Chapter 2

31 0 0
                                    

Chapter 2

SI GEORGE Padilla ang unang nakarating sa rest house na pagmamay-ari ng pamilyang Mariano. Well, aside kina Athena and her boyfriend na kahapon pa naghahanda para sa kanilang reunion. She decided na mag-settle muna sa guest room kung saan sila matutulog. Ayaw niya namang pumagitna sa mag-jowang naglalambingan sa ibaba. She's single since birth pero kahit na ganoon ay marunong namang siyang lumandi. Nagpapalandi rin naman siya pero wala pa ring pumapasa sa kanyang standard. Kahit sparks, wala.

She's lying her back on queen-sized bed while browsing her social med. May ilang boys na nag-memessage pero hindi niya muna in-entertain. Malamig sa malawak at pink na kwarto dahil sa dalawang bukas na aircon. Connected din siya sa WiFi and she's enjoying her time alone so far. Alas quatro na ng hapon pero siya pa lang ang nakarating. Well, she has no class on Friday's kaya ganoon unlike sa iba niyang kaibigan.

Bumangon siya para magtungo sa may bintana. George Padilla is wearing a branded girly and pastel colored dress. Bumagay 'yon sa kanyang slender na pangangatawan. Kumpleto rin ang suot niyang accessories na hindi basta-basta ang presyo. Kaya ready siya for picture anytime. She's a photogenic kaya kahit anong anggulo ng camera ay kuhang-kuha ang ganda ng mukha niya. No doubt, marami siyang nakukuhang likes and comments sa social med.

She's even considering of doing beauty contents for vlogs but she doesn't think she can manage her time lalo na't abala siya sa pagiging kolehiyala. She's a graduating student at kaunting sakripisyo pa, magiging Certified Public Accountant na rin siya. Gaya ng gusto ng kanyang Papa.

Honestly, she has no plans for herself, nagpapatangay lang siya sa agos at kung papalarin man, gusto niyang kumawala.

She sighed and shook her head to erase some unwanted and horrible thoughts. Naturuan niya ang sarili na kapag nasa labas ng bahay ay wala siyang dapat isipin na problema. She got to have fun no matter what.

Bago pa siya mag-selfie ay natanaw niyang may paparating na kulay violet na sasakyan and by then, alam niyang sina Samantha ang sakay nito. She knows her obssession with anything that is dark violet. She eagerly opened the sliding window to catch their attention. Napatingala ang dalawa niyang kaibigan na si Samantha at Michelle nang marinig siya.

"You're late, bitches!" she yelled.

Naka-receive naman siya ng irap at middle finger mula kay Samantha na ngayon ay nakasuot ng high-waist jeans and dark violet midriff top. Ang nakalugay na mahabang buhok nito ay lumagpas na sa kanyang bewang ngunit ang mataray na mukha ay ganoon pa rin. While her chubby friend Michelle only laughed in response, wearing a simple black T-shirt and denim jumper skirt. Probably, nabili sa ukay-ukay, she thought.

Mula sa pwesto niya ay tanaw niyang sinalubong sila ng mga kasambahay para kunin ang mga bagahe nila. Hindi rin biro ang byahe lalo na at mukhang nasa gitna pa sila ng kagubatan. She doesn't really understand why Athena chose her old place instead of renting a whole private beach resort. Hindi naman yata sila naghihirap o sadyang nagdadamot lang.

She shrugged her shoulders and went out of guest room to welcome her newly-arrived friends. Bumungad din sa kanila si Athena at ang boyfriend nito habang pababa siya ng hagdan.

"This is my boyfriend, Lucas," nakangiting bumaling si Athena sa katabi. "And Lucas, my friend Samantha and Michelle. Tanda mo ba?"

Umakbay si Lucas kay Athena at natawa. "Of course, babe." Then, he looked at Samantha and Michelle and gave them a smile. "Nice to finally meet you, girls. Palagi kayong nakwe-kwento ni babe sa akin."

And automatically, napairap si Samantha habang umuupo sa malambot na sofa. "Why? Sinisiraan ba niya kami?"

They all laughed at her remark. Agad na dinaluhan ni George ang mga kaibigan at binigyan ng yakap. Michelle even hit her booty ass. Sanay na siya roon kaya natatawa na lang siya. Though, minsan gusto niyang magreklamo pero ginagantihan niya na lang.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon