Chapter 11: Undiscovered Hidden Past

431 124 9
                                    

Klay's Point of View

“Klay? Xero?” Napakurap ako ng ilang beses at dali-daling napatayo. Kakapasok palang ni Xander habang may bitbit na isang bouquet ng pulang rosas and chocolates.


Papalapit ngayon si Xander at suot-suot ang kaniyang malawak na ngiti. “Hi, for you.” aniya at inabot sa'kin ang bulaklak at tsokolate. Hindi ko siya pinansin.


Nakaupo ngayon si Xero sa kaharap naming couch, like parang walang nangyari. “Klay?” Pukaw sa'kin ni Xander pero hindi ko siya pinansin. I walked out. Nilagpasan ko lang siya at dali-daling umakyat sa hagdan. Dumiretso agad ako sa kwarto ko.



What the hell, Klay? 



Nagulat din ako sa ginawa ko kanina. I was just dreaming, right? Napahawak na lang ako sa mga labi ko, that was my first kiss. Napaupo na lang ako sa kama,  unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.


“Ano'ng nangyari sa'yo, Klay?” Pabulong na tanong ko sa sarili ko at napahilamos sa mukha.


I know that was only an accident. Hindi ko 'yon sinadya. Walang may gusto sa'ming dalawa na mangyari 'yon. My god. Hindi ako mapakali. Paulit-ulit na lang sumasagi sa utak ko ang pagdampi ng mga labi ni Xero sa mga labi ko. No, hindi tama 'to.


“Klay? Are you okay?” Tawag sa'kin ni Xander.

“O-Oo! Nasa baba pa ba si Xero?” Nabubulol na sagot ko sa kaniya at bumuntong-hininga. Kailangan kong kumalma.

“Why? He's sleeping. By the wag, can i open the door?” aniya, “Sige” Tipid na sagot ko sa kaniya, “Remember our deal?” Mahinaong wika niya nang makapasok siya. Sumandal siya sa pinto.


“Oo naman, bakit ba?” Iritadong tanong ko sa kaniya. He took a deep breath, “Klay, it was just a deal,” Putol na sambit niya at napayuko, “No hard feelings.”

Napatawa naman ako sa sinabi niya, as if namang magkakagusto ako sa'yo. Feeling ah.


“Yes, deal lang naman,” Putol na sabi ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga painting niya lalo na 'yong si Aya ba 'yon?

“Ikaw ha. Hindi mo naman pala sinabi sa'kin na may gusto kang babae.” sabi ko sa kaniya. He raised his eyebrows.

“Huh?” Feeling innocent 'yan? I put my arms around my chest at ngumisi.

“Huh?" Pangungulit ko sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya, “What did you just say?” He asked again, “I think first love mo 'yon, si Aya?” I asked him. Nakangisi pa rin ako, hindi siya sumagot.


Nakatitig lang siya sa'kin.


“Silence means yes?” Nakangising tanong ko sa kaniya. Ang seryosong mukha niya kanina ay napalitan ng nakakalokong ngiti, “Nagseselos ka ba?”

“Ako?” saad ko sabay turo sa sarili ko, “Nagseselos? Hindi naman, i'm just confused kung sino ang batang 'yon.” sagot ko sa kaniya. He just shrugged his shoulders.

“Then?”

“Ano'ng then? First love mo ba talaga 'yon?  September 12, 2012? Ibig-sabihin, kasing-edad lang natin siya?” Tumatangong tanong ko sa kaniya.

“She was my bestfriend.” Napatingin ako sa kaniya, bestfriend?

“I don't know how to paint.” saad pa niya. Ano'ng sinasabi ng isang 'to? Ang galing kaya niyang magpaint.

Fortesque's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon