Chapter 1

115 2 0
                                    

Chapter 1

"HEY, it's a beautiful world, it's a beautiful life. Make ya move and make love 'til the sunshine..."

Abot hanggang labas ng basketball court ang tugtog na nagmumula sa isang malaking speaker. Maging ang boses ng zumba dance instructor na si Michelle Salazar. Bagamat pagod na sa pagsasayaw ay nakangiti at masigla pa rin ito sa harap ng kanyang mga estudyanteng nasa 30 paitaas ang edad.

Her only choice in life is to earn money or die. Pero kahit ang mamatay ay hindi niya rin magawa dahil ang buhay niya ay hindi para sa kanya kun'di para sa kanyang binubuhay na pamilya. Perks of being the eldest and the kindest child.

"Wala ka pala bukas, Michelle? Sinong magtuturo sa'min niyan?" asked by her youngest student.

Tinupi niya muna ang perang binayad sa kanya at binulsa ito bago sumagot. "Tinawagan ko na po 'yong kaibigan ko kagabi. Si Lea. Magaling din 'yon."

Nagpunas siya ng pawis sa mukha at napabuntong hininga. Meron pa siyang dalawang trabaho na kailangan pasukan sa araw na 'to bilang waitress at janitress.

"Ganoon ba? Sige. Mag-ingat ka na lang sa lakad mo." Pumihit na ito paalis at naglakad palabas ng basketball court na unti-unting napupuno ng mga batang naglalaro.

Kinuha niya ang bag sa bleacher at doon niya lang napansin na may tumatawag sa kanyang cellphone na outdated na nga, meron pang gasgas. Sinagot niya ito habang umiinom ng tubig. Nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nag-aalmusal.

"Hey, anong oras kita dadaanan sa inyo? Nakapagpaalam ka na ba?" agad na bungad ni Samantha sa kabilang linya.

Michelle heaved a sigh. 'Yon din ang problema niya bukod sa ayaw niyang magsayang ng oras sa kanilang reunion. She doesn't think her parents would agree to it. Magastos 'yon at malayo pa. Imbes na meron siyang dagdag ipon para sa pag-aaral sa college ay mapupunta pa 'yon doon.

"Nevermind. Alam kong hindi pa. So, anong plano mo?"

Sinarado niya ang bote ng tubig at naupo muna sa bleacher. Bumagsak ang paningin niya sa lumang rubber shoes na suot niya.

"Ewan. Parang ayaw kong pumunta na gusto ko," she honestly told her.

May parte sa puso niya ang gustong lumayo pansamantala mula sa nakakapagod niyang mundo. She wanted to escape so bad and rest even just for a few days. 'Yong walang iniisip na bayarin at obligasyon.

"You should come, Mich. Si Athena na raw ang bahala sa expenses kung 'yon ang inaalala mo. And you know her, she always makes sure that she gets what she wants. Kaya kung ako sa'yo, mag-iimpake na ko at maghahanap ng paraan kung paano aalis ng bahay."

Muli siyang napabuntong hininga dahil sa narinig mula kay Samantha. Athena wants them complete and ready. At kapag hindi nasunod, magagalit 'yon. Baka sumugod pa 'yon sa kanilang bahay at mag-eskandalo na hindi malabong mangyari.

Baka may masabi rin ito sa harap ng magulang niya. Knowing Athena, a spoiled brat bitch was not capable of being tamed back then. Ewan niya lang ngayon. Baka nagbago na ito or worst, lumala. She couldn't be sure.

Michelle stood up as she collected her things on bleacher. Muntikan pa siyang matamaan ng bola sa ulo. "Puntahan mo ko sa bahay ng alas kwatro. Chat mo ko kapag malapit ka na para sa labas na ko maghihintay."

Siguro ay mag-iiwan na lang siya ng sulat sa ibabaw ng mesa. Then, she'll face her mad parents on Monday. Sana lang ay makapasok pa siya sa kanilang bahay pagkatapos ng reunion nila.

Samantha snorted. "Alright, Madame. Ipagdasal mo na magising ako nang maaga."

Napangisi na lang siya habang naglalakad palabas ng basketball court. May mga batang naghahabulan at humaharang pa sa daan niya.

SA KABILANG banda ay bakas sa mukha ni Samantha Reyes ang excitement para bukas. Nakangisi din siya habang kumportableng nakahiga sa kanyang malapad at malambot na kama. Alas diyes na ng umaga pero wala pa rin siyang balak bumangon. She's being sluggish and unproductive again. Kung hindi pa siya kikilos ay paniguradong late na siya sa klase. But she doesn't really mind.

Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at walang pasabing pumasok ang Kuya niya. Napairap siya. 'Yon na siguro ang natural na reaksyon niya sa lahat ng bagay.

"Good morning, Señorita! Your food is ready pero mukhang ikaw ang hindi. Aren't you going to school? Ako daw ang maghahatid sa--"

"Get out, Kuya." Then, she lazily got up from her bed. Sinuot niya ang tsinelas at nagtungo sa kanyang closet para kumuha ng damit.

Most of her clothes were in dark colors. Hindi na nakakagulat dahil maging ang motif ng kwarto niya ay ganoon din. Dark violet and black. Ang tanging kulay puti ay ang nakasabit na electric guitar sa may pader. Agaw pansin 'yon dahil 'yon agad ang makikita ng sinumang papasok sa kanyang kwarto.

"Kanina pa sila umalis ng bahay kung 'yon ang inaalala mo. And about your reunion, hindi pa rin sila pumapayag so you must seriously behave," his intimidating voice didn't affect her, even a bit.

"Why so? I can leave whenever I want." Then, she picked a dark grey long-sleeved dress nang hindi pa rin bumabaling sa kapatid.

She heard him scoffed. "Dahil lang sa gagong 'yon? Nagrerebelde ka? Hanggang ngayon? Kung si Papa lang ang masusunod ay matagal ka nang napalayas dito."

Sa inis ay padabog na sinarado ni Samantha ang kanyang closet. She faced her older brother who remained standing beside her vanity cabinet. Kalmado itong nakahalukipkip.

"Sana nga ganoon, dahil matagal na kong nasasakal sa pagiging pakialamero niyo. This is my life and not fucking yours," may diing sambit niya

"Sasayangin mo lang ang buhay mo sa lalaking 'yon kaya bakit ka namin hahayaan, Samantha?"

"Bakit? Dahil ba mahirap lang siya? Kaya ka ba nakipag-break kay Michelle dahil doon?"

Yes. Her older brother and her friend Michelle were in a relationship years ago. Pero sa isang iglap ay natapos 'yon. Dahil sa Kuya niya ay muntikan na siyang mawalhan ng mabuting kaibigan. Hindi niya pa rin nakakalimutan iyon hanggang ngayon.

"This is not about us, Samantha," umigting ang panga nito at dumilim ang mukha. "Tungkol ito sa pagiging tanga at desperada mo sa lalaking 'yon! Dad gave him money already so I'm sure hindi na 'yon magpapakita sa'yo unless he wanted more."

Kumuyom ang kamay niya dahil sa narinig mula sa kapatid. Kung malapit lang ito sa kanya ay nasampal niya na ang pisngi nito. Nag-alab ang galit niya sa buong pamilya.

Hindi siya makapaniwalang nagawa nila ang bagay na 'yon sa kanyang longtime boyfriend. Gibson has been really nice to her. Kahit mahirap lang ito ay punong-puno pa rin ng pangarap sa buhay.

Inabot niya ang vase sa mesa at hinagis yon malapit sa paanan ng kapatid. Dinig niya ang malakas na mura nito. Nandidilim ang paningin niya at kung hindi pa ito aalis ay baka kung anong magawa niya.

"You. Get out. I don't want to see you again!" Then, she angrily went inside her bathroom.

Naiwan niya ang Kuya na gulat pa rin dahil sa inasal niya. May ilang daplis sa magkabilang paa at binti nito na nagsisimula nang dumugo.

Samantha is not your ordinary girl. Noong high school pa lang sila ay halos lahat ng nasa campus ay intimidated sa aura niya. Teachers, classmates, and staffs. Walang nakaligtas. Idagdag pa 'yong pagiging straightforward niya. Nagsasalita pa lang siya, umiiyak na 'yong kaaway niya.

But that's only her act. Her only way to filter people from coming into her life and to protect herself from so much disappointments. Hindi rin siya madaling kausapin o lapitan. Pero dahil siya ang unang nag-approach kina Athena ay naging kaibigan niya ang mga ito.

Kaya rin siya nagkaroon ng boyfriend ay dahil iba si Gibson. Ilang beses niya itong nabasted pero hindi pa rin niya ito napasuko sa panliligaw. Instead, she gave in. Sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang walang karanasan sa relasyon kaya ganoon na lang ang galak niya noong dumating si Gibson. Na kaya niyang ibigay ang lahat-lahat para sa kanya.

Humigpit ang kapit niya sa manibela habang nagmamaneho palabas ng subdivision nila. She would rather get bored in her class than to stay hidden inside her room. Bukod sa kailangan niyang mag-shop para sa kanilang reunion bukas ay hindi niya rin masikmura ang presensya ng kapatid.

Maingay sa loob ng sasakyan ni Samantha dahil sa kanta ng Paramore. Minsan ay sumasabay pa siya, sumisigaw na para bang sa ganoong paraan ay mababawasan ang frustration na dinadala niya. Kung hindi pa siya huminto sa drive thru ng Mcdo ay hindi niya pa masasagot ang tawag ng kaklase. Si Leira 'yon. Agad niyang dinampot ang nagvi-vibrate na cellphone sa dashboard habang nag-oorder ng brunch.

"May problema ba?" agap niya. Naka-ilang missed call na ito kaya umusbong ang kaba sa dibdib niya.

"About Gibson."

Lalo siyang na-estatwa. "Why? What happened?"

"We saw him kanina. Lumabas ng Mercury Drug. I got confused kasi ang sabi mo bumalik na siya sa province nila."

Bumaling muna siya sa cashier para mag-bayad habang nakadikit ang cellphone sa tenga at balikat niya. Hindi siya makakilos nang maayos dahil sa balitang 'yon.

"'Yong ang sabi nila Darwin. Na umuwi na siya sa Leyte. Baka naman nagkamali ka lang," she replied.

Ang plano niya sana ay puntahan ito pagkatapos ng reunion nila. Hindi na siya babalik ng Manila at magpapakasal na lang sa nobyo para wala nang humadlang pa sa kanila. Imposibleng nasa paligid lang ito, gayong hindi ito nagpapakita sa kanya. Mahal siya ni Gibson kaya imposibleng hindi siya hanapin nito.

"I know you would think that way kaya I took a picture of him for evidence. Just check your inbox, Samantha."

Agad niyang binuksan ang pinadalang mensahe ng kaklase. Kumabog ang dibdib niya dahil si Gibson nga 'yon. Nagpasalamat siya kay Leira at nagmadaling umalis ng Mcdo pagkakuha niya ng kanyang order. Nawala bigla ang inis at gutom dahil napalitan 'yon ng excitement. She would see her boyfriend kaya bakit hindi siya matutuwa?

Nag-u-turn siya para mapuntahan ang apartment nito. Malapit na sana siya sa kanyang university pero mas importanteng makausap niya si Gibson kaysa magsayang ng oras sa pag-aaral. Isa pa, dalawang buwan na silang walang communication. She could not even reach his number.

Halos araw-araw din siyang bumibisita sa apartment nito pero ang sabi ng landlady ay umalis na daw ito. She already paid his annual rent kaya walang problema kung magpabalik-balik siya roon. Madalas din siyang nagagawi sa bar kung saan tumutugtog ang banda nila Gibson pero wala din siyang napapala.

They kept on saying that her boyfriend left and did not hear any word from him. That she must not look for him anymore. Pero siguro nga istupida siya dahil hindi pa rin siya sumusuko.

As soon as she parked her car, she immediately went out and walked into his apartment. Nasa second floor kaya inakyat pa niya ang metal na hagdan. Nakasalubong pa nga niya si Manay Eding, ang landlady at sinubukan siyang kausapin ngunit nilagpasan niya lang ito. Agad niyang binuksan ang mamahaling bag para kunin ang susi. Nahulog pa niya ito dahil sa pagmamadali.

She inhaled first before unlocking the door. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang dark violet na labi. Nang makapasok siya ay napansin niya agad kung gaano kadumi ang buong sala. Merong balat ng kung anong pagkain ang nasa paligid. May nabasag pang baso na hindi man lang naligpit at 'yong electric fan ay umaandar pa rin kahit walang gumagamit.

Napabuntong hininga siya. She's used to that kind of mess dahil hindi magaling maglinis ang kanyang boyfriend. Nagha-hire pa siya ng cleaner para sa apartment nito.

"Gibson?" she called. Humakbang siya patungo sa kwarto nito habang iniiwasan ang mga kalat sa sahig. Nakakita pa siya ng boxer short sa ibabaw ng sofa.

Hindi na siya kumatok at walang pasabing binuksan ang pinto ng kwarto. She found her boyfriend lying in his stomach, fully naked and awake. Napalunok siya.

"You are here," mabagal niyang sinabi. Taliwas sa kumakabog niyang puso.

Her boyfriend confidently got up from his bed. She couldn't help not to look at his hard-on. Napakagat labi naman siya habang iniisip kung paano niya aamuhin 'yon. She can undress now and do him but she controlled her sexual desire. She needs to speak to him first.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw na break na tayo? Ayaw sa akin ng pamilya mong matapobre." Sumandal si Gibson sa cabinet nito habang nakahubad pa rin.

Napapamura na lang siya sa isip dahil hindi siya makapag-concentrate kaya ang ginawa niya ay nagpadala siya. She embraced his body. Pawisan pa ito pero hindi siya nag-inarte.

"Pupunta akong reunion bukas. Please, come with me. May naipon na ko. We can get married and live somewhere else. 'Yong hindi mahahanap ng pamilya ko. I only need you," naluluha niyang saad, nagmamakaawa.

"And I know you really love me. Kaya please, sumama ka." Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Please, Gibson. We'll start a family. Hindi ba 'yon ang pangarap natin?"

Her lips parted when he pushed her away. Napaatras siya habang natitigilan dahil sa malamig na pakikitungo sa kanya ng nobyo.

"Umalis ka na, Samantha. Tutal pera lang naman ang tingin nilang habol ko sa iyo mas mabuting ganoon na lang."

She desperately shook her head. "No. Alam mong hindi ko naisip 'yan! I love you so much na kaya kong i-give up lahat just for you. So please, 'wag namang ganito. We can live far away from Metro Manila. Where do you want?"

Dinig niya ang buntong hininga ng kaharap. Halos lumuhod na siya para lang sumang-ayon ito sa gusto niya ngunit parang walang epekto. She hurts more when she saw him looking at her with disgust. Ni ayaw nitong magpahawak sa kanya. Na para bang may nakakahawa siyang sakit. Na para bang hindi naging sila ng apat na taon!

Nasasaktan siya pero kahit ganoon ay sinusubukan pa rin niyang lumapit habang nagbibihis ito ng damit. Ma-pride siyang babae pero sa harap ni Gibson ay natatanga siya. Marupok at nagiging mahina.

Hindi nakaligtas sa paningin niya kanina ang babaeng nagmadaling pumasok ng CR at ang gamit na condom sa ilalim ng kama. She only acted fine and dumb. Ayaw niyang magtanong kung sino 'yong makati na 'yon dahil ramdam niyang matatalo siya. She's glad na bago pa siya nakapasok ay natapos na ang mga ito na mag-sex.

"Akala ko nasa probinsya ka na. Alam mo bang miss na miss na kita?" she sobbed. Patuloy na umaagos ang mga luha niya, natatakot ng sobra dahil baka mawala si Gibson sa kanya.

Buong akala niya ay wala nang lalaking maglalakas loob na mahalin siya but then she met him. He made her feel special and a woman. Bagay na hindi niya madaling makuha mula sa iba dahil sa pagiging arogante niya. Kaya ngayong naririnig niya ang pag-ayaw ng boyfriend ay unti-unting nawawasak ang mundo niya.

She couldn't just let him go! Kahit na kinaladkad na siya nito palabas ng apartment ay kumapit pa rin siya sa suot nitong asul na T-shirt. Kahit pisikal na siyang nasasaktan nito ay hindi pa rin siya bumitaw. Sa halip ay yumakap siyang muli. Yumakap nang mahigpit.

Pero anong laban niya sa lalaking 5'8 ang height? Unfortunately, wala.

Kaya nang itulak siya nito ay nawalhan siya ng balanse at napaupo sa maalikabok na sahig. May mga kapit bahay pang dumungaw at nagbulungan sa isa't isa habang siya ay halos humagulhol na dahil sa nararamdamang sakit.

"Huwag na huwag ka nang babalik dito dahil sa susunod ay baka mas malala pa diyan ang makuha mo," Then, Gibson slammed his door in front of her.

Naiyukom ni Samantha ang kamay habang nagpapahid ng mga luha. Patakbo siyang umalis patungo sa kanyang sasakyan. Habang nagmamaneho ay nagagalit siya sa isang partikular na kaibigan. Na kung hindi dahil sa bunganga nito ay hindi malalaman ng parents niya ang relasyon nila ni Gibson. Hindi sana ganito ang nangyayari sa buhay niya.

'Di sana, sila pa rin.

Paulit-ulit na hinampas ni Samantha ang manibela ng sasakyan dahil sa kanyang frustration. Nahahagip niya rin ang busina kaya napapatingin sa gawi niya ang ibang driver sa kalsada. But hell, she doesn't really care at all.

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon