "Ang guwapo niyang matulog.." aniya, uminit naman ang dalawang tenga ko. You're right Klay, lalo na't gising ako.

Ramdam kong hinaplos niya ang ilong ko, hinimas niya ang bridge nito, "Ang tangos.." aniya at napatili nang mahina, pinipigilan ko talaga ang sarili kong matawa. This woman will always be the reason why my heart beats faster. I can't afford to lose her. Siya lang ang babaeng nagparamdam sa'kin ng ganito. She made me feel alive again.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon