Chapter 12
Napatulala ako sa naging kalabasan at sa naging transformation ngayon ng lalaking iniligtas ko kanina. Kalalabas niya lang mula sa banyo. Masasabi no talagang, 'oh shit! makalaglag panty!' dahil pumogi na siya well gwapo naman talaga siya noong madungis pa but iba na siya ngayon. He is more handsome. Talagang lumabas iyong pagkagwapo niya, matutulis na ilong , makakapal na kilay, mahahaba at curly na eyelashes, kissable lips, and manly jaw.
Nabalik ako sa ulirat nang tinapik na niya ako. Matagal akong hindi kaagad nakareact.
"Gwapo natin ah."tukso ko. Napakamot lang ito sa batok. Binayaran ko na lahat ng damit, underwears, sapatos, at iba bang gamit panglalaki. Halos umabot ito sa dalawang ginto.
" Isasauli ko nalang ang iba, binibini. Napakalaki ng babayaran mo." saad niya.
"Huh? Malaki? Hindi naman ah."
"Kung para sa iyo at sa inyong mayayaman ay sentimo lamang iyan ngunit para sa aming mga mahihirap ay napakalaking halaga na iyan." Napatango-tango ako sa sinabi niya. Kung sabagay, may punto din siya.
"Saan ang bahay mo. Ihahatid kita." saad ko.
"Wala po akong bahay,binibini."
"Kamag-anak? Pamilya?"
"Wala din po. Simula ng isilang ako ay wala akong pamilya." nalulungkot niyang tugon. Nanlambot ang mga mata ko dahil naaawa ako sa kanya. Sa dating buhay ko, hindi ako maawain ngunit ewan ko kung anong nangyayari sa akin perhaps it's Serene's feelings.
"Sa laki mong iyan, ba't hindi ka naghanap ng trabaho?"
"Binibini, sa mundo natin at sa mundo ng tulad kong mahirap ay walang tatanggap. Marami na akong inaplayang trabaho dati ngunit wala ni isa ang tumanggap. Umaasa nalang ako sa limos kadalasan pa'y inaagaw ng mga lalaking nakaaway mo kanina." saad niya. Napailing nalang ako. Kawawa naman ito.
"Tama ka. Hindi patas ang mundo kahit anong gawin mo. Haaaay.... Ganito nalang, isasama kita sa bahay ko tutal mag-isa lang ako doon at malaki iyon. Para magkaroon ka na ng trabaho. Kung nanaisin mo, gagawin kitang alaly ko doon. Ano payag ka?" alok ko sa kanya.
Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Talaga binibini?!" masaya at nakangiti niyang ani.
"Talagang-talaga!" saad ko. Nagsimula na ulit n
kaming maglakad pauwi."Salamat, binibini."
"Don't mention it."
"Ano iyon, binibini?"
"Wala. Ang gagawin mo lang doon ay maglinis ng bahay, manguha ng panggatong, mag-igib ng tubig, at samahan moko mamalengke. Ako na ang bahala sa pagluluto." maliglig kong ani. Sa wakas, magkakaroon narin ako ng kasama. Napakahirap kayang gawin lahat iyon ng mag-isa.
"Basta kapag naging mabait ka at masipag libre ka na sa lahat. Ang pinaka-ayoko pa naman ang traydor, sinungaling, at magnanakaw. Hindi ka ba ganon?" Minsan kailangan din nating maging pranka para maayos ang. lahat.
"Maasahan mo ako binibini."
"Good."
Nakarating na kami sa bahay matapos ang mahabang lakaran. Mag-gagabi na din at papadilim na.Sakto lang ang uwi namin.
"Heto ang magiging kuwarto at tuluyan mo. Kompleto na diyan lahat. Sa kabilang bahagi ay ang kuwarto ko. Kung may kailangan ka soon, puntahan mo lang ako. " Umalis na ako doon at bumalik sa kuwarto. Naglinis muna ako ng buong katawan dahil sa lagkit ng pawis. Nang mahimasmasan at naging presko na ang pakiramdam ko ay bumaba na ako at nagsimula ng magluto. Good thing, may nadaanan kaming nagtitinda ng gulay at mga karnr sa kariton kanina kaya may mailuluto ako ngayon.
Adobo at fried chicken lang ang lulutuin ko ngayon dahil madali lang. And they are my favorite too. Minsan nalang kasi akong makakain non. Dahil noong nasa cultivation pa ako ay ginawa akong vegetarian ng matandang hukluban na iyon. Ilang sandali pa'y naluto na rin sa wakas ang ulam.
"Ginoo, kakain na tayo." sigaw ko.
Maya-maya ay bumaba na rin siya at nakapagpalit na din tulad ko.
"Anong putahe ito, binibini?" Kuryoso niyang tanong habang sinusuri ang adobo at fried chicken.
"At napakabango pa! Amoy palang masarap na!" masaya niyang komplimento. Napahagikhik ako ng mahina dahil sa kainosentehan at kakutan niya.
"Tikman mo nalang, Ginoo."
Just as if it's a cue para kumain na siya. Sunod-sunod ang pagkuha niya sa ulam at kanin. Mahahalata mong ubaw siya sa pagkain dahil simot talaga ang plato niya at walang nasasayang ni isang butil ng kanin.
Nang matapos akong kumain ay ibinibaba ko ang kunyertos at nangalumbaba. Nakangiti kong pinanood siyang kumain ng masagana at maligaya. Napansin niya atang nakatingin na ako sa kanya dahil binaba niya ng dahan-dahan ang kutsara.
Napatawa ako ng mahina." Anong pangalan mo?"
"Ravine, ang tawag nila sa akin." sagot niya.
"Wag kang mahiya. Kumain ka pa. Ako si Serene." pakilala ko sa sarili.
"Maligaya akong makilala ka Binibining Serene."
"Ako rin. Kain pa."
"Salamat, binibini. Hindi talaga ako mahihiyang uubusin ko ang napakasarap mong luto."
Napatawa nalang ako sa pambobola niya sa akin at sa kapilyuhan niya.
This day is not bad at all.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasiTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...