Chapter 19: Jealous

309 105 14
                                    

Klay's Point of View



KASALUKUYAN akong nagtutupi ngayon dito sa balkonahe ng mga kurtina, bagong laba ito. Nangangalay na nga itong mga braso ko dahil malalaki't mahahaba ang mga mamahaling kurtina na'to. Dalawang araw na ang makalipas simula no'ng dinala ako ni Xander sa sarili niyang mansyon or should i say his isle.




He literally surprised me. Mas nagulantang pa ang mundo ko nang malaman kong isa pala siyang architect, he hid it well from his family. Sinabihan niya lang ako na serkreto na naming dalawa 'yon, especially about his mansion, that mountain paradise, and that isle also.


Ang dami niya pa lang sekreto. Pero naalala ko ang sinapit niya no'ng nakaraang buwan, curious pa rin ako kung ba't sumasakit ang ulo niya. Hindi kaya'y meron siyang brain tumor? or something else disease that is related to brain? Hindi naman ata siya baliw.



Well, i find him funny when i remember how he act like a child slash like an idiot. He pretended well, asang-asa ako na isip-bata nga siya, o may sakit talaga siya. But in the end, he's totally fine. Palagi na lang kasing paulit-ulit sa utak ko ang nangyari.




And speaking of him, may appointment daw siya ngayon. Teka, ang bilis ng panahon ngayon ah, dati kakapasok ko palang dito tapos ngayon, isa't kalahating buwan na palang akong nandirito?

Nagsimula akong nagtrabaho dito noong April 04, and now it's June 12, soJuly 04 2024, ako aalis dito? Gusto ko pa namang bumalik sa mansyon ni Xander, nakakawala ng stress sa islang 'yon.



May sarili pa naman siyang yacht, 'e first time kong sumakay ng ganiyang sasakyan. Napabuga na lang ako ng hangin. Biglang sumagi sa isipan ko si Xero, mukhang hindi naman siya lumalabas sa kwarto niya.





Teka..teka...may sariling mansyon pala itong si Xander bakit pinili niyang tumira rito sa mansyon ng kakambal niya? Well, sekreto nga niya 'yun. Napailing na lang ako dahil sa mga pinagsasabi ng utak ko.

“You're here.” Biglang sumulpot si Xero sa harapan ko kaya napalunok ako ng laway.

I didn't look at him. Nagsimula nang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ramdam kong umiinit na ang dalawang pisngi ko, hindi ko alam kung bakit.


“Ah, oo.” Nahihiyang sagot ko kay Xero.



Kita sa peripheral vision ko na umupo siya sa gilid ko kaya mas lalo akong hindi mapakali. Gusto kong tumalon ngayon sa beranda dahil sa kabang nararamdaman ko.

“Where have you been last two days?” Xero asked me, ba't naitanong niya sa'kin 'yan? Samantalang kahapon ay hindi maiguhit ang buong mukha niya. Ang sama rin ng titig niya sa'kin kahapon, baka guni-guni ko lang rin 'yon.




Napatigil ako sa tanong niya. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya kung saan kami pumunta ni Xander dahil sekreto lang 'yan na dapat kaming dalawa lang ang nakakaalam—except for Xander's butleress which is si madam Leticia.

“A-Ah, sa resto..oo sa resto.” sagot ko sa kaniya. He didn't answer but instead,  “Why are you nervous? Do you still remember how we kissed?” Ilang beses akong napalunok ng laway.




Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon