Chapter 11

46 1 0
                                    

Chapter 11

AUBREY could still feel her whole body shaking with fright. Napanood niya kung paano biglaang namatay si Marga sa mismong harap niya. Kung paano ito pumikit pagkatapos pakawalan ang huling hininga. Kita niyang may tumakas pang luha mula sa mata ni Marga.

Nanlalamig siya at halos hindi makagalaw. She was only staring at Marga the whole time. Kung bakit sa isang iglap ay nawalhan ito ng buhay. Ang sabi ni Sam at ni George ay si Athena ang may kasalanan pero hindi siya naniniwala. Hindi kayang pumatay ng bessy niya kahit na galit pa rin ito kay Marga.

Noong sumugod sila sa school ni Marga noon ay nasaksihan niya kung paano nagtimpi si Athena. Kaya nitong kaladkarin si Marga palabas ng classroom para ipahiya lalo sa maraming estudyante pero hindi nito ginawa. Malaki ang paniniwala niya kay Athena compared sa iba pang kasama. 

Kaya noong naitanong 'yon ni Athena ay agad siyang napatingin kay Samantha. Sinabi ni Sam kanina na galit ito kay Marga kaya pwedeng ito ang lumason . . .

Nagiging bayolente si Sam kapag nagagalit ito pero kapag napuno na ay nagiging kalmado ito kaya mas lalong nakakatakot. Aubrey shuddered at the thought of Sam secretly keeping a poison and planning to execute each one of them. Alam niyang hindi imposible 'yon ngayon.

"Admit it, Sam. Galit ka rin kay Marga. Sinabi mo 'yon kanina," si Athena. "Everyone knows that you have a very bad temper. Kaya mo siyang patayin in just a snap of your finger. Remember Cassy? Tinulak mo siya sa pool noon dahil sinira niya 'yong bikini mo. You were gone mad and--"

"And I apologized already. Don't fucking change the subject!" agap ni Sam.

Sumulyap si Aubrey kay Zach at Charles na tulala pa rin. Si Cassy ay walang imik na nakamasid kay Marga. George and Mich were only listening. Si Claire ay nakayuko lamang. Aubrey couldn't see Claire's reaction because half of her face was covered by her long and wavy hair.

"Then, don't fucking put all the blame on me. Alam naming obsessed ka kay Gibson pero anong ginawa ni Marga?"

Humakbang ng isang beses si Athena palapit kay Sam. "She didn't hesitate to tell your parents about your toxic relationship with him! Sinabi ni Marga na piniperahan ka lang ni Gibson, na ginagamit ka lang, which is true! Hindi ka minahal ni Gibson at ikaw, uto-uto ka!"

Hindi umabot ang sampal ni Sam kay Athena dahil humarang si Lucas sa pagitan ng dalawa. "Tama na, please. We should call a police station to resolve this mess," mahinahong saad ni Lucas pero parang walang nakarinig noon.

Nakatalikod si Lucas kay Sam kaya ito ang nakasalo ng hampas ni Sam. Aubrey saw how Lucas' face distorted when he received a slap on his back. Tumayo na si Mich para pigilan si Sam na sumugod kay Athena.

"Tang-ina mo, Athena! Gibson loves me! Wala sana kaming problema kung hindi nakialam si Marga pero hindi ako papatay dahil lang doon!" galit na sigaw ni Sam pabalik kay Athena.

"You are crazily in love with Gibson! You are obsessed! Kaya kung sino mang hahadlang sa inyo, alam kong kaya mong patayin and that's happened to be Marga! You killed her!" Halos pumiyok na si Athena habang sinasabi 'yon.

Sinipa ni Sam ang nakataob na mesa dahil siguro ay wala na itong masabi at napapagod na itong humanap ng palusot.

"Please, Athena. Umamin ka na lang. Bukas na 'yong beer nong sinalin mo sa baso ni Marga kanina. Nilason mo si Marga," Mich cried out.

Pansin ni Aubrey ang biglaang pananahimik ni Athena. Hindi ito agad nakabawi sa bintang ni Mich.

"Nilagay mo na 'yong lason sa beer nong nasa kusina ka pa lang. For pete's sake, she was once your friend. Naging malapit din kayo noon kaya bakit mo ginawa 'yon?" unti-unting nabasag ang boses ni Mich.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon