Chapter 23

13 0 0
                                    

Chapter 23

ILANG minuto rin ang nasayang dahil sa pakikinig nila sa kwento ni Lucas. He was totally engrossed in his narration that he even showed gestures to explain how he cruelly killed her friends. Habang nagsasalita ay nakangiti pa ito na para bang pinagmamalaki ang lahat ng ginawa. It's making her want to throw up on his face.

Kung hindi lang dahil sa hawak nitong baril ay kanina pa niya hinatak palabas ng rest house si Cassy. She didn't want to die in vain.

"Why are you doing this to us?" Athena had to ask, interrupting Lucas from talking bullshits. Sinubukan siyang itago ni Cassy sa likuran nito pero hindi siya nagpatianod. Nagtama ang paningin nila ni Lucas.

Ngumuso si Lucas sa kanilang harap. "You sure you want to find it out? Hindi ba dapat ang pag-usapan natin ay kung sino sa inyo ang susunod? Pwede ring sabay kayo pero," he licked his lower lip. "I want to be alone with you, babe," his voice became softer.

Nangilabot siya bigla. Kung dati ay hahalikan niya agad ito kapag nagiging sweet, ngayon ay nandidiri siya nang sobra-sobra. Lumipat ang mga mata nito sa kanyang katabi, kay Cassy, kaya nagmadali siyang humarang sa harap ng kaibigan.

"Oh," he looked at her again. "Being protective, huh?"

"Tumigil ka na, Lucas! Wala kaming kasalanan sa'yo!" she shouted, losing her patience.

Bahagyang yumuko si Lucas at kinamot ang batok. "What did you--you say? Wa--Wala kayong kasalanan?"

Ramdam niyang humigpit ang kapit ni Cassy sa kanyang braso. Hindi niya ito binalingan dahil nanatili ang masamang tingin niya sa harap.

"You know I've been good to you! So I don't understand why you're doing all these horrible things to us! Wala kaming ginagawang masama sa--"

Natigilan siya dahil sa biglang pagmumura ni Lucas nang malakas. Ilang beses din nitong binaril ang vase malapit sa sofa. Nadaplisan siya ng mga bubog sa braso, maging si Cassy sa kanyang likuran ay narinig niyang dumaing.

"You fucking said it! Na wala kayong kasalanan! Pero akala niyo lang yon!" Nanlalaki ang mga mata ni Lucas dahil sa galit, pati ang mga ugat sa sentido ay nagpapakita. He's also clenching his jaw so hard. Kaya napapaatras silang dalawa ni Cassy.

"Do you even know who I am? Kung ano bang pangalan ko--"

"W--What do you mean? Y--You are Lucas Fernandez," sagot niya habang mabagal pa rin ang bawat hakbang nila ni Cassy paatras.

"No, babe." Lucas' expression darkened more as he relaxed a bit. "Ako 'to, si Tin-Tin, na mahal na mahal na mahal ka," mabagal nitong sinabi bago humalakhak nang malakas.

Sa sobrang gulat niya ay hindi siya agad nakabawi. She gasped and froze for a while, wondering why horrible things were happening all at once! Kinakarma na nga yata siya!

"You are . . . Justin Marquez," si Cassy, na hindi rin makapaniwala.

"Yup," Lucas said playfully, still laughing. "I'm JusTin-Tin. You gave that nickname to me because I used to stutter. Wala naman akong problema sa sarili ko, eh, pero kayo, meron kayong problema sa akin! I didn't understand why you had to make a fool out of me!"

"L--Look, Lucas--"

"Tin-Tin nga sabi!"

Athena quickly nodded. Sa nanginginig na katawan at basag na boses ay muli siyang nagsalita. "Tin-Tin, I--I'm sorry."

Unti-unting nabura ang ngiti ni Lucas sa kanilang harap. "Let's play a game, bitches. Nababagot na ko." May kinuha itong yellow na papel mula sa sahig. May tumulo pang dugo nong buklatin ni Lucas 'yon.

"Tin-Tin, please, don't kill us," naluluhang saad ni Athena.

"This one is damn easy! Sinong nagsulat nito?" Bumagsak ang paningin nito sa mga walang buhay niyang kaibigan. His brows were furrowed. 

"Ikaw ba?" sabay sipa sa ulo ni Zach kaya tuluyang natanggal mula sa katawan at parang bola na gumulong palapit sa kanila ni Cassy. Nahigit niya ang hininga nong makita ang dilat na mga mata ni Zach. Cassy muttered a curse. 

"Drag your butt on the carpet like a dog from here," nag-isip pa ito saglit. "Siguro, pwede na hanggang sa pinto. Then, you can run all you want. I don't mind." 

Her gaze lingered on Lucas' blank face. Pabago-bago ang emosyon nito simula pa kanina pero ang makita na walang bahid ng kahit ano ang parehong mata nito ay mas lalo nakakatakot. 

"What are you waiting for? Hindi niyo gagawin?" sabay kasa ng baril nito. 

HINILA ni Cassy paupo si Athena. Ramdam niyang nanginginig ang buong katawan nito sa takot, ganoon din siya, pero hindi nila pwedeng palampasin ang pagkakataon na makatakas mula sa impyernong 'to.

They silently followed the dare while Lucas remained standing behind them, watching them make a mistake. Until now, she found it hard to believe that he was Tin-Tin, the kid that they bullied before. 

Kinagat niya ang labi para mapigilan ang sarili na humikbi nang malakas. Dama niya sa kanyang pang-upo at mga palad ang pinaghalong dugo ng mga kaibigan. Sinubukan din nilang iwasan ang mga bubog na nagkalat sa sahig. When she had reached the doorway, she quickly helped Athena from standing up. Sabay silang tumakbo palabas ng rest house. 

Napahinto lang siya nong nakita niya kung ano ang lagay ni Mich. Patay na rin ito. Tuluyan siyang umiyak at nagsisi kung bakit iniwan niya pa ito kanina. It's her damn fault! 

"Come on, Cassy! Wala na tayong magagawa!" si Athena sabay hawak nito sa kanyang kamay para mahila siya. 

"Pero si Mich--"

They were both startled when Lucas fired his gun at somewhere. Nagkatinginan sila sa isa't isa at kahit paubos na ang lakas ay nagmadali silang tumakbo patungo sa gitna ng gubat. Napamura na lang si Cassy sa isip dahil mas mabilis ang kilos ni Lucas.

Muntik na siyang matumba dahil sa tama ng baril sa kanyang binti pero nagpatuloy pa rin siya. Unti-unti ay bumagal siya dahil sa kirot ng binti. Umiikot na rin ang paningin niya dahil sa dugong nawawala. 

Athena looked back at her, completely confused. She gave her a weary smile. Pareho silang naghahabol ng hininga dahil sa layo ng tinakbo. "Iwan mo na ko," she convinced her as she stopped. Magiging pabigat lang siya rito kalaunan kaya mas mabuting maiwan na lang siya. Isa pa, napapagod na talaga siya. "Please, Athena." 

Her friend shook her head repeatedly. Determinadong isama pa rin siya kaya binagsak niya ang paningin sa kanyang binti. Mabuti kung daplis lang ng bala pero hindi eh. Nasa binti niya 'yong bala.

"Save yourself. Ayokong mamatay tayong lahat dito," she said as she bit her lip to stop herself from grunting in physical pain. Nakasandal na siya ngayon sa isang puno. 

"Hindi pwede, Cassy," muling umiyak si Athena sa harap niya. 

"Wag nang makulit," she tried to fake a chuckle. "Matagal ko na ring gustong mamatay kaya please, please, iwan mo na ko rito." 

"Stupid bitches. Nakaka-disappoint kayo." 

Sabay silang bumaling kay Lucas na ngayon ay palapit na sa kanila. Cassy felt the rush to push Athena away. "Umalis ka na sabi!" 

"Ayoko--

"Ako na lang patayin mo, Tin-Tin. Wag mo na idamay si Athena. Sabi mo, 'di ba, mahal mo siya? Alam kong mahal mo pa rin siya," mahinahon niyang hinarap si Lucas.

Base sa pinapakita nitong kilos sa kanila, masasabi niyang psychopath ito. Manipulation, narcissism, impulsiveness, apathy . . . 

Imposibleng magkaroon ito ng awa pero gusto niya lang ma-distract ito kahit sandali para makatakas si Athena. 

"Tin, paki-usap, 'wag si Cassy," si Athena na gusto pang lumapit kay Lucas kung hindi niya lang napigilan. 

"Okay, sabi mo, eh." Then, everything went black when Lucas shoot her on forehead.

Finally, she's not obliged to wake up anymore. 

Old Friends Die HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon