Chapter 20: Bitch

361 105 15
                                    

Tracy's Point of View

I COVERED both of my ears nang marinig kong may kumakatok sa pintoan ko. Ano ba 'yan? Ang aga-aga pa nangbubulag na! Kairita talaga.

“Goy?” Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni kuya.

“Ano ba? Ang ingay mo kitang natutulog 'yung tao!” Nakapikit na sigaw ko sa kaniya.

Naha-highblood na tuloy ako. Buong magdamag akong gising dahil sa walanghiyang thesis na 'yan. Ang bigat na nga mga talukap ko, disturbo talaga.


“Sleepy head! Nandito si Fiona!”


Napabalikwas ako sa kama nang marinig ko ang sinabi niya. Muntik na nga akong mahulog sa kama. Mulat na mulat ang mga mata kong binuksan ang pinto. Bumungad naman sa'kin ang kalderong mukha ni kuya, tiningnan niya ako ng masama.

“Kanina pa kitang ginigising! Bingi ka ata—”


“Nasaan siya?” Nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kaniya.


“Salas” I rolled my eyes. Bago ako bumaba sa hagdan ay hinampas ko muna ang puwet niya. Malaki at kasing-lambot ng cotton candy ang puwet ni kuya. Very satisfying.

“Hoy bruha? Wah! Kanina ka pa rito? Kailan ka nakarating? Langhiya naman oh! Ni hindi mo man lang ako tinawagan!” Singhal ko nang makita kong nakaupo siya ngayon sa couch.


Dali-dali naman siyang tumayo at patakbong lumapit sa'kin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumalon, ay putcha! Ang bigat ng babaeng 'to.


“Hoy Eli! Ano ka ba? Ilang beses  kitang tinawagan ni hindi mo nga sinagot ang mga text ko. Bruha ka rin 'no, buhay na buhay pa ako. 'E, ikaw may boyfriend ka na ba?” aniya, napangiwi naman ako dahil sa bigat niya.


“T-Teka lang.. bumaba ka nga nahihirapan akong huminga!” Dali-dali naman siyang bumaba. Suot-suot niya ang malawak niyang ngisi.


“Ano'ng boyfriend ang pinagsasabi mo? Wala ngang nanligaw sa'kin, boyfriend pa kaya? And oh, nakalimutan mo ba'ng high standard din ako?” Bulalas ko at umupo sa couch, tumabi naman siya sa'kin.


Sinenyasan ko naman ang ibang katulong namin na kumuha ng snacks.


She's Fiona Romano, my long time bestfriend. Since elementary hanggang senior high ay bestfriend ko na siya, kaso nga lang, pagdating sa koliheyo ay magka-iba ang school namin. Nag-aral kasi siya sa ibang bansa, sa Turkey . Mayaman din kasi 'yan, balita kong halos kamag-anak niya ngayon ay modelo, artista, film director at iba pa.

“Oo na high standard ka na! Nga pala, kahapon pa ako nakauwi galing sa Turkey. Of course, hinding-hindi ko makakalimutan ang regalo ko para sa'yo since nalalapit din naman ang birthday mo at wala ako rito.” aniya, nahampas ko naman ang braso niya dahil sa saya, ang bait talaga ng babaeng 'to.


Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon