Chapter 18

13 0 0
                                    

Chapter 18

HINDI pa nakakalabas si Mich non ng rest house nong halos namatay na si George sa kakatawa. She was only making fun of Mich. Pansin niya kasi ang pagiging tense nito kaya tinakot niya lang nang kaunti.

She stared at Mich like she's planning for a next murder. Kaya 'yon, naduwag. Muntik pang madulas ito habang naglalakad palayo sa kanila. It was really epic. Halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa at mabuti na lang napigilan niya ang sarili na hampasin ang balikat ni Samantha. Katabi niya lang kasi ito sa sofa at amoy na amoy niya ang malansang dugo nito. Dapat ganoon din ang ginawa niya kay Marga, hindi 'yong nilason niya lang.

Her laughter died because of sudden regret. Kung alam niya lang na meron ding papatay, sana hindi muna siya nagmadali. Hindi tuloy siya na-satisfied sa outcome.

She elegantly wiped her tears off her eyes. Ngayon lang ulit siya nakatawa nang ganoon. Thanks to Mich. Na-enjoy niya lang kasi 'yong party noong nahihirapan nang huminga si Marga at sumusuka na ng dugo. The rest, average lang.

George exhaled as she stood up. This is the timing that she needs to finally escape. She couldn't afford to be put behind bars without killing her son of a bitch 'older brother' and of course, that fucking bitch Prestina. Nakaplano na ang lahat kung paano niya dahan-dahang papatayin ang mga ito.

Besides, malakas ang kutob niyang hindi si Forteo ang totoong pumatay kina Sam. Hindi sila magka-vibes, eh. Hindi niya lang masabi 'yon sa iba dahil alam niyang hindi na siya papakinggan.

So, nakisakay na lang siya. She also didn't want to trigger the other killer. Baka maipit pa ito at siya na 'yong isunod. Hindi siya pwedeng mamatay na lang dito.

"Where do you think you're going?" awat ni Forteo nong humakbang na siya paalis.

George faced him and gave him an innocent smile. "Tatakas?"

Ambang sisigaw ito nang busalan niya ang bibig nito. Agad niyang kinuha ang balabal na nakabalot sa katawan ni fucking Marga.

"If I were you, I would not waste my energy trying to defend myself," mahinang saad niya sa likuran nito habang tinatali 'yong balabal nang mahigpit. May napiga pa siyang dugo ni fucking Marga habang ginagawa 'yon kaya napangiwi siya.

She also felt bad for him but she continued what she's doing. It's for the best. Nang matapos ay inapakan niya ang tiyan ni fucking Marga para muling harapin si Forteo na matalim ang tingin sa kanya.

She playfully tap his right cheek. Nakahawak ang isang kamay niya sa kaliwang tuhod para balansehin ang katawan. "Don't be sad, Forteo. I know you're not guilty. It's just that, sa'yo nabunton ang sisi."

Nang makatayo nang maayos ay maingay na bumuntong hininga pa si George habang pinapanood si Forteo na nagpupumiglas sa pagkakatali. Para itong kawawang aso na inaabuso ng amo sa lagay nito.

She sighed again and decided to leave. Naglakad siya patungong kusina dahil nakita niya kanina na may daan doon palabas ng rest house.

But when she was about to pass the dining area, she stepped onto something. Agad niyang dinampot kung ano 'yon.

It's a round eyeglasses with a bloody red frame.

Kumunot ang noo niya. Alam niya kung sino ang may-ari ng hawak niyang salamin pero nagtataka siya kung paano ito napunta sa sahig.

Posible kayang . . .

George froze when she heard a noise after Forteo stopped from shouting. Bigla siyang kinabahan at nanginig sa pwesto niya. Nakatalikod siya sa lugar kung nasaan si Forteo pero alam niyang doon nanggagaling 'yong tunog.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon