Chapter 19

10 0 0
                                    

Chapter 19

NANG makarating si Athena sa ibaba ay agad dumapo ang paningin niya kay Lucas, sa babe niya, na ngayon ay nakadapa sa sahig. Ang braso nito ay nasa likod dahil hawak 'yon ni Claire.

"Let go of him, Claire! Ano ba?!" umiiyak na sambit ni Cassy habang hinahatak patayo si Claire. But the latter didn't even flinch. Nakaupo pa rin ito ngayon sa likod ng boyfriend niya.

"Fuck! Get her away from me! She's cra--" Hindi natapos ni Lucas ang sinasabi dahil napadaing ito bigla nong pilipitin ni Claire ang braso nito.

The sight of it made her blood boil. Galit na humakbang siya palapit sa mga ito. She used all her remaining strength to push Claire away. Natumba ito kasabay ni Cassy.

But then, she gasped when her eyes landed on Zach and George. Napasulyap pa siya kay Sam na nakaupo ang katawan sa kanilang sofa.

Fear embraced her whole system again. Nakapatay na ang ilaw sa buong sala pero dahil sa liwanag ng buwan at ilaw mula sa kusina ay nakita niya pa rin ang estado ng mga kaibigan. It's fucking pitiful.

"You!" sabay turo niya kay Claire habang nanginginig ang katawan. "You fucking bitch! Pinatay mo sila!"

Pero hindi man lang ito natinag. Claire was only staring at her. Parang pinapahiwatig pa nito kung gaano siya ka-bobo.

Bumaling siya kay Cassy kaya roon niya napansin kung gaano kaputla ang mukha nito. Wala na siya sa ulirat para mag-isip pa nang maayos pero malakas ang hinala niya na kasabwat ito ni Claire!

Then, she looked down at her boyfriend and saw him getting up. Agad niyang dinaluhan ito at hinawakan ang magkabilang pisngi.

"Are you fine, babe? Anong ginawa niya sa'yo?" Athena asked as she broke down and cried in front of him.

"Shit, please stop crying. I'm okay." His soothing voice calmed her a bit. Inayos pa nito ang buhok niya para ilagay 'yon sa kanyang tenga.

Napalingon siya bigla kay Claire nong may binasag itong bote. Agad siyang inalalayan ni Lucas para makatayo. Si Cassy ay nakasunod lang sa bawat galaw ni Claire.

"Claire, Claire, nainom mo ba 'yong gamot mo?" Cassy asked, almost begging beside Claire.

Tumaas ang kilay niya nang marinig 'yong salitang 'gamot' pero hindi siya kumibo. She's only observing Claire. Nakaupo ito nang hindi sayad 'yong pang-upo. Sa harap nito ay ang mga basag na bote. Isa-isa nitong inusisa ang bawat piraso.

"Claire, I--I'm asking you."

Bakas ang kaba sa mukha ni Cassy nong bumaling sa kanya si Claire.

"Sabi ko sa'yo kanina, mamaya pa."

Tumindig ang balahibo niya dahil sa lamig ng boses ni Claire. Ramdam niyang humigpit ang kapit ni Lucas sa kanyang bewang.

"P--Pero kanina pa 'yon, 'di ba?"

Athena held her breath for a while when Claire suddenly bursted into laughter. "You are ridiculous, Chloe! I'm so touched na naisip mo pa 'yong gamot ko kaysa ang umalis dito. Why? You want us to die here together?"

Cassy remained silent. Sumeryoso bigla si Claire. "Is that what you want?"

"What are you planning to do?" mahina ngunit may diin ang tanong ni Cassy.

Athena properly stood up when Claire's blank eyes turned to their direction. Ngumiti ito na parang bata at saka tinuro si Lucas na parang ito 'yong laruang gusto nitong bilhin.

Muling bumaling si Claire kay Cassy habang nakangiti pa rin nang malapad. "I'm going to kill him."

Her lips parted. Athena even heard the excitement in Claire's voice. Naghahanap siya ng mga salitang pwedeng sabihin pero hindi siya makahulma ni isa.

She's fucking speechless. What the fuck.

NAPANGIWI si Lucas dahil sa narinig mula kay Claire at dahil na rin sa kirot ng likod niya. Sa bilis ng pangyayari ay hanggang ngayon, naguguluhan pa rin siya.

Pinabalik siya ni Charles sa rest house para sana kumuha ng flashlight. Napundi na kasi 'yong kanya kaya nag-decide sila na huwag munang tumuloy paibaba ng gubat. Then, he was shocked when he saw what happened here.

Patay na si Zach. And Claire, that crazy bitch was busy stabbing George's stomach with a cutter. Inawat niya pa ito pero nahuli na siya ng dating.

Sinubukan niya ring labanan si Claire pero mukhang nag-aral yata ito ng martial arts. Nagawa pa nitong paluin siya ng kahoy na may pako sa likod. Hindi lang 'yon, dahil habang nakabaon 'yong pako sa likod niya ay hinila pa ni Claire yon paibaba. Pakiramdam niya ay nahati sa gitna ang likod niya dahil sa sobrang sakit.

Pati ang mga braso niya ay hindi nakaligtas. Puro sugat ang mga 'yon kakaiwas niya na masaksak ng cutter. Mabuti na lang ay nabitawan ni Claire 'yon at nasipa niya patungo sa ilalim ng sofa. 

Claire maybe look fragile and nerd outside but that crazy bitch knows how to fucking bring a man to his knees! Kung nasa ibang sitwasyon lang sila ay talagang na-impress na siya sa lakas nito.

"You heard me, Candice? I'm going to kill that bastard!" Niyugyog pa ni Claire ang magkabilang balikat ni Cassy. 

"Dream on, psycho bitch! Ako muna ang patayin mo!"

Agad niyang hinawakan ang braso ni Athena para pigilan itong lumapit pa kina Claire. Umigting ang panga niya.

"Kill me, then. I don't care, basta huwag mo lang sasaktan si Athena," he insisted.

And lied.

Nag-iisa lang ito laban sa kanila kaya pwede niya ring igapos ito gaya ng ginawa nila kay Zach. Lucas is just waiting for a perfect time.

Claire gazed up at him. Ganoon din si Cassy na kanina pa hindi maka-imik samantalang si Athena ay lalong nagwala. "The hell, babe! Hindi ako papayag!"

Binaba niya ang hawak sa kamay ni Athena at pinagsalikop ang kanilang palad. Lucas held her hand tightly without breaking his eye contact with Claire.

"You heard me, Claire. Payag ako sa gusto mo--"

"There's no fucking way, I'd let you be killed by her!" Athena cut him off.

Huminga muna siya nang malalim bago pinagpatuloy ang sinasabi. "Just promise me, na hahayaan mong makaalis dito si Athena."

"Okay," Claire giggled. "Deal." Tumayo na rin ito habang hawak 'yong basag na bote.

Bumagsak ang paningin niya roon. He's planning on his mind how to take that weapon from her hand. He also knew that he will get hurt in the process. It's inevitable. But his willingness to secure Athena's safety is clearly unbounded.

Lucas would do anything for Athena.

Every. Fucking. Thing.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon