Chapter 19
It's been a week since I entered this Academy and it's been a week na napepeste ang buhay ko. A week full of cat fights, char lang. Iniiwasan ko ang grupo ni Phyro iyon lang kasi naman mga sis pinagbubulungan ako. They don't dare to have fights with me or either provoke me kasi nilalabanan ko naman sila though not magic but rather words. Sila lang din ang mapapahiya kaya medyo kumunti nalang ang namemeste sa kin except sa dalawang bruhilda kong kapatid.
In this school, no private fights are allowed. Kung gusto mong makipag-away pwede mo siyang bigyan ng invitation para doon kayo maglaban sa arena and you'll be guided or judged by the school staffs.
"Serene! Serene!" Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ng guro namin.
"Po?"
"Anong gamit ng mga magic crystals?"
"Ang gamit po nito ay kadalasang ginagamit upang madagdagan ang kapangyarihan ngunit mahirap itong makuha dahil nasa pinakatuktok ng bundok ng Magical Forest makikita ang mga magical beasts. Isa pang gamit nito ay ang paggawa ng mga espesyal na sandata na may sariling kapangyarihan at iba pang mga pampasabog. Isa pa ay maaari din itong gamiting gamot at gawing magical pills." Matagal ko na itong alam dahil nabasa ko na iton doon sa palasyo. Dito sana ako pupunta kaso nakita ko si Tanda at isinama ako.
"Magaling."
Marami pa siyang pinaliwanag at mga discussions kaso tinamad na akong makinig.
Sa sumunod na klase ay medyo exciting na dahil gagawa kami ng sariling patalim.
"Sa inyong harapan may iba't ibang uri o kulay ng mga magic crystals base na rin sa tanda ng mga magical beasts. Ang puti ay sampong taon, ang dilaw ay limampu, ang kahel ay isang daan, ang berde ay dalawang daan, ang pula ay limang daan, ang asul ay pitong daan, ang lila ay isang libo ang gulang at ang pinakamataas o pinakamatanda ay ang ginto na umabot ng higit isang libong taon na nabubuhay sa magical forest. Kung ginto ang pipiliin niyo, ito lang ang sinasabi ko. Mahihirapan lang kayo. Tandaan na wag na wag niyong sasayangin o gamitin man lang ang life force niyo kung ayaw niyong masayang ang ilang taon niyong pageensayo."
"Pero kung ginto ang pinili niyo mas malakas naman ang magiging kalalabasan ng sandata niyo."
"Kailangan niyong gamitin ang qi na nasa sa inyo. Ilagay ang kulay na napili ninyo na magic crystal sa celadon. Gamitin niyo ang qi upang marefine ito. Wag niyong itigil. Sunod, lagyan niyo ng black iron ore at ihalo sa magic crystal. Tapos, ilagay niyo ang thunder vine. Isipin niyo ang nais niyong porma ng patalim niyo. Halimawa, isang balisong na napapalibutan ng magic crystal ang hawakan. Mag-focus lang kayo."
Gaya ng sabi niya ay sinunod ko ito. I chose gold not to brag but to obtain a valuable one.
Nahihirapan na ako at pawis na pawis na. Sunod-sunod ang paggalaw ng kamay ko to form a formation and after that ay balik na naman sa nakalutang na ngayon na magical beasts, black iron ore at thunder's vine. They don't attract and always repel maybe because minamadali ko? Or not enough ang qi na nasa katawan ko.
Nagkakaroon na ito ng mga parang kuryente at medyo nahirapan na talaga ako. Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko at ang iba sa kanila ay tumigil.
"Serene, itigil mo na iyan! Hindi magtatagal magagamit mo na ang life force mo!" Sigaw sa akin ng guro na ngayon ay nakalapit na sa akin.
"A...yo...ko... Argggg." Mas tinodo ko pa ang paggamit ng qi ko. Konti nalang at magagamit ko na talaga ang life force ko.
"Kamahalan, hayaan niyong tulungan ko kayo. Maglilipat ako ng karagdagang qi sa katawan mo." Saad ni Phoebus sa akin.
"Ngayon na Phoebus!" Malakas na sigaw ko. Kasabay nito ang pagdaloy ng maraming inner energy sa katawan ko at mas lalong tumodo ang epekto nito sa tatlong bagay na ngayon ay unti-unti nang nabubuo.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasyTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...