CHAPTER 3

2.5K 141 13
                                    

Chapter 3

APAT na buwan na akong inampon ng pamilya ni Eros. Joke lang. Nakikitira lang ako. Nakilala ko na rin ang bawat taong andidito. Actually, we're close na. Tumutulong din naman ako sa kanila sa gawaing bahay. Noong una ayaw ni Eros but what he can do kung likas na matigas ang bungo ko.

Eros is not a prince but for me he's like a prince charming. Char lang.

"Tasha, what are you thinking?" He asked. Oh diba? Nagpaturo mag-English. Ang galing ko talagang tutor kasi in just 4 months alam na niya halos lahat. Biro lang, Eros is so smart and a fast learner that was why he knew English easily. At tiyaka, hindi na ako nahihirapang mag-Filipino ano.

"Nothing. I'm just thinking of you." Banat ko. Kinindatan ko siya na mas lalong ikinapula ng tenga niya. Cute.

"HAHAHAHAHA joke lang!"

"O-okay." Sabi niya at tumalikod na. Oow? Anyari doon?

"Eros, wait!" Huminto naman siya.

Nang maabutan ko na siya, inakbayan ko siya at niyakap patagilid. Wag kayo, walang kami. This is what we called "naghaharutan pero walang label" ganon.

"Sorry na. Pasyal tayo! Apat na buwan na akong hindi nakalalabas, Eros kaya tara na!" Hinila ko siya papuntang kuwadra ng mga  Ekanoye. Ang Ekanoye ay ang tawag nila sa kabayong may pakpak.

"Hello there, Sam! Kamusta kayo ng mga kumare mong mga Ekanoye?" Tanong ko sa Ekanoye na pinangalanan kong Sammy, short for Sam. (E-ka-noy)

Narinig ko namang humagikhik ang kasama ko.

"Hindi ka niyan naiintindihan, Tasha."

"Naiintindihan niya ako, Eros. Sumagot nga eh. Right, Sam?"

"Tsah da bi." Sam said. It means yes. I don't know basta naiintindihan ko ang mga hayop dito. Nakakausap ko nga eh. Minsan kapag bored ako pumupunta ako dito sa mga kumare at kumpadre kong Ekanoye. May crush nga akong Ekanoye na lagi akong sinusungitan.

"Hi baby Hendrix!" Bati ko sa crush kong Ekanoye. Hahawakan ko na sana ito nang tinampal niya ang kamay ko gamit ang pakpak niya. Napasimangot ako sa ginawa niya. Narinig ko namang tumawa ng malakas ang kasama ko. Nilingon ko siya at hinampas. Loko to. Isa pa 'to eh.

"Napakasuplado mo talaga Hendrix! Magsama kayo ng amo mong sugpo. Let's go, Sammy!"Sumakay na ako sa Ekanoye at pinalipad ito.

Inilapag ko ang Ekanoye sa mga kwuadra nila dito sa bayan. Matapos makapagbayad sa tagabantay ay hinila ko na si Eros para magsaya.

"Bagay ba sa akin ito, Eros?" Ipinakita ko sa kanya ang hair clasp na napili ko. Ngumiti lang siya at tumango sa akin.

"Manong, magkano po ito?" Tanong ko doon sa tindero.

"Bagay sa iyo ang ipit na iyan, binibini. Napakaganda mo kaya ibibigay ko nalang iyan sa iyo sa halagang sampung pilak." Masayang ani niya.

"Tasha, dito tayo!" Hinila ako ni Eros sa mga nagkukumpulang mga tao. May magic show kasing nagaganap.

"Woaaah! Ang galing!" Napapalakpak ako sa bawat magic niya. Ang sayaaaa!

Hinila na naman ako ni Eros doon sa booth for riddles and logics. I love it!.

"Pwede po bang sumubok?" Nakangiting  tanong ni Eros doon sa nagbabantay.

"Dalawang pilak bawat bugtong. Kapag tama ka may premyo ka."

Nagsimula nang pumili si Eros ng bugtog. Nakatama na siya ng limang beses. Ang dami ko na ngang dala.

"May lungga akong nalalaman iisa lamang ang pintura. Apat naman ang labasan." Basa niya. Alam ko 'to!

REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon