Chapter 15

10 0 0
                                    

Chapter 15

NALAGLAG ang panga ni Aubrey habang nakikinig sa bintang ni George sa kanya. Sa isang iglap ay binaliktad siya nito. May parte sa kanyang bumilib sa husay nitong umarte at gumawa ng walang saysay na kwento. Ni walang bahid ng guilt ang boses at mga mata nito. Kinilabutan siya bigla.

She was so scared, at first, of confronting George about Marga's death but she chose not to die being a coward shit. Gusto niyang maging matapang para makaligtas at makasama pa nang matagal ang mama niya.

The main reason why she badly wanted to expose the killer's identity. She also wanted to be certain. Kung kanino siya dapat sumama at kung sino ang dapat niyang pakinggan sa mga oras na ito. Ayaw niyang magkamali sa huli.

"No, you killed your pinsan! Don't make a kwento 'cause we both alam kung sino ang killer sa atin! And it's clearly you!" Aubrey shouted.

Halos masuka siya nong humagulhol si George bigla sa iyak. Diring-diri siya!

"You're so good at accusing us! Kanina si Mich ang pinag-initan mo, then si Cassy! Tapos ngayon, ako naman?" Tumayo na si George para mapantayan ang mukha niya. Tears continually streaming down on her face.

Pumalakpak siya, manghang-mangha dahil sa galing nitong magpanggap na inaapi. "Go, bitch! Paawa ka pa!"

Malakas ang loob ni Aubrey dahil hindi nito magagawang patayin siya kahit na asarin niya pa ito. George has no deadly weapon in her hands right now. She's safe. Bumaba ang paningin niya sa lasong nasa lapag, dinampot niya agad 'yon at binigay kay Cassy na may mapanuring titig sa kanila ni George.

Alam ni Aubrey na mahihirapan siyang i-convince ito. She threw a little shade on Cassy kanina kaya baka nagalit ito sa kanya. Hindi niya alam pero susubok pa rin siya.

She sighed. Napansin niyang nakamasid din nang maigi sa kanya si Mich. Nakadungaw ito mula sa likuran ni Cassy at kanina pa walang imik. Mich seemed like a scared kitten, hiding from a lioness. Nakaramdam siya ng awa at pagsisisi dahil sa mga binato niyang paratang dito.

Aubrey sighed as she faced Cassy again. "You know, I'm not sinungaling. I speak what's on my isip and I'm sorry sa lahat ng hurtful words na sinabi ko, especially to you Mich. I was jus--"

"Sinong paawa sa atin ngayon, Aubrey? At sinong hindi sinungaling? Are you kidding me?" si George na humahakbang palapit sa kanila.

Naalarma siya pero hindi niya pinahalata iyon. Hindi niya na alam kung anong dapat pang sabihin pero may huling alas siya na magpapayanig kay George.

"I'm sorry, Aubrey, but I don't understand why George would kill her own cousin. Gaya ng sinasabi mo," mabagal, mahina, at naninimbang na pahayag ni Cassy.

Aubrey shook her head in disbelief. "So, you're implying na I can patay Marga 'cause she's not my pinsan? Baka she likes Charles din kaya niya ginawa 'yon!"

Noong napansin ni Aubrey ang palihim na pag-ngisi ni George ay gusto niya na itong sakalin sa leeg! Maging siya ay walang ideya kung bakit nito pinatay si Marga pero sigurado siya sa kanyang ipinaglalaban.

Noong sumunod siya kay George kanina paakyat ng second floor ay dumiretso agad siya sa loob ng guest room. Samantalang ito ay pumasok pa sa guest room ng boys kaya nagkaroon siya ng chance na buksan ang bag nito at kalkalin. Doon niya nakita 'yong botilya. She was caught off guard when George went in and locked the door.

Gusto nitong kunin 'yong tingin niyang lason na hawak niya pero hindi niya ito hinayaan. Aubrey physically defended herself from George' attacks despite of searing fear. Nasampal pa niya ang pisngi nito at nakabasag pa sila ng malaking vase. Nagtagal sila sa loob dahil ayaw siyang palabasin ni George. Then, what now? Siya pa ang naging killer?

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon