Chapter 7
"Umayos ka, Serene! Ayusin mo ang galaw ng sandata mo! Sabayan mo ang ritmo! Wag kang maging kahoy diyan! Ayan! Liyad pa! Kulang pa! Talon! Ikot! Liyad! Yuko! Ganyan! Ulit!" Simangot na simangot akong tumingin sa matanda na nakapameywang sa harap ko.
"Ano ba, Shifu! Kalahating taon ko na itong pinapraktis hindi pa rin ba sapat, huh?! Ang lambot-lambot na nga ng galaw ko. Napakapulido na nga! Ano pa ba ang gusto mo?! Iyong nahuhuli ang ulo ko tas nauuna ang katawan ko ganon?! "
"Hindi naman. Alam mo, Serene. Mas marami pang tao ang mas magaling sa'yo sa paggamit ng sandata. Kung makahaharap mo sila malalaman mong hindi pa sapat ang kakayahan mo." Inirapan ko nalang siya at tinalikuran. Nagpraktis ulit ako tulad ng gusto niya. May point din naman siya eh. BTW, 1 year na akong nanatili sa lugar na ito.
"SERENE, basahin at aralin mo ang nakalagay sa kibro na ito. Hasain mo ang sarili mo gamit ito. Pamana ito sa akin ng aking mga ninuno at tanging ikaw at ako lang ang dapat makakaalam nito. Makapangyarihan ang mga galaw na ito Serene. Kaya nitong labanan at pigilan ang ano mang atake mula sa iba't ibang angkan at kaharian. Tandaan mong sa kabutihan mo lang ito gagamitin." Habang paliwanag niya habang inilalapag sa harap ko ang scroll at manuscript ng swordsmanship na sinasabi niya. Excited kong binuksan ang scroll at binasa ito.
"Shifu, hindi ko po maintindihan." Nakanguso kong ani.
"Ha-ha. Mahirap talaga iyan Serene. Ipagsabay mo ang puso at isip mo. Pumukit ka at unti-unti mong intindihin ang sinasaad sa libro." tulad nga ng sabi niya ay ipinikit ko ang mga mata ko. Unti-unti ko ng naiintindihan ang nasa libro. Mabangis ito kung hindi mo nakontrol ng tama dahil maaring isang tira mo lamang ay sigalot ang mangyayari.
Inaral ko nga ang nasa libro. Inabot ako ng dalawang taon upang tulayan na itong makontrol. Sabi din sa akin ng maestro ko ay hindi daw dapat basta-bastang ginagamit ito. Gamitin lang ito kung kinakailangan talaga dahil maraming magkakainteres dito na ikapapahamak ko.
Mahirap sa umpisa, oo. Wala naman kasing madali. Hanggang sa ngayon hindi ko pa rin alam kung anong silbi ko dito sa mundo nila.
Sa sumunod na tatlong taon ay diniskubre ko ang sarili kong kapangyarihan sa tulong ng sandata ko at ng aking maestro. Dito ako pinakanahihirapan sapagkat ipinanganak akong wala non. Ipinanganak akong walang silbi, I mean si Serene pala.
Masaya ako sa narating ko ngayon. Immortal na ako at huling stage na ako sa lakas nila. Pinapili ako ni Maestro ng level ng pagsasanay ko at mas pinili ko ang pinakamahirap na paraan hanggang sa marating ko ang dulo. Tinuruan din ako ni Maestro upang maikubli ko ang tunay na lakas at pinaalalahanan na gamitin sa tama.
Mas mabuti nga iyon upang mapadali ang pagkikita namin ni Eros. Nangako akong babalikan ko siya. Miss na miss ko na siya. Ano kayang magiging reaksiyon niya kapag nakita ako. Maging masaya kaya siya? Sa isipin palang na iyon ay napapangiti na ako.
"Malapit na tayong magkitang muli, Eros." Naiiyak kong usal habang hinahaplos ang bracelet na bigay niya bago ako umalis.
"Ayos ka lang, Serene?" Napapunas agad ako ng luha nang marinig ko ang boses ng maestro ko.
"Ayos lang po." Nakangiti kong saad.
"Si Eros ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinambit niyang pangalan. Paano niya nalaman ang relasyon ko Kay Eros? Ni isang bese hindi ko iyon sinabi sa kanya!
"Pano niyo po nalaman?"
"Iha, minsan nahuhuli kitang kinakausap ang alahas na iyon at lagi mong binabanggit ang pangalang Eros. Kasintahan mo?"
"Opo."
"Mag-impake ka na, Serene."
"Po?"
"Umalis ka na dito. Kahit ayaw kong umalis ka dahil kailangan ko ng trabahador ngunit kailangan mo ng umalis. At ayaw ko din naman manatili ka dito, napakatigas ng ulo mo." Basag na saad niya. Alan ko namang mamimiss ako nito eh.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasyTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...